Mainit! Masarap mag-Pundaquit

tanaw ang caponies
tanaw ang caponies

Asul ang dagat, parang musika sa pandinig ang ingay ng mga alon, pino ang buhanginan na nilalakaran, ang kaulapan ay  tila pinaghalong kulay bughaw at lila dahil hindi pa gaanong mababanaag ang araw at ang hangin na  malamig ay dumadampi sa aking katawan. Totoo nga pala na ang cinematic na ambiance sa dalampasigan ay makapagbibigay ng naiibang enerhiya. Pwedeng -pwede kang mag-meditate o mag-reflect.

Ngayon kainitan ng panahon sa Kalakhang Maynila, hindi na kinakaya ng mga puno naming santol, buko, mangga, saging, bayabas at chessa ang matinding epekto ng summer sun.   Lalo ko tuloy ninanais na mag-beach partikular na sa Pundaquit.

Isang public beach ang Pundaquit na matatagpuan sa San Antonio, Zambales.  Alam mo ba ang magandang setting ng Marimar ni Marian Rivera, ‘yong Caponies island. Doon malapit “yon,” kwento ng aking lollete na si Kristy kaya ako na-curious na puntahan ang lugar noong February 15 – 17 last year.

pundaquit-carayan
pundaquit-carayan

Kasama ang aking colleague na si Avi, sumugod kami sa lugar at talagang adventure sa akin ‘yon. Lahat first time,  tulad nga ng sinabi ko sa aking isang  entry. Mabuti na lamang at napaka-safe ng lugar. Dagdag pa doon ang accommodating na si Tita Angel at very comfy niyang mga cottages. I like ‘yong una naming native room, feeling probinsya talaga ang drama ko. Nag-suggest na nga lang lumipat si avi dahil kasagsagan naman ng lamig noon. So doon kami sa two-room with bathroom, sala, refrigerator & air con cottage ni Tita napadpad.

pundaquit-fav. ilog
pundaquit-fav. ilog

May mga reasons why kami pumasyal ng pundaquit (pang diary na ang kabuuan) at  na-accomplish ko naman ang dalawa doon. Pero, kahit halimbawa wala  ‘yon, walang problema. Sulit ang scenery & experience.

Mula sa beach ng Pundaquit matatanaw ang Caponies Island , sa likod na bahagi naman ng bundok sa Pundaquit makikita na raw umano ang sikat na ngayong Anwangin Island. Sari-saring programa na rin ang nag-shoot sa mga islang nabanggit gaya ng Extra Challenge, Kung Fu Kids at Maging Sino Ka Man.

Hindi kami nakapag-swimming (hindi dahil takot ako sa tubig) dahil mas trip namin ni avi sa hapon magtampisaw. Eh yon ang panahon na mataas na ang tubig (high tide). Eh ang alam kong langoy, floating lang. Pero sa ibang parte, marami ang masayang nagsu-swimming. May mga namataan din kaming foreigners.

Pinakagusto kong kunan ng litrato ang bahagyang nakatago na ilog (Carayan), pang post card kahit simple lang. siempre kasama  na roon ang abot-tanaw na Caponies, ang bundok na tila may ukit na Puso ( maka-Kapuso ata! Hehehe), ang ilog na may mga kubo ( pang painting naman ito) at ang batuhan sa gilid ng bundok.

pundaquit-mt-
pundaquit-mt-

Ganda rin pagmasdan ang pagiging abala ng mga mangingisda, may maagang umaalis at may hapon na kung dumating.  Mayroon nga akong nakunan, doon pa malapit sa pampang nag-iitsa ng lambat.  Pero, sana ma-solve ang problema ng mga mangingisda doon. Ang Illegal fishing at paggamit ng dinamita doon ng mga dayong fishermen.

pundaquit-native-cottage
pundaquit-native-cottage

Sa kabuuan, malinis ang kapaligiran ng Pundaquit.  Kung may makikita man na mangilanngilang kalat, kagagawan na marahil ‘yon ng mga walang pakundangan na turista. Mababait din ang mga taga-Pundaquit. Isang bagay na kahanga-hanga sa kanila ay tunay silang mapagkakakatiwalaan. Iwan mo ang gamit mo, kahit medyo nakabuyangyang pa, walang mawawala. And I believe ganun pa rin sila hanggang ngayon.

Hangad ko na makabalik sa lugar, and pagdating panahon  na ‘yon for sure, makakatawid na ako papuntang Caponies and Anwangin.  Hay, mainit sarap talaga magbalik ng Pundaquit.

by the way, because of  my superb experience sa Ferriols residence ini-endorse ko talaga ito.  hindi mo iisipin na nagre-rent ka kundi parang nasa rest house ka lang na pagkaganda-ganda. Ang number doon ay +639202302935 at ang kanilang website ay http://www.ferriolsresidence.co.nr/

mabuhay!


thanks 2008!

Entrada: Again, Feliz Año Nuevo mi amigos y mi amigas!  Pacencia kung ngayon lang ako nakahirit dahil hindi lamang ako naging abala, nagkasakit din po ako. Vira: Ngayong nakapaskil na ang OX na 2009 calendar, hindi ko mapigilan ang mag-isip at magtanong.  Ano nga ba ang nangyari sa akin nitong 2008?  Siempre pa, may mga malulungkot at negatibo akong naisip pero mas gusto kong balikan yung mga blessings o magagandang pangyayari na natanggap  o naranasan ko. Sa lahat-lahat dalawang bagay talaga ang tumatak sa memorya ko. Iyon ay ang iba’t ibang  lugar na napuntahan ko at o yes! nakapag-ipon din pala ako. 1. Travel & Pleasures In fairness ha, marami-rami rin ang destinasyon ang nabisita ko noong nakaraang taon. Bago iyon sa akin dahil lagi lang naman ako sa Purple Nassau  at  hindi  rin ako ma-adventure sa pagkain man o sa paggastos. Hehehe! a. Pundaquit, Iba Zambales (Feb. 15-17)

sunrise (pundaquit, zambales) by Hoshi Gonzales

Maraming first sa viaje kong iyon.  Una, iyon ang first out of town ko na hindi ko kasama alin man sa pamilya ko, partikular na si Manang Juling.  Siempre, panandalian ko munang nilimot ang pagiging kuripot ko dahil first time ko rin nagpaluwal ng pera  para sa paglalakbay. Pero ang hindi ko malilimutan doon ay nang matulog kami ni Avi sa waiting shed from 3 am to 5 am ata yun at napapalagiran kami ng mga tambay. Lamig doon sa area na yon, sobra! b. Avilon Zoo (April 5) white-peafowl3.jpg Cheesy pero baka yun ang first time kong makapasok sa Zoo. Ang kagandahan pa ay ang saya-saya ng lakad ng PIMSI barkada noon dahil walang lumitaw na reklamador. Paubusan ng battery and the winner was Ka Ver’s cellphone. Iba talaga ang masilayan, makadaupang palad at masinghot ang lugar ng mga kahayupan.  Guapo ng mga white peafowl! c. Pura, Gerona Tarlac (May 15-17) tarlac-trip-may-15-17-007“Mabuti po talaga at hindi pa rin namamatay ang kultura ng mga Pinoy! Magdiwang tayo,” iyan ang masasabi ko sa tatlong araw na paghimpil namin nina Avi at barkada kong si Maya sa Tarlac. Buhay na buhay pa rin po ang pagiging hospitable ng mga Pinoy, special mention diyan ang Fernandez Family. Makulay pa rin ang piyestang probinsya nila. Siempre, napuntahan din namin ang pamosong Hacienda Luisita at ayon napadpad kami sa Aquino museum. Doon ko higit na nabasa (diary nila Ninoy at  Ex. Pres. Cory Aquino) at namalas ang pagmamahal ni Ninoy sa kanyang asawa, anak, at bansa. d. World of Butterflies (June 4) , Pan de Amerikana (June 4 &5), and Marikina‘s museums (August 2wobpandeamericana6-4-08-0443) Nabago na po ang pananaw ko sa Marikina dahil sa mga  lugar at sistema na nakita ko sa pag-ikot namin doon. Sa WOB, Shoe Museum, Belen Museum, Miniature Museum, Doll Museum at Pan de Amerikina, talagang ipo-promote ko ‘yung huli. The best e! Mula sa porma ng lugar, mura at sarap ng mga pagkain, hanggang sa serbisyo ng tao maipagmamalaki talaga.  Hindi ko rin kakalimutan ang sinabi sa amin ng may-ari ng restaurant na si Mr. Jun Salvador dahil gagamitin ko yun ‘pag nagtayo na ako ng sarili kong business. Jia You, Hoshi! e. Wordcamp (Sept. 6) and Adarna Workshopwordcamp (July 19) Ah ito, feeling ko lakbay- aral ang ginawa namin nina Avi at Sherma.  Sobrang nahayok kami sa kaalaman at pag-aaral. Sana nga ay matupad namin ang aming mga adhikain at natutuhan. f. Food and Restpilita's famous ...aurants Naku itong 2008 na ata ang pinakamaraming restaurant akong nakainan na iba sa usual kong pinupuntahan.  Ilan sa mga nilamunan namin ang Pilita’s Resto (bandang Greenhills Shopping Center), Halo Café (Cubao Expo), Gottis Ristorante (Atrium, Megamall), Adarna Food and Culture (Kalayaan Ave., Q.C.), Hot Pot Noodle House (Megamall), Ohana Resto (Megamall) etc. g. Antipolo (May 25) and Manaog (August 17) Yung sa Manaog grabe nanakit ang pwet ko sa limang oras na viaje. Mas mahaba pa yung nilagi namin sa bus kaysa sa simbahan pero okay lang ibang experience yun. Sa Antipolo naman, ang masasabi ko lang ay maganda at mabuti na nanatili pa rin ang tradisyon at paniniwala sa nasabing lugar kahit unti-unti nang nagbabago ang paligid nito. May ilan pa akong napuntahan na lugar pero yung mga nasa itaas yun yung  mga the best! 2. Savings alekansyaDahil sa dami ng naging gastos ko last year at wala naman ako masyadong raket ay talagang in-anticipate ko na mahihirapan akong makapag-ipon. Hanggang ngayon nga ay halos hindi ko pa mapuno ang aking alkansya. Pero hindi ako tumitigil at hindi ako nagpapagapi. (Naks, sugod!)  At thankful naman ako kasi maraming salik ang nakatulong para maka-quota ako. yahoo! Aja: Kaya kahit may mga hindi natupad sa mga wishes ko noong 2008, masaya pa rin.  Aasa na lang ako na magkakatotoo ang ilan sa kanila this year. Vaya Con  Dios Hoshi!