thanks 2008!

Entrada: Again, Feliz Año Nuevo mi amigos y mi amigas!  Pacencia kung ngayon lang ako nakahirit dahil hindi lamang ako naging abala, nagkasakit din po ako. Vira: Ngayong nakapaskil na ang OX na 2009 calendar, hindi ko mapigilan ang mag-isip at magtanong.  Ano nga ba ang nangyari sa akin nitong 2008?  Siempre pa, may mga malulungkot at negatibo akong naisip pero mas gusto kong balikan yung mga blessings o magagandang pangyayari na natanggap  o naranasan ko. Sa lahat-lahat dalawang bagay talaga ang tumatak sa memorya ko. Iyon ay ang iba’t ibang  lugar na napuntahan ko at o yes! nakapag-ipon din pala ako. 1. Travel & Pleasures In fairness ha, marami-rami rin ang destinasyon ang nabisita ko noong nakaraang taon. Bago iyon sa akin dahil lagi lang naman ako sa Purple Nassau  at  hindi  rin ako ma-adventure sa pagkain man o sa paggastos. Hehehe! a. Pundaquit, Iba Zambales (Feb. 15-17)

sunrise (pundaquit, zambales) by Hoshi Gonzales

Maraming first sa viaje kong iyon.  Una, iyon ang first out of town ko na hindi ko kasama alin man sa pamilya ko, partikular na si Manang Juling.  Siempre, panandalian ko munang nilimot ang pagiging kuripot ko dahil first time ko rin nagpaluwal ng pera  para sa paglalakbay. Pero ang hindi ko malilimutan doon ay nang matulog kami ni Avi sa waiting shed from 3 am to 5 am ata yun at napapalagiran kami ng mga tambay. Lamig doon sa area na yon, sobra! b. Avilon Zoo (April 5) white-peafowl3.jpg Cheesy pero baka yun ang first time kong makapasok sa Zoo. Ang kagandahan pa ay ang saya-saya ng lakad ng PIMSI barkada noon dahil walang lumitaw na reklamador. Paubusan ng battery and the winner was Ka Ver’s cellphone. Iba talaga ang masilayan, makadaupang palad at masinghot ang lugar ng mga kahayupan.  Guapo ng mga white peafowl! c. Pura, Gerona Tarlac (May 15-17) tarlac-trip-may-15-17-007“Mabuti po talaga at hindi pa rin namamatay ang kultura ng mga Pinoy! Magdiwang tayo,” iyan ang masasabi ko sa tatlong araw na paghimpil namin nina Avi at barkada kong si Maya sa Tarlac. Buhay na buhay pa rin po ang pagiging hospitable ng mga Pinoy, special mention diyan ang Fernandez Family. Makulay pa rin ang piyestang probinsya nila. Siempre, napuntahan din namin ang pamosong Hacienda Luisita at ayon napadpad kami sa Aquino museum. Doon ko higit na nabasa (diary nila Ninoy at  Ex. Pres. Cory Aquino) at namalas ang pagmamahal ni Ninoy sa kanyang asawa, anak, at bansa. d. World of Butterflies (June 4) , Pan de Amerikana (June 4 &5), and Marikina‘s museums (August 2wobpandeamericana6-4-08-0443) Nabago na po ang pananaw ko sa Marikina dahil sa mga  lugar at sistema na nakita ko sa pag-ikot namin doon. Sa WOB, Shoe Museum, Belen Museum, Miniature Museum, Doll Museum at Pan de Amerikina, talagang ipo-promote ko ‘yung huli. The best e! Mula sa porma ng lugar, mura at sarap ng mga pagkain, hanggang sa serbisyo ng tao maipagmamalaki talaga.  Hindi ko rin kakalimutan ang sinabi sa amin ng may-ari ng restaurant na si Mr. Jun Salvador dahil gagamitin ko yun ‘pag nagtayo na ako ng sarili kong business. Jia You, Hoshi! e. Wordcamp (Sept. 6) and Adarna Workshopwordcamp (July 19) Ah ito, feeling ko lakbay- aral ang ginawa namin nina Avi at Sherma.  Sobrang nahayok kami sa kaalaman at pag-aaral. Sana nga ay matupad namin ang aming mga adhikain at natutuhan. f. Food and Restpilita's famous ...aurants Naku itong 2008 na ata ang pinakamaraming restaurant akong nakainan na iba sa usual kong pinupuntahan.  Ilan sa mga nilamunan namin ang Pilita’s Resto (bandang Greenhills Shopping Center), Halo Café (Cubao Expo), Gottis Ristorante (Atrium, Megamall), Adarna Food and Culture (Kalayaan Ave., Q.C.), Hot Pot Noodle House (Megamall), Ohana Resto (Megamall) etc. g. Antipolo (May 25) and Manaog (August 17) Yung sa Manaog grabe nanakit ang pwet ko sa limang oras na viaje. Mas mahaba pa yung nilagi namin sa bus kaysa sa simbahan pero okay lang ibang experience yun. Sa Antipolo naman, ang masasabi ko lang ay maganda at mabuti na nanatili pa rin ang tradisyon at paniniwala sa nasabing lugar kahit unti-unti nang nagbabago ang paligid nito. May ilan pa akong napuntahan na lugar pero yung mga nasa itaas yun yung  mga the best! 2. Savings alekansyaDahil sa dami ng naging gastos ko last year at wala naman ako masyadong raket ay talagang in-anticipate ko na mahihirapan akong makapag-ipon. Hanggang ngayon nga ay halos hindi ko pa mapuno ang aking alkansya. Pero hindi ako tumitigil at hindi ako nagpapagapi. (Naks, sugod!)  At thankful naman ako kasi maraming salik ang nakatulong para maka-quota ako. yahoo! Aja: Kaya kahit may mga hindi natupad sa mga wishes ko noong 2008, masaya pa rin.  Aasa na lang ako na magkakatotoo ang ilan sa kanila this year. Vaya Con  Dios Hoshi!

Advertisements

12 comments

  1. oo nga len.. lalo na sa lamunan este kainan. actuall, sa multiply mo ko tinitingnan yung eksatong pangalan nung mga resto. hehehe!

    Batas? nyek… grabe naman di naman ako ganun ka tipid no. hahaha! pero thankful talaga ako sa pagko-quota ko.

    mabuhay!

  2. Hehehe! Ala, Hito ka pa rin gaya nung 2008! Basta ba kasing- ‘bote’ ng coke-classic –yung family size hehehe!

    Oo, nagka-trangki ako sa sobrang lamig, minus 20°C!

    Mustamo ako kay Salve. Di ako maka-post sa blog nia!

    Uy, ‘Ka’-VF ha! Baket, nagpunta ka lang sa Zambales, may natutonan ka nang Iluko word ha. Punta ka sa Ilocos mismo, sa Batac, para makitamo si Uncle Macoy baka sakaling ibulong sa iyo kung saan itinago yung golden Budha hehehe!

    Matikman mo na rin ang tunay na pinakbet, sitsaron at empanada. Huwag ka masyado sa Ilocos sausage loko mo, masarap pero matapang! Hindi maanghang pero talagang matapang na laging inaasam-asam; yun bang kasabihan na “isa-pa-nga”! hehehe!

    🙂

  3. sige one day isang araw vivisitahin ko yang Ilocos… marami akong friend na Ilocano eh… kailangan ko lang kaibiganin pa sila para malibre ako ng pamasahe, pagkain at tira. wahehehe

    oo nga ang tagal ng post ninyo… nung august pa ata yun e.

    mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s