Pila Pa, Pila!

Sa pagsakay ng jeep, sa paglakad ng mga papeles, sa pag-ihi sa comfort room, sa flag ceremony, sa pagpasok sa sinehan (para manood ng Harry Potter), sa pagbili noon ng bigas sa NFA at kahit sa panganganak at  baka pati pag-aagaw buhay ay kailangan talaga atang pumila.

Gustuhin mo mang mauna baka datnan ka naman ng karma. Isipin mo na lang na kung tatlong tao ang in-overtake mo, tatlong tao rin ang hihiling na sana ay tamaan ka ng kidlat, matisod at gumapang ka sa hirap. Paano pa kaya kung umabot ng isang daan ‘yon eh di mas maraming tsansa na sumemplang ka sa putikan (hehehe).

Maliban pa diyan ay kung naasar ka sa mahabang pila at ‘di ka umaayos sa pagpila, actually sa bandang huli ikaw rin ang magpapagulo at magpapahaba pa ng pila. Sa bagay, sino bang hindi maiinis na kukupad-kupad at mali-mali sa pagseserbisyo, ano?! Tapos nagmamadali ka pa.

Sa katotohanan n’yan, isa si hoshi sa humihiling na sana mapabilis pa ang proseso ng mga kabagayan. ‘Yong walang traffic, makukuha mo kaagad ang certificates mo, instant ang passport, hindi na mauubusan ng dugo yung sinusugod mo sa ospital kasi wala ng tanong-tanong kundi gamot kaagad,  “imagine!?” sabi nga ni Eugene D.

Pero ‘di ba mahaba man ang pila, malamang ay magiging matiwasay kung magbibigayan at magrerespetuhan.  Ganon din naman sa ibang isyu.

Gusto n’yo ng mabalasik na tip? Ito nakuha ko kay Ate Jevs na naka-out of town.

  1. kung wala kang alam sa pila, magtanong sa may alam. Kanino? Sa mga guard at empleyado ng pupuntahan mo. alternative na lang yang katabi mo kasi malamang pareho lang kayong magpapahamakan. hehehe
  2. kung gusto mo ng makakasama sa paglalakad ng mga papel, isama mo na lang yung senior citizen sa bahay ninyo. Bakit? Kung kaya pa n’ya, siya na rin ang mag-process para sa ‘yo.  Pinapauna kasi lagi sila sa pila (oh ‘di ba, magagalang pa rin ang mga Pinoy). At eto pa, ‘pag nagkagutuman may 20% discount pa kayo. Pero siempre, dapat ikaw na magbayad no! abusado ka naman na ‘pag s’ya pa.
  3. huwag mo ng hintayin yung turn mo para ilabas yung nga ipa-process mong papel o perang ipambabayad mo. Utang na loob, hindi lang ikaw ang magbibilang ng barya sa counter. Kami rin noh!!!
  4. kapag nakapila ka at may nakiusap na pasingitin kasi ganito-ganyan. Pwede yun kung ikaw lang at kung okay lang sa iyo. Pero kung may nakasunod pa sa iyo, huwag na huwag. Kasi ang equal nun pareho kayo ng kasalanan. Lagot, pareho na kayong isusumpa!
  5. dapat mukha kang karespe-respeto pero parang mabait.  Kailangan yun para hindi ka matahin at kapag ikaw naman ang may kailangan halimbawa kailangan mo munang sumibat sa CR. Eddie Go Go Go lang! pwede kang makabalik sa dati mong pwesto.
  6. kung ayaw mo ng mahabang pila o maghabol, maghintay kang humupa ang rush hour, buhos ng mga tao, welga, at pagnghuhuli ng mga parak o MMDA (pasintabi po).  Makabubuti ring iwasan ang paglakad ng Lunes o Biyernes.  Ito napapansin ko lang, kung saan may “bantay” dun may traffic.
  7. ‘pag nasagi ka lang naman o natabig, huwag mong palakihin ang usapan. Abala lang yun sa matiwasay mong pagpila, pagpila niya at pagpila ng iba. marami pa naman ang mas gustong umusyoso kesa i-save ang pwesto niya.

Kahit Konti by Florante ( Music and Words by Gary Granada)

Advertisements

24 comments

  1. naalala ko clasmeyt kong babae nung college.

    nung sya na seserbisyuhan sa cashier,
    sabi sa kanya

    lunch break!

    si classmeyt na babae

    naupo sa sahig nagmaktol..
    umiyak. at naglupasay.

    kawawa naman.

    • ay oo natanong ko rin yan? dati. pero nasagot ko na. kasi yung iba pagkatapos mag-wewe eh, super ayos pa ng sarili at hindi pwedeng hindi titingin ng salamin. and take note, may gumagawa niyan sa cubicle pa lang… oh di ba talagang hahahba ang pila.

      well may iba pa akong alam pero di ko na ida-divulge. hehehe

  2. Lalo na kapag sa government agencies ka pumila, siguradong ubos lahat ng energy mo bago mo matapos ang dapat mong gawin.

    At totoo iyan sa senior citizen, may special line talaga for them kaya mas madali ang buhay kung may kasama kang senior citizen pero sana lang nakalakad pa ng maayos at tama pa ang pandinig ng isasama mong senior citizen. hehehe

    • ay oo mahirap din mapalakas ang pagsasabi kinaa lolo at lola baka masigawan ka at mabaston. heheh

      na-isip ko tuloy yung mga lolo at lola na magkasama na naglalakad. at yung mga namamalimos na lang sa lansangan.

  3. haha.. nakakatuwa naman itong post mo 😉

    kapag ayokong pumila ng mahaba inaagahan ko na lang ang pagpunta o kung naabutan naman ako ng mahabang pila.. pasensiya si ako huli akong dumating!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s