Define motherhood Mommy Hitokirihoshi

Isang araw na out of curiosity ay napagtripan kong malaman ang aking online presence sa Google and Youtube, I typed my precious name- spell H-I-T-O-K-I-R-I-H-O-S-H-I. Tada sa youtube may lumabas na isang video nan a-mention ang aking name na hindi ko naman post.

Ito siya…

Natuwa ako at natawa sa video na ito. Naalala ko naman kung paanong umabot sa punto na sinagot ni Ms. Judy Ann Santos ang tanong ko. Talagang tinanong ko siya na ipinaabot malamang sa Johnson’s Baby. natuwa ako siyempre kasi sa mismong premier ng video ay hindi ko magawang bantayan dahil may trabaho ako at nakalimutan ko na. Ganda ng shots at pagsagot n’ya na may pagka-playful. Natawa lang ako dahil naging mommy ako sa title nila. Siguro ipinalagay nila na lahat ng nagtanong ay mga mommy na.

Though hindi totoo na ako ay Mommy na, hindi ko naman ikinagalit. Kung ang pagiging mommy ko ay  sumasalarawan sa paggamit ko rin ng mga products na pambata, pagpapahid ko rin ng mga ito sa aking mga pamangkin at gayon din sa aking ina at pagbibigay ng aking makakaya para makatulong sa aking pamilya- go ako na si Mommy Hitokirihoshi.

Advertisements

Rubbing elbows with the OPM icons

Tuwang-tuwa ang music enthusiast- blogger na si Hitokirihoshi nang finally ay ma-meet n’ya ang mga nakalahakhan niyang mga music icons na siyang espe…

via Rubbing elbows with the OPM icons.