About aging and maturing

Masasabi ko na naranasan ko naman na mapuri kung gaano kalinis ang face ko (hindi ako kasi gaano pini-pimple) at ka- sexy fit ng katawan ko especially yung binti ko (dati). Ang worst part dun ay mahiyain ako at hindi ko tinatanggap ng masyado ang papuri ng iba lalo na kapag lalaki ang nagsabi sa akin.  In short cute sana ako kaso walang kumpiyansa sa sarili.

Nung college, nag-start na ako tumaba, magka-pimple, magka-eye bags at magulo ang mundo ng buhok ko. Nandoon kasi ang stress sa school at ibang personal stuff ng isang young adult. Pero unti-unti nahahanap ko yung sarili kong mga istilo o gusto, let’s say identity. So kung hilig ng iba ang make up o gimmick- sa akin anime. And kahit may pagka-novelty ang taste ko, I gained respect and hindi ako kayang talunin ng peer pressure.

Nung ako ay fresh grad, madalas naku-culture shock at sobrang nai-intimidate ako sa iba.  You know maraming yuppies out there na complete ang package- beautiful face, fashionista, and graduate  from reputable school with honor. I am very ordinary, pati na sa aking mga trip sa buhay at pananamit.  Sa sobrang generic, hindi ko na alam kung paano ko nasasagot yung Why Should we hire you at ano ang kaya kong gawin na hindi kaya ng iba.

This slideshow requires JavaScript.

So ito na, hindi ka na cute, hindi ka na mukhang competitive at bumaba na ang confidence.  Pero kung may isa pa akong ipagmamalaki, yun ang paniniwala ko na humble ako. Humble siguro na minsan nawawala sa ulirat na nagiging disadvantage.  Pero na-realized ko na asset ko ito at kaya kong maka-develop ng iba pang traits. You know when you are humble at nagku-compare ka sa iba. Hindi ka maiinggit kundi pupurihin mo yung magagandang bagay. Tatanggapin mo ang iyong mga kahinaan at magiging bukas ka sa maraming bagay na puwede mong matutuhan. Maging kuntento sa kung ano muna ang mayroon at mangangarap kang makuha yung trip mo by faith, perseverance, and changes.

May dalawa akong pimple ngayon, walang balak na magpa-rebond, maraming binabayaran at pinag-iipunan, may mga pangarap pang hindi pa natutupad, may gusto pang mapatunayan, single at kailan lang nag-birthday na naman. Never ending pa siguro yung mga isyu pero ang happy part ay I feel na mas confident at malawak na ang pang-unawa ko sa mga bagay-bagay. I mean, puwedeng hindi maganda ang skin ko ngayon pero I don’t believe na pangit ako. Kung hindi ko masagot lahat ng tanong, iyon ay  dahil hindi ako magmamarunong na alam ko ang isang bagay na puwede naman ituro sa akin o matutuhan ko. Naiintindihan ko ang pagkakaiba ng iba sa akin, pero nauunawain ko rin ang pinagkaiba ko sa iba at unti-unti kong napagtatanto ang mga bagay na ito sa paglipas ng mga panahon.

Advertisements

28 thoughts on “About aging and maturing

  1. may nagbulong sa akin dati.. an aging person is like adobo.. the more it age, the yummy it gets.. my pagkabastos ata ang kinalabasan ng sinabi ko pero may sense naman siguro… sabi nga rin nila na beauty comes with age so sa nangyayari sa iyo, you are aging gracefully… alam ko yang feeling na yan.. tumatanda na rin ako.. huhuhu…

  2. i agree, 100% iba yung feeling ko ngayon e. i think young adults should learn that beauty is not about what you can see but what you think and feel.

    most of the time… sa usapan napagkakamalan ako na marami ng nalalaman o matanda na.

    pero yung iba na nakakita na napagkamamalan naman akong mas bata sa age ko, (na siempre gustong-gusto ko naman).

    mas gusto ko ata na maa-appreciate ako na may malawak na pang-unawa kaysa cute lang. Parang dali-daling sabihin na maganda ka ngayon…hohoho (kapal na talaga ng mukha kong sabihin na maganda ako wahaaha)

    salamat sa pagbisita kuya

      1. ei, salamat sa ‘yong dalaw at comment… 🙂 ei, mag-ayos ka lang lagi at um-attitude ng kainaman andyou’ll be surprised, di mahahalata ang age mo, ahaha. ^^

      2. naku partida wala pang ayos minsan pero natatanong pa akong estudyante wahaha.

        pero oplan make up na ako ngayon.. maiba lang ang aura ng 2012 ko. hohoho

        salamat sa pagbista!

  3. for aging, may i recommend our line for derma cele…whoops…i mean. ganyan tlga. add another year! ika nga ng sinabi ko dun sa blog ni ms jec. just do whatever you feel like doing.

    1. naku stunning yang mga traits na yan as in above minimum wage and probationary for high position. chuz hahaha

      aba san ka ba naman nakakita ng cute na humble pa. partida kung hindi pa naging humble yan baka uber ganda na natin. hehehe

      mabuhay!

  4. “I think you have to relax about aging. What else can you do?”

    yan ang sabi ni felicity kendal.. lahat ay dadaan sa ganyan.. may mauuna lang talaga a may mahuhuli.. Wag mong intindihin ang pagbabago sa sarili.. gawan mo na lang ng paraan na maalagaan ulit ang sarili mo.. Nagtratrabaho tayo para mabuhay.. hindi tayo nabubuhay para magtrabaho.. bigyan mo ng oras ang sarili mo.. 🙂

  5. Nasa college pa lang ako ngayon, pero nakakarelate ako dun sa ‘pagbaba ng self esteem.’ Lagi kong sinasabi na magiging magandang lalaki din ako pagdating ng araw, kapag may pera na ko’t trabaho.

    Lahat ng ‘to nasa ‘sana’ lang.. Walang kasiguruhan.

    1. hi kurtvanyu! welcome sa Hoshilandia!

      naku… siguro nga talaga dumadaan tayo sa phase na ganito at may reason din naman. baka ito kasi yung motivation natin at mahanap yung gusto natin pagdating ng araw.

      as i mentioned, yung positive view (be humble na rin) yun ang starting point to feel better and wag kang mawalan ng pag-asa. Saka maniwala ka, sa aming girls hindi na lang sa gandang lalaki yan, nasa pagdadala na.

      mabuhay sa iyong pag-aaral!

  6. sabi nga ni Gaga, “You’re beautiful in your way cos God makes no mistakes. You’re on the right track, you were born this way.”

    I particularly liked the kast paragraph 🙂

  7. bakit ba tayo nagkakapisikalan dito? anong kaguluhan to? Ang mahalaga sa akin ay iyong kabuluhan mo sa mundo, hindi mo kailangang hanapin sa iba ang kaligayahan kundi sa sarili mo mismo. 😉 You’re doing great!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s