break muna

habang abala pa sa iba pang kabagayan si ako…  kain muna kayo ng palagi kong kinakain  nitong mga panahon na ito. hehehe

nakakataba pero hindi sing mahal…

lumpia at kamote-q
lumpia at kamote-q

trivia: nga pala mas gusto ko ang kamote cue kaysa banana cue. pero kung barbecue ah ehhh isip-isip muna ako.

masarap din ang turon ( banana na binalot ng lumpia wrapper! sabay prito at buhusan ng brown sugar).

dati makakabili ka ng P5 kada isang stick ng banana o camote cue, ngayon kada hiwa na ata. tsk tsk

dati nag-aabang pa ako ng pagkakaluto  ng mga yan sa aming suking tindahan. ngayon, paglabas ko meron ng naka-display. hmmm parang di na appetizing!

lumpia with sukang may sili
lumpia with sukang may sili

hindi ako palakain ng tangkay ng monngo ( toge) pero pag binalot ng lumpia. K na!

isa pang masarap na isaw-saw sa suka ay chicharon at kropek. saka yung pritong manok.

paalala: siguraduhin lang na malinis ang pagbibilhan. dahil ang masarap, mas malinamnam pag wala kang worry. right?!

P. Wagi: Uu

Advertisement

May-akda: Ate Jevs

fairy god sister ni Hitokirihoshi ng Hoshilandia.com, eat food, sing songs, explore life, travel places, meet people and love...advice/stories/tips

32 na mga thought (isipan) sa “break muna”

  1. oi pamangkin

    gusto ko ng lumpiang toge..

    7pesos yan sa amin
    sarap sarap

    lalo na with suka…

    yum yum

    nakakagutom naman itong post mo..
    nagkataong gutom na gutom ako
    sa puntong to.

    ang tanong….

    nananadya ka ba? HOHOHOHOHOHO

    1. hahaha… wala pa kasi ako mapaglagyan . as in kabibili ko pa lang nung kinunan ko.

      hmmm oo masarap talaga ang banana cue kapag nakakapaso sa init at napapalibutan ng matunaw-tunaw na brown sugar. at manamis-namis na saba.

      hi and welcome dito sa hoshilandia Random student!

      1. makakapunta rin ako sa ilocos. dami kong kapit-bahay at kaibigan na ilocano. wala nga lang nag-iimbita at manlilibre papunta sa kanila. nagkukuripot… hehehe

        sige check ko yang site na yan..
        check!

  2. nakakamiss ang jolly jeep ng makati
    hehe

    mas gusto ni raft3r ang bananaque kesa camoteque
    makipagtalo ba?
    hehe

    parobito ko rin ang turon
    sobra
    lalo na pag may langka

    at ang lumpia
    panalo yan!

    1. ako ayoko na sa jolly jeep dito sa amin… nakaka-UU hehehe

      eddie sige bananacue ka, camoteque ako. with matching ube halaya. hehehe

      ay oo masarap yang turon na ganyan… kahit di ko trip ang langka. mas gusto ko kainin nilagang buto ng langka. wahehehe

      oo naman panalo ang lumpia. best performance in a merienda role. 😉

  3. Wow, ikaw na ba ang na-hire na mag-PR ni Manang ng mga paninda niya? Dapat may libre kang ganyan every day.hehehe

    Mas gusto ko pa rin ang banana cue kesa sa camote cue. Iyan ung mga pagkain na mura na, nabubusog ka pa. :p

    1. magsama kayo ni raft3r! hehehe puro kayo banana-banana. hahaha kaya nagagalit si ka… basta ang gusto ko dyan sa banana na yan ay saba con yeloo minatamis. hehehe

      nyek sino si manang sa amin. di no! hahaha bala siya pa-ads niya.

    1. okay dahil sa iyo dhyoy, naniniwala na ako na panalo ang bananacue kontra sa camotecue ko. wahhh sawi.. hehehe

      hayaan mo makakain ka rin niyan… at bonggang-bongga pa. mabuhay!

      yan tuloy parang gusto ko na ngayon ng banana cue. hehehe

      1. oo masarap ang turon lalo na ‘pag ayos ang pagkakabalot at pagkakalagay ng asukal. hmmm sa bagay tumpak ka doon sa kamote – minsan nagtatanggal pa ako ng part nun. hehehe

  4. Eto ay pagpapatunay na nang gugutom ka star

    mahilig din ako sa mga ganyan.. pagkain ng mga hindi maarte much 🙂

    marami kaming tanim na saging… at meron pang masarap gawin sa saging maruya ang tawag…

    alam ko lutuin lahat yan star…

    gusto mo ipag luto kita ?? 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: