Mainit! Masarap mag-Pundaquit

tanaw ang caponies
tanaw ang caponies

Asul ang dagat, parang musika sa pandinig ang ingay ng mga alon, pino ang buhanginan na nilalakaran, ang kaulapan ay  tila pinaghalong kulay bughaw at lila dahil hindi pa gaanong mababanaag ang araw at ang hangin na  malamig ay dumadampi sa aking katawan. Totoo nga pala na ang cinematic na ambiance sa dalampasigan ay makapagbibigay ng naiibang enerhiya. Pwedeng -pwede kang mag-meditate o mag-reflect.

Ngayon kainitan ng panahon sa Kalakhang Maynila, hindi na kinakaya ng mga puno naming santol, buko, mangga, saging, bayabas at chessa ang matinding epekto ng summer sun.   Lalo ko tuloy ninanais na mag-beach partikular na sa Pundaquit.

Isang public beach ang Pundaquit na matatagpuan sa San Antonio, Zambales.  Alam mo ba ang magandang setting ng Marimar ni Marian Rivera, ‘yong Caponies island. Doon malapit “yon,” kwento ng aking lollete na si Kristy kaya ako na-curious na puntahan ang lugar noong February 15 – 17 last year.

pundaquit-carayan
pundaquit-carayan

Kasama ang aking colleague na si Avi, sumugod kami sa lugar at talagang adventure sa akin ‘yon. Lahat first time,  tulad nga ng sinabi ko sa aking isang  entry. Mabuti na lamang at napaka-safe ng lugar. Dagdag pa doon ang accommodating na si Tita Angel at very comfy niyang mga cottages. I like ‘yong una naming native room, feeling probinsya talaga ang drama ko. Nag-suggest na nga lang lumipat si avi dahil kasagsagan naman ng lamig noon. So doon kami sa two-room with bathroom, sala, refrigerator & air con cottage ni Tita napadpad.

pundaquit-fav. ilog
pundaquit-fav. ilog

May mga reasons why kami pumasyal ng pundaquit (pang diary na ang kabuuan) at  na-accomplish ko naman ang dalawa doon. Pero, kahit halimbawa wala  ‘yon, walang problema. Sulit ang scenery & experience.

Mula sa beach ng Pundaquit matatanaw ang Caponies Island , sa likod na bahagi naman ng bundok sa Pundaquit makikita na raw umano ang sikat na ngayong Anwangin Island. Sari-saring programa na rin ang nag-shoot sa mga islang nabanggit gaya ng Extra Challenge, Kung Fu Kids at Maging Sino Ka Man.

Hindi kami nakapag-swimming (hindi dahil takot ako sa tubig) dahil mas trip namin ni avi sa hapon magtampisaw. Eh yon ang panahon na mataas na ang tubig (high tide). Eh ang alam kong langoy, floating lang. Pero sa ibang parte, marami ang masayang nagsu-swimming. May mga namataan din kaming foreigners.

Pinakagusto kong kunan ng litrato ang bahagyang nakatago na ilog (Carayan), pang post card kahit simple lang. siempre kasama  na roon ang abot-tanaw na Caponies, ang bundok na tila may ukit na Puso ( maka-Kapuso ata! Hehehe), ang ilog na may mga kubo ( pang painting naman ito) at ang batuhan sa gilid ng bundok.

pundaquit-mt-
pundaquit-mt-

Ganda rin pagmasdan ang pagiging abala ng mga mangingisda, may maagang umaalis at may hapon na kung dumating.  Mayroon nga akong nakunan, doon pa malapit sa pampang nag-iitsa ng lambat.  Pero, sana ma-solve ang problema ng mga mangingisda doon. Ang Illegal fishing at paggamit ng dinamita doon ng mga dayong fishermen.

pundaquit-native-cottage
pundaquit-native-cottage

Sa kabuuan, malinis ang kapaligiran ng Pundaquit.  Kung may makikita man na mangilanngilang kalat, kagagawan na marahil ‘yon ng mga walang pakundangan na turista. Mababait din ang mga taga-Pundaquit. Isang bagay na kahanga-hanga sa kanila ay tunay silang mapagkakakatiwalaan. Iwan mo ang gamit mo, kahit medyo nakabuyangyang pa, walang mawawala. And I believe ganun pa rin sila hanggang ngayon.

Hangad ko na makabalik sa lugar, and pagdating panahon  na ‘yon for sure, makakatawid na ako papuntang Caponies and Anwangin.  Hay, mainit sarap talaga magbalik ng Pundaquit.

by the way, because of  my superb experience sa Ferriols residence ini-endorse ko talaga ito.  hindi mo iisipin na nagre-rent ka kundi parang nasa rest house ka lang na pagkaganda-ganda. Ang number doon ay +639202302935 at ang kanilang website ay http://www.ferriolsresidence.co.nr/

mabuhay!


Advertisements

24 thoughts on “Mainit! Masarap mag-Pundaquit

  1. 🙂

    Oi Hito, anong scene ba ng Maging-Sino-Ka-Man ang na-shoot sa Caponies Island? Yun bang na-stranded sina JB at Celine where Celine was roasting fish?

    Yay, I want to play the dumb JB and be stranded with a gal as caring as Celine, perhaps more naughty? 🙂

  2. wow ang ganda nga….nakapunta na rin ako ng zambales ilang beses na pero….di ko pa ito nakita….pero magaganda talaga ang beaches sa zambales….

  3. hehehe.. mas maganda na malamang ang kuha ko. partida yung luma kong camera pa lang ang ginamit ko diyan pero maganda na. (yabangko!)
    iyon ay dahil maganda rin kasi ang kinukunan.

    korek sana makapag-team building tayo doon. pera na lang kailangan… at least may alam na akong pwede nating tuluyan.

  4. Oi, ala bang ‘naturist’ beach dun? 🙂

    Ang alam ko, puedeng bahag lang ang damit tsaka bow-and-arrow.

    Ano bang gagawin mo sa air-con na accomodation, magmukmuk sa kuarto? Naah, dapat maglibot, mag-camping, bonfire, mag-ihaw…, no cellphones, no internet, nothing. Ikaw lang at ang iyong irog!

  5. eh sa marap mag-aircon kuya lalo na sa tanghali… kailangna ko kasi ng power nap.

    gusto ko naman ang sinabi mo na mag-camping pwera huli. kayo lang ng ilog este irog, so boring!!!

  6. matulog under the sun, nakabikini and sun block lotion! mga puti nga e, kung minsan ay walang ano ____!

    pag mainit, magkutsara! 🙂

    boring ba ang ilog este …, sapukin mo o kaya palitan ang itlog! ops, irog pala!

    Ala ‘tong Jane na to, ‘agagalit si Tarzan pag ‘kaw kasama niya sa bakasyon hehehehe!

  7. kami close, ewan ko sa lang sa iyo raft3r! joke hehehe…

    naku magandang idea ‘yan, ewan ko lang sa tatlo… kung aayon.

    pero kung hindi man, suggest ko talagang magpunta ka. kasama ng iyong mga friends…punta kayo anwangin, caponies ni marian at siempre sa pundaquit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s