Few months ago na-blog ko status: freelancing ako ngayon which shocked my former colleagues. Then, I also posted that I’m also into home-based business na good thing ay naka-earn ng interest sa iba. Hindi ko alam yang mga confession na ganyan ay puwede na rin pa lang form ng digital marketing.
Freelancing updates
isa akong mapamimbabaw kung sasabihin ko na hindi mahirap ang freelancing lalo na sa simula especially sanay akong full time / regular office girl sa Ortigas at Makati. Kapag freelancer ka, walang HR and IT department- bahala ka sa buhay mo. Isa kaya ako sa hilong talilong nung bagyong Glenda.
Pero siguro nakapag-adjust na rin ako. In fact, parang ayoko na umalis sa bahay ng hindi kailangan at it fits din sa totoong ako –KURIPOT. Iyong mga favorite na pang-alis ko rin ay di na nagkukulang ( kasi hindi na ako umaalis e) at sarap lang magwork naka- short na butas-butas. hohohoh!
Ikinasaya ko rin yung naimpluwensyahan ko yung hipag ko na mag-freelance or work from home mom at nagustuhan n;ya rin. Pero I’m not telling you this freelancing thing just to say na join the club ka -it’s really scary at puwedeng hindi ito ang gusto mong career path. Pero kung usapang opportunity and growth mayroon talaga.
By the way, here is my confession on my freelancing life
Learning Digital Marketing
Napag-usapan na rin lang ang growth, dito na pumapasok yung aking chance to learn more about Digital Marketing. Actually blogging is a form of DM but yung term na ito ay broad pa. Naisip ko pa nga na mag-take ng course pero so far happy ako sa seminar, webinar, events plus self study na inaatupag ko. Ganun ko rin kasi natutuhan halos ang business though siempre iba yung may formal education.
Sa ngayon, I’m challenged to study video , email marketing and promoting Lancaster in Cavite. Here’s my first attempt in creating video sa Youtube.
baka soon I will do vlogging ( na ito ang topic ) and podcasting ( using this digital recorder) not because I want to be famous but gusto ko lang i-explore and for passion- the same idea why I do blogging for years and advocating personal finance.
helps of Home-based Business
Dahil hindi pa ako natuwa sa risk ng freelancing, sumugal pa ako sa home -based business. Though mas mahirap itong pangatawanan talaga ( I swear), I’m glad hindi ako natitinag at napagsasabay ko. Part din kasi ito ng aking money management at personal finance. Sample?
Imbes na patulugin ko yung pera na inilalaan ko pambayad ng utility bills ay ibinibili ko ng paninda o ini-invest ko para may lumalabas pang kita ( this is like time deposit strategy) while waiting yung due date. In my case puwedng load retailing or Pampanga’s Best / Kettle Corn dealership Sa tindi ng market ng prepaid loads imposible na wala kang kita sa Php2,500 load wallet especially kung tatrabahuin mo, marami kang customer at walang utang.