IF I Won a Lottery: 12 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Credit: Pixabay
Credit: Pixabay

Aaminin ko ilang beses ko na rin natanong sa sarili ko ang “If I won a lottery, what would I do?” Nakakapanaginip din kasi ako ng numero as in numero na hindi na kailangan ng intepretasyon, memorization lang.  Pero bukod sa tamad at hindi ako marunong tumaya,  alam mo bang takot ako sa instant na pagyaman at “boring” sa akin yung isipin na wala akong problema kasi afford ko lahat? Kaya siguro di ko masyado trip si Superman, maliban sa guapo talaga si Henry Cavil (masingit lang).

If won a lottery tama na sa akin siguro ang 15-25 million pesos to, at least, cover things na familiar or known for me . Ako na bahala to grow yung amount (so may challenge sa buhay) and use ang pera para masubukan ang mga bagay na unknown for me. Heto ang  Things I would do kapag nanalo ako sa lotto:

  1. Bilangin yung pera baka kasi kulang hehehe at kapag binawas na yung tax
  2. Avail life and health insurance– para sa akin ito ang isa sa pinakamahalagang investments at masyadong napapansin kasi walang pera. Wala rin ako nito sa ngayon dahil siempre uunahin mo muna yung ilalaman sa t’yan mo. Gusto ko cover na Nanay (senior citizen), isa kong kapatid na single mom, at kapatid kong PWD. Dapat kasama na rito ang annual check –up.
  3. Philippine Stock Exchange Makati
    Philippine Stock Exchange Makati

    Venture in passive investments– since afford dahil malaki ang pera ko I’ll be more aggressive and risk-taker sa stock market at mutual fund. I’ll allot 5,000 per month sa  bawat isang company na may share ako, at 10, 000 per month sa mutual fund. I’ll do it for 5 to ten yeas straight o depende sa calculation.  Kung tama ako 3M lahat-lahat kung 5 companies sa stock market at 1.2 sa mutual fund.

  4. I’ll get financial adviser pagdating sa foreign exchange, pagpaplano ng retirement fund  at iba pang possible na investments.
  5. I’ll invest in my self. Magti-train ako under ( tipong level na Richard Branson o Warren Buffet) sa blogging, digital marketing, business, and personality development experts.
  6. Establish my three dream businesses dahan-dahan at hindi malaki. bakit hindi na lang ako mag-franchise? I’m not a fan and I want to do businesses that I will do because I’m passionate so no matter what ipaglalaban ko. May pera na lang din ako, ito ang magiging playground ko at saka mas bet ko ang serial entrepreneurship.
  7. Buy a farm where I can cultivate dragon fruits, pineapple, and other crops. Doon ko rin itatayo ang aking dream house – A tree house with hanging bridge, mini library, exercise and theater room.
  8. Buy a decent vehicle kahit second hand o mura ang mahalaga pang service at  . Although pangarap ko ang magkaron ng strada or Ford pick-up truck
  9. a reading bench in Nami Island, South Korea
    a reading bench in Nami Island, South Korea

    Charity works and travel– malapit sa akin ang Senior Citizen, PWD, at education for kids. So ang magiging main mission ng travel ko sa buong Pilipinas ay maghanap ng school na hindi naaabutan ng tulong sa edukasyon, gamot, financial literacy, at motivational counseling.  Sa travel ang pinakapangarap ko ay Greece at Japan so kapag na-achieve ko na ang mga ‘yan- babalik ako sa peso fare para maikot ang mundo.

  10. Wala ako ng mga ito so bibili ako ng solar panel, dslr camera, aircon, microphone, chips sa magic sing, up-grade ng computer na puwedeng mag-video editing ( Macbook?) at digital TV.

Hindi ako naniniwala sa balato para sa mga kakilala at kamag-anak na kaya naman magbanat ng buto.  Baka magtayo ako ng cooperative kung saan puwede silang manghiram ng perang pang-negosyo ( business loan) sa mas maluwag na kondisyon.  Ang totoo n’yan kasi kung pagbibigyan ko lahat ( I have 2 more full-blood na kapatid, 5 more sa mother side at 9 sa father side)  baka hindi na ako makatulong sa iba 🙂 eh opportunity sa akin ang makatulong sa iba.  kaya bleeeeh!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s