no matter what, hahamakin ang lahat makakanta lang

videoke machine
videoke machine

simula nitong august ay ulan na ng ulan sa Pinas, particularly dito sa metro manila. Sinamahan pa ‘yan ng kalungkutan na dala ng pagyao ng dating Pangulong Corazon Aquino (condolence po). pero may napansin ako… kahit na anong mangyari at may pagkakataon, magbi-videoke ang mga Pinoy.

August 5, nag-celebrate kami ng unang taon ng aking pamangkin. kahit maulan at malungkot ang karamihan, nairaos naman namin. Ang nakakaloka lang talaga ay yung makita mo na nagkakaisa yong mga hindi magkakakila, babae o lalake man para lang makapag-videoke.

Sa hipag ko ‘yong dvd player, sa kuya ko ang TV (partida 14’ lang yun at Japanese ang mga characters), may tatlong microphone na hiniram kung saan-saan, sa isa ko pang kuya yung amplifier at speaker, at yung kapatid ng isa kong hipag ang nag-provide ng pinaka-tent nila.

Alam ko rin na may nagpuntahan dun sa party ( siempre hindi yung mga bata) para makainom at makapag-videoke. Siguro ‘yong iba may mga magic sing na sa bahay pero iba talaga ‘pag nakikipag-unahan ka sa pagpindot o pagpapapindot ng song numbers mo. Tapos kakantyawan ka ng mga tao o sasabihan na maganda pala boses mo (sana kinimkim mo na lang hahaha!)

Sari-saring awitin ang mga pinagkakanta nila, malalaman mo tuloy kung sino ang gurang, emo, hmmganda ng boses at nagmamaldito. Tawa ako ng tawa nung kantyawan ng hipag ko at nung kamag-anak naming babae yung mga lalake na may boses at may itsura..

Kamag-anak: ganda ng boses! Binata pa ba ‘yan?

Hipag ko: woooh, ayos si pogi (habang pinukpok yung pintuan ng tindahan ng kuya ko)

Yong mga lalake naman na yun tatawa-tawa lang. kala mo wala lang sa kanila at nahihiya kunwari pero panay-panay ang pag-awit. meron din nga palang kunwari ayaw kumanta pero nung makakanta na, ayaw ng bitawan ang mic.

Nasira yung amplifier kinalaunan. Pagkakataon na ‘yun sana para mawalan ng loob ang mga manganganta at manginginom na mag-uwian na. kaso talagang may naghanap talaga ng amplifier (take note, ayaw lang nila basta speaker kailangan may amplifier). Kaya tuloy ang ligaya nila. nung mag-uwian ang mga mahihilig kumanta ng mga song nina Ruben Tagalog, Imelda Papin, at Frank Sinatra, ang naiwan na lang yung mga mahilig sa mga kanta ng mga boyband ng ‘90s. eh kaya na naming yun kaya naawat na sa kantahan. In the end, mga 2am na kami nakatulog lahat.

Advertisements

22 comments

  1. Basta ako walang kahilig-hilig mag-videoke. Hindi nga ako tinamaan sa post na ito eh. hahaha

    Mayroon nga akong nakausap kanina sa phone, magli-leave daw, malat na malat iyong beses. hehehe

    Actually, masaya naman kasi ang mag-videoke. Sa dinami-dami ng mga magagaling na Pinoy na kumanta, marami rin ang frustrated singers. More than that, nakakatanggal ng stress especially when you are in the company of friends.

    • ay oo wala ka talagang kahilig-hilig sa pagkanta sa videoke, supe buttercup talaga!

      kung sino man yang naka-usap mo kanina, sugapa yan siguro sa pagbi-videoke.leave her breathless and beautiful.

      -oo naman, nakakatanggal talaga ng stress ang pagbirit lalo ng mga kanta ni celine, christina, regine at lalong lalo na ng aegis

  2. haha.natawa ako sa post mo.

    uu nga naman, ang mga pinoy parang ipinanganak na may kakambal na videoke.

    kahit dito sa malaysia, pag may party, naglalabasan ang mga pinagkakatago-tagong magic sing at lcd tv ng mga pinoy.

    hang kuleeeeeeetss.

    • haha salamat naman at napatawa kita.

      oo subok ko na itong videoke na ito… kaming magbabarkada para makapag-unwind at makapaglabas ng galit sa mundo. nagbi-videoke talaga kami.

      at nakakatuwa naman at pati pala dyan ay sige ng sige sa kantahan ang mga Pinoy. hehehe

    • hi and welcome sa hoshilandia Wait!

      okay lang yun, tira lang tira sa pagkanta. “nosibalasi” (sino ba sila) na ito. tingin ko nga gumaganda pa nga boses kaka-practice. hindi lahat ng magaling na singer ay pure talent, kailangan din ay hard work, dedication and of course pagbirit sa videoke.

      hehehe feeling expert ako.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s