Bida naman si Manny

Madalas ang nagiging bida sa movie ay mga naaapi, iyong may kakulangan at ‘yong sinisingil. Oo, kahit alam na sa istorya na hindi makapagbayad ng ilang buwan ang bida at talagang may intensyon siyang hindi magbayad, lalabas pa ring tama kasi sa point of view niya ang anggulong ‘yon.

Pero ang papel pala ng Manny (maniningil) gaya ng landlady, loan shark, at bangko ay hindi madali. Inutangan ka na, pinapahirapan ka pa sa pagbayad. Sabihin na natin na sa iba ay may interes pero paano naman dun sa utang na personal. Walang resibo, walang kontrata, pangako lang na magbabayad sa ganitong petsa.

Siguro nga ay mga tao na parang okay lang na huwag bayaran. Okay lang kasi mukhang okay naman ang kanyang kalagayan o hindi pa naman naniningil ng bongga. Magiging mas maluwag pa ito depende sa koneksyon nang umutang sa kanyang inutangan – kapatid, kaibigan, katrabaho o kapit-bahay.

Pero naisip kaya nang umutang na kung ano kaya ang pakiramdam na pangakuan, ang paghintayin, ang mag-abono dun sa iba niyang babayaran kasi nasa ibang tao ang kanyang pera, at higit sa lahat ay magmukha ka pang dagdag- alalahanin?

Kung tutuusin, hindi dapat na kinaiinisan sina Manny especially kung ikaw ang lumapit sa kanila. Kung alam mo ang kanilang sistema (lalo na kapag credit card) alam mo rin ang posibleng mangyari kapag hindi ka makapagbayad on time. Pero lalo naman na wala ka ring karapatan na i-blame ang taong nag-alok ng tulong sa’yo sa oras na ikaw ay nagigipit. Minsan pa ha, ang nagpautang pa ang nahihiya dun sa nangutang.

Siguro nga may rason bat hindi makapagbayad, pero dapat may rason din para magbayad. Ang utang ay obligasyon na dapat bayaran sa pinagkakautangan. Dahil maaring ang kanyang pera ay ipon mula sa kanyang sakripisyo, pagtatrabaho at pagtitipid. Wag sanang dumating ang point na masabi ang

“KARMA ran over my DOGMA” – what can I do when my past overpowers my present” (source: Our Daily Journey)

14 thoughts on “Bida naman si Manny

  1. ahuhuh.. ako yung mahilig manugtang kaya sapul na sapul ako.. ouch! di talaga ako nakailag. 🙂

    hoshi, sino ba ang mga yan na utang ng utang paara mapakulong na.. ay may ganun?? heheh
    gandang araw hoshi! 🙂

  2. Kaya sabi nga ng iba, ang utang daw pwedeng isoli pwedeng hindi. Pero dapat ang utang ay utang. Kapag marunong kang mangutang, dapat ay marunong din magbayad. At sana iyong may kusang-palo. 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s