Favorite comfort food: 30 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Alam n’yo bang isa sa mahirap na i-blog para sa akin ay pagkain. Una, hindi ako ganoon ka- adventurous sa pagkain. Hindi ako mahilig sa gulay at may allergy ako sa shellfish.  Pangalawa, kuripot ako hehe! Pero, nung makaluwag-luwag na ako nang konti at nag-come out of my shell (mabanggit lang) ay nakasubok-subok naman ako mag-level up from food stand to highend resto (pag may coupon/ promo?). Teka ano ba talaga, meaning ng comfort food? Hoho!

Champorado –  pinaka-instant na comfort food ko.

Leche Flan –Ma-dessert akong bata, nung naging babae ako este nag-dalaga ay medyo hindi naman lahat ng sweet ay papatulan ko. Ilan sa natirang hindi ko palalagpasin ay ice cream, ube halaya at leche flan.  Ang tangi kong natutuhan na gawin na dessert (kung di kasama ang polvoron) ay leche flan.

Ice cream – halos kahit anong flavor at minsan kahit  maulan o malamig mag-a-ice cream ako. Nitong linggo lang (Sept 4) basang-basa ako sa ulan pero nung nananghalian ako sa gutom, nag-order pa rin ako ng sundae.

Egg Sandwich – Ito na ata ang alam kong iba at pinakamadaling gawing sandwich spread.  Natutuhan ko ito sa ate ko.

Tokwa’t Baboy – Hindi ako umiinom at naninigarilyo kaya kapag may nag-alok  ang hihingin ko ay pulutan. kakaganyan ay nahilig na ako sa Tokwa’t baboy pero kahit tokwa lang solb na ako.

Fried chicken – Hindi naman ako ganung maarte  sa brand, pero siempre may pagkakaluto na halos hindi mo makain.  Isa sa murang nagustuhan kong friend chicken ay iyong sa Mini Stop.  Pero dati may nabibilhan kami sa kanto na kay sarap ng sawsawan na suka.

Siomai – Fried or steamed  with or without rice kakainin ko.

French Fries with Gravy– Favorite ko ang combo na ito sa lahat. pero dati nagustuhan ko rin yung cheesy something ng Jobee. Pero sa ngayon mas gustong-gusto ko ang Mojo ng Shakey’s

Cheeseburger/ Pizza/ Cheese– Minsan pag napapa-crave anything na lang na may cheese gaya ng cheese burger,  pizza, at one na  out of nowhere ay nag-sky flakes ako  na nilagyan ko ng tuna (vegetable oil) + cheese

Kakanin – Maraming kakanin ang gusto ko at kasama na d’yan nga ang halaya, pichi-pichi, sapin-sapin,  nilupak, at okoy (di ako sure kong yun ang tawag). Gustong -gusto ko rin ang espasol (kung kakanin nga ba ito).

 

Noodles/ Mami – Hindi ako mahilig sa pansit at minsan lang din ako makakain ng spaghetti pero  pag nagutom or nag-crave gusto ko rin talaga ng mag-noodles lang.

SISig – ang ate ng Tokwa’t Baboy at Bopiz for me.

Doughnut  – Favorite ko  so far ang Quezo Duo (Choco Nirvana) ng Dunkin at Al Capone ng J.Co

10 Favorite Foods: 7 of 31 Days Blog Challenge

Believe me gustong-gusto ko ang maging food blogger pero ang pumipigil sa akin ay sarili ko rin kasi hindi ako ganun ka -adventurous sa pagkain. Piling-pili ang kinakain kong gulay at may allergy ako sa seafood gaya ng lobster at alimango. Magkagayon pa man, narito (in no particular order) ang mga pagkain na nagpapakalimot sa akin sa word na “diet:”

  1. Pesto Pasta – mahina ang tyan ko sa carbonara pero surprisingly kahit di ako mahilig sa gulay ay gustong-gusto ko ang Pesto Pasta. Una akong nakatikim nito sa World Chicken (Megamall) tapos nasarapan ako kaya nagta-try ako na sa iba’t ibang resto, okay din naman iyong sa Amici at Old Spaghetti House. Kapag lutong bahay ang request ko ay Pesto Pasta Tuna.Pesto Pasta
  2. Macaroni Salad – Grade 3 ako nang unang makatikim ako ng Macaroni Salad iyong ma-mayonnaise kaysa magatas. Bibihira ako makatikim ng gustong-gusto kong pagkakaluto at so far ang lagi kong nao-orderan nito ay sa Tropical Hut.
  3. Sisig– Ito yung default kong in-order kapag wala akong mahanap na iba sa menu book. Marami-rami naman ang nag-o-offer ng masarap na sisig sa iba’t ibang lugar pero yung naaalaa ko dinadayo ay iyong sa Ay See’s sa tapat ng Ultra.
  4. Green Salad with Ceasar sauce – nakapagtataka rin na magustuhan ko ito, pero oo gusto ko ng dahon na gulay. Paborito kung bilhan ang Wendy’s (‘ pag may anda) at   Tropical Hut ( pag napagkasya), pero ang una kong napagkainan nito ( sa may Convergys Capitol QC) at masarap talaga ay sa Pancake House.
  5. Clubhouse – Isa rin ito sa halos inorder ko lang sa Tropical Hut lalo na pag sawa na ako sa rice meals. Pero lately nasubukan ko rin iyong sa Chilis, iyon talaga ang nakakabusog!
  6. Ice Cream -– oh well basta ice cream sarap na sarap ako pero sa lahat ng flavor ito ang mga gustong-gusto ko: Selecta’s Choco Hazel Nut, Presto’s Mocha flavor, Wendy’s Frosty, and McFlurry Oreo.
  7. Champorado – ito ang pinaka-classic at favorite kon food. Pero kailangan masarap ang pagkakaluto – okay na iyong sa Max’s at Tapa King ( of course mahal lang)
  8. Bopiz/ Tokwa’t Baboy – Dahil hindi ako umiinom, Tokwa’t Baboy na lang ang hinihingi ko sa mga manginginom hanggang sa nagustuhan ko na nga. Madalas akong umorder nito sa Chowking at Goto King. Iyong Bopiz, ka-alternate ng Sisig para sa akin.
  9. Pizza/ French Fries/ Mojo – Sa pizza gusto ko ang four cheese sa Gotti (Atrium, Megamall) pero may mga trip din naman ako sa Sbarro at Yellow Cab.  Hindi naman ako actually maselan sa pizza kahit pa yung sa  Pizza  Hut, Shakey’s , Greenwich o sa kanto lang.  Sa French fries mas bet ko ang sa Wendy’s at sunod na lang sa  Pero di  bale nang walang pizza at French fries, basta may mojos  at handa akong gumastos para dun hehehe
  10. Chocolate – di ako mahilig ako sa cake pero  kung chocolate flavor kakain ako. Kapalit ng kape ay hot choco for me lalo na yung gawang tablea.  Favorite kong chocolate bar ay  Cadbury and Kitkat.

2 of 7-Day Pasasalamat Challenge

Sa toto marami tayong dapat ipagpasalamat  pero madala mas napapansin  lang natin iyong malalaking bagay  at hindi yung simple at halos-halos na napapakinabangan araw-araw.  Ako rin naman,  kapag down ako at parang nagpu- frustrate dahil sa mga bagay na hindi ko makuha deadma ako sa mga simple joys.

Para sa pansarili kong kasiyahan at organisasyon (hehehe) ay ginawa kong by theme ang bawat araw ng aking 7-day Gratitude Challenge.  So sa aking second day  may kinalaman ito sa mga bagay na hindi man high tech or latest, gamit na gamit na imbensyon para sa akin.

Purple and orange Nassau – for freedom in privacy – ito ang tawag ko sa aking sariling kuwarto.  Sobrang thankful ako na mayroon akong sariling kuwarto na kahit maliit ay parang kaharian sa akin.

mobile phones  – dalawang ang aking cellphone ang aking  7-year old Motorola L72  at ang  2-year old second hand e71 Nokia.  Kahit lumang model unit ang mga yan or hindi smart phone sobrang satisfied ako sa service ng mga ito.  Aside sa communication ay sa mga ito ako nakikinig ang aking daily dose of music, nakakapag-blog/ sulat at siempre business.

computer – dalawa rin currently ginagamit kong pc – isang upgraded Jurassic desktop ( na mula Pentium 2) at  si Hugh ang aking 3-year old laptop. – dahil sa dalawang ito ay nakakapag-work ako nang bongga, sideline, business, nakaka-gather ng  information,  may entertainment, enjoy music, at practice my sports ( surfing and marathon)
notepad/notebook + pen = hindi ako sanay na lumabas ng bahay ng walang dalang panulat at susulatan.  Pero sa simpleng note-taking ang pagsususlat sa akin (especially sa diary) ay therapy o for my anger management,  matipon ang aking mga ideas , at makabuluhang past time.
 Recorder – nasa akin pa ang aking cassette tape recorder  pero sa ngayon mas gamit na gamit ko ang aking digital recorder na by the way ay may palayaw  na Bae (aning lang) –  alam mo kasi bata pa lang talaga ay mahilig na mag-record, ewan san ko napulot ang ganitong  kabaliwan pero wag ka importante para sa akin sa  note-taking especially sa mga seminar na pinupuntahan ko at practice ( for voice modulation boses ipis kasi ako).

cameras –  ano pa nga ba ang silbi ng camera? eddie for good and colorful memories. Sa ngayon into video making na rin ako. Wag ka naman mag-expect kasi macau kuha lang ang drama ko at saka ko i-upload sa aking Hitokirihoshi Channel.
food/ clothing/ shelter – for more mabuhay and power – siempre mawala na ang lahat ng nabanggit ko sa itaas ‘wag lang ang mga ito. Kung wala  kang pera pero may bahay, damit na nasusuot at bahay  kang matitirhan. Yan na rin ang isipin mo pag heartbroken ka. At least may home ka di ba?