My Heart CheckUp

Sa kapapanood ko sa On the Wings  of Love napatunayan ko na marunong pa pala akong kiligin at mapakilig. huwahahah.  Hindi naman ako gwapong-gwapo kay James Reid pero  gustong-gusto ko ang tandem nila ni Nadine Lustre o Jadine .  Para bang highest form of entertainment sila na they have  individual talents and then iba pang timpla kapag pinagsama.  Siguro relate lang din ako kay Nadine, talento at gandang Pilipina (naks!).   At ayon isa sila sa nagpapatunay na may puso pa ako. hahaha!

My heart for Work. Nitong mga nakaraan, may factors na feeling ko na-drain ata ang passion ko sa work.  Gusto ko ang  trabaho ko ( passion/art ko nga rin e) pero masakit pala kapag  habang ginagawa mo ito nang at taos sa puso, ay  may mga taong kinukulong ka sa kanilang paniniwala at sistema. Hindi mo magawa yung  trip mo kahit super adjust ka na. Para bang umabot sa point na pakiramdam ko hindi na ako  malaya at dapang-dapa na ang  gate of pride… pero hindi naman siguro nila sinasadya. Marahil hindi nila alam yung boundary, core ng field at siempre  I understand at the end of the day kung alin ang pabor sa kanila yun-yun.

Sa nangyari hindi lang naapektuhan ang disiplina ko sa oras at  pagganap ko sa trabaho- kundi sa pagtingin ko sa aking kakayahan.  fatal!  Ayokong natatawag na quitter, pero kung ang pagku-quit ang daan para hindi ako mawalan ng drive at  mapausbong ko pa ito. I am not afraid to quit. Ang work ay parang relasyon,  hindi mo lang puwede isisi sa partner mo kung bakit ka nasasaktan o nahihirapan, hinahayaan mo rin siyang gawin ang ayaw mo  sa iyo <define hugot>. Kaya para magmahal ka , huwag mong hayaan na mawala ang pag-ibig sa puso mo.

Honestly, I am ambitious, prudent, and frugal woman.  But when it comes to major decisions, hinahayaan ko ang puso ko ang mag-decide and bahala na lang si utak sa mga steps at plans.   At  kahit ilang failures pa ang dumaan, kapag puso mo ang pinairal mo makakahanap ka ng way to appreciate and recover.

My Heart for Business.  Hindi ko alam kung ano itatawag ko sa sarili ko eksakto – solopreneur, technopreneur,  raketera o simpleng tindera.  Madalas nakakadama ako ng kaba, takot, at lungkot  habang pini-pursue ko ito kasi wala pa naman ako sa point na established na.  Pero kahit ganun, maihahambing ko ito sa relasyon na kahit na may agam-agam  ka sa ka-partner mo ay tataya  ka pa rin kasi committed  ka na sa kanya. Kasi naniniwala  ka na kailangan magsakripisyo at hard work para gumanda ang samahan n’yo.  Parang somewhere down the road tumbok din noon ay love conquers all.

My Heart is My Heart. Pressured ako dahil sa maraming rason, sa mga bagay na kontento naman ako pero parang hindi dahil sa ipinapadama sa akin ng ibang tao. Yung  ikaw na rin napapaisip na baka tama sila at may kulang sa iyo. Pero hindi mo naman magawa dahil alam mong ito ka talaga, bat ka mag-iiba? Pero siempre naghahangad ka rin ng pagbabago.

Mahirap mapatunayan ang mga trip mo sa buhay lalo na kung hindi uso at hindi karaniwang ginagawa ng iba. Parang pagmamahal gusto mong lumigaya kayo pero dahil sa outside factors ay naapektuhan kayong dalawa. Natatakot kang baka isang araw ay hindi ka na niya gusto kasi napaniwala na siya ng ibang tao na hindi ka karapat-dapat sa kanya o vice versa… kahit pa sabihing ngayon at kahapon ay ang tamis ng nagmamahalan ninyo.

Pero alam mo naranasan ko na ang tumanggi sa pag-ibig dahil sa inisip ko na may masasaktan na iba. Sa bandang huli, tatlo rin kaming nasaktan.  Hindi naging kami, hindi   naging sila at nagkanya-kanya kami ng landas. Iyon ang  isang pagkakataon na hindi ko pinili ang puso ko.  Kaya ngayon, ano man ang mangyari at sa kahit anong aspeto ng buhayko–  kung ano ang iniisip ng puso ko at kung ano ang totoong nagpapaligaya sa akin, dun ako. Sorry sa akin, kung may mali akong nagawa, pero hindi ako mag-a-apology sa mga bagay na ginawa ko dahil naging totoo ako sa nararamdaman ko at  wala naman akong inapakang ibang tao.

At ito lang…ayoko na dinidiktahan ako kung ano dapat laman ng puso ko at ano ba dapat. My Heart is My heart – Dios lang ang hahayaan kong magbago n’yan. So God bless me and us.

Para sa mga hopeless romantic

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s