Home Based Businesses ni Hoshi

Hindi ko lang alam kung ilan beses na akong nagsabi pero sige ulitin ko na lang for the sake na makulit lang ako na hindi ko pa alam.  Hiatus muna ako sa full time work  because I want to embrace freelancing. Check ko lang talaga if  there’s truth in Time is Gold. And isang way ko na nga dyan  ay sabayan ang aking mga pinapasok ng part time jobs ng home based businesses.

Ano-ano ba yun?

Unified Products and Services

Unified Product and Services Swak sa aking budget at lifestyle ngayon,  nakita ko ang magandang business opportunity sa UPS or Unified Products and Services dahil hindi ko na kailangan umalis sa  harap ng computer at para may iba pang gamit ang aking mobile phone.  Yes, gamit ang aking  pang-araw araw na gadgets ay magagawa ko ang business na ito na may kinalaman sa bills payment, loading, remittance and ticketing.

Bakit ko naman nasabing swak?  Una kasi  part ako ng market  then ang lack sa bawat nagtatrabaho ( ng responsable) ay oras talaga.  Sa ilang taon ko sa Ortigas and then sa Makati, masasabi kong pinaplano and effort ang pumila sa bangko, payment center at mall.   Ilang beses na ba ako na over break o nalipasan ng gutom just because ginagawa ko yung pagpunta ng bangko,  remittance or bills payment center sa  ganung oras.

So now, ako na ang nagse-serve sa market na yun ng walang kailangan na puwesto at naisasabay sa trabaho ko. Yes even I’m on the go.  Interesado ka?  Usap tayo! hitokirihoshi@gmail.com / FB: hitokirihoshi/ Twitter: hitokirihoshi

Pampanga’s Best

BBQ HotdogHonestly, iniiwasan ko ang negosyo na may kinalaman sa pagkain because ayoko ng mga terms na panis, expired and perishable.  Yan ay aside sa masaklap na katotohanan na wala akong hilig  sa pagluluto. So, nagbebenta ako ng food na kayang lutuin ng iba at isa na dun ang produkto ng Pampanga’s Best.

Dahil may ref naman kami na hindi nalalamnan at may tindahan naman ang kuya ko so nakikisabay ako.  tawag lang kay Madam Hoshi ” Hoy Ganda pabili raw ng Skinless longganiza,  cheesedog at 1/4 Tocino” gorah na lang ako sa Ref and voila na nakapagtinda ako ng pagkain. hehehe!

Well, if  interesado ka na magnegosyo nito, hindi kita personally matutulungan. Bili ka na lang sa akin ng pambaon at ulam nyo mag-anak!  Seriously,  mabibili rin kasi ito sa malalaking dealer/ distributor na ng Pampanga’s Best.  I think around Php 1,500 puwede mo na itong simulan as mini negosyo then hingi ka sa kanila ng tarpaulin.  Basta ang usapan ay for 10kgs wholesale ang ibigay nilang presyo.

Retail / Variety Store

Since established na ang tindahan ng kuya ko, ang ginawa ko naglagay ako ng sarili kong mga paninda na wala sya. May target market ay mga non-soda and alcoholic drinkers so kinagat ko ang  fruit juices and bottled drinks such as mineral water, green tea and energy drinks. Estudyante ang gusto kong market dito at mga uhaw na gala sa lansangan.

Masasabi ko na pinakahuwag mong isasantabi ay ang pag-inom ng malinis na tubig, at yun ang idea dun. Kung ano ang kailangan ng tao, yun ang business ko. Mabuhay!

Oh bili-bili kayo dyan tumpok-tumpok!

Advertisements

12 thoughts on “Home Based Businesses ni Hoshi

  1. gusto ko sana yung UPS … kaso medyo may mga negative akong naririnig about this eh .. mabagal daw ang pagdating ng loads … baka mainip ang mga customers ko at isoli ang bayad tapos papasok pala : ( …. may experience na din kasi ako sa ganiyan yung dati sa Uniload …na nawala lang siyang parang bula , hayzzzz …. ewan ko lang din dito sa UPS !

  2. Hi Sir! mabuti at makakwentuhan ako dito na mahilig sa business. 🙂

    pagdating po sa loading – ang na-experience ko naman ay loadxtreme at yung sa kuya ko nman ay Uload ( yung parang may atm machine). Sa aking pananaw, walang bibilis na loading maliban sa direct ka sa globe, smart and sun. Ang siste lang nun ay napaka-inconvenient sa retailer kasi nga hiwa-hiwalay na cp at pagpapa-replenish ng load wallet. I even try before na dumirekta sa globe par ako na mag-dealer- wow hanep pala sila sa quota at capital.

    bumabagal kasi ang dating ng load because lalabas na third party ang loading co like Uload/ UPS/Uniload dahil ima-machine pa nila. so far, bibihira yung chance na mabagal yung dating ng load sa akin sa UPS unlike before sa loadxtreme ( 4 years ko ginamit) and ang gusto ko nakaka-chat ko kaagad ang CS nila hindi na yung waiting pa ako sa tawag.

    1. hi po Sir!

      May 2 categories ang pagiging retailer

      P400 ( including 1 GPRS Visa Card/ATM
      – 1 Retailer activation Code
      – Webtool account (Loading and Remittance(ECASH))

      P998 ( – 1 GPRS Visa Card/ATM
      – 1 Retailer activation Code
      – Webtool account (Loading and Remittance(ECASH))
      – Networking

      Hindi nyo na po kailangan na bumili ng panibagong sim at puwede hanggang 3 number ang gamitin ninyo sa inyong nga transactions.

      😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s