A difficult time in my life: 24 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

This was calming view I saw for 9 nights.
ang bintana ko sa loob ng ilang araw sa hospital

Dahil  bata pa naman ako nung mamatay ang daddy ko, muntik na akong mahinto sa pag-aaral, at may nagawa naman motivation ang first two  years struggle ko sa  pagtatrabaho, dun na lang tayo sa latest difficult time in my life. Magandang mabasa ito ng mga taong may sakit at nag-iisip kung ano ba ang stroke.

Sintomas ng Stroke

Sa bahay namin, may 2 akong pamangkin (12 and 4), senior citizen na Nanay, at PWD na kuya…

Pagkagising ko around 11 am, sabi ng nanay ko dalhin ko s’ya sa klinik kasi nangangalay daw yung left arm n’ya. Sa clinic, ang findings ng doctor ay baka kulang lang sa Vitamin B. Pero sabi ko napapansin ko na ang pagngiwi ng mukha ng nanay ko, unless may kinalaman iyon sa denture n’ya. Saka doon pa lang ay mataas na ang BP ni  Nanay so pinainom muna s’ya ng gamot.  Bumaba naman konti.

Pagkahatid sa bahay, nagpunta na ako kaagad sa botika para makabili pa ng niresetang gamot. Pagkabalik ko, natumba na pala si Nanay at gusto na magpadala sa hospital.  So pak, taxi, at dala sa isang public hospital.

Kalma lang naman ako, since palagi ko naman nadadala doon si Nanay. Pero nag-iba ang pakiramdam ko nung kinausap ako ni Dok Mabait, kailangan ma-CT scan agad si Nanay.   Iyong public hospital na iyon ay nasiraan ng CT Scan at binigyan ako  ng option ni Dok na iilipat na lang sa mas may kumpletong pasilidad si Nanay para matutukan o doon pero…

Ang akala ko sa stroke ay may kinalaman sa ugat sa puso, pero hindi dahil ugat sa utak pala iyon.  Tinanong ko si Dok kung gaano ka need na ma-CT Scan si Nanay. Di ko alam kung matter of days or hours  iyon. Sabi n’ya urgent yon kasi para malaman kung gaano kalala at kapag hindi maagapan baka hindi na lang kamay ni Nanay ang manghina.  You know baka mas maging worst sa worst.

Crucial moment, ililipat ko ba o hindi?   Mabuti na lang, si Dok Mabait ay in-enlighten ako. Sabi n’ya kapag ipinasok ko sa private hospital ay kailangan ko magbayad ng deposit tapos bukod pa iyong ibang kabagayan.  So ang balik n’yang tanong ay may pera ba ako?  May mga kapatid naman akong mahihingan, pero bakit ko naman aasahan pa yung wala pa o hihingan pa lang di ba?   So in quick mental calculation and analysis, ang in-assess kong pera ay pera na dala ko sa puntong iyon ng buhay ko.  Ang advice n’ya, dalhin ko sa isang Ct scan clinic at bumalik sa hospital.  Pinapirma n’ya ako ng waiver na nagsasabi na babalik kami after magpa-CT scan kasi  sisimulan na nila yung pagkuha ng  dugo, ihi,  ECG at iba pa.

Tinanong n’ya ako kung need ng ambulansya pero magbabayad daw ako ng 1K.  Tinanong ko si Nanay kung kaya na taxi na lang kami, kakayanin daw. So kahit na  almost  buong kaliwang part na ng body n’ya ang humina ay tyinaga naming dalawa na mag-taxi at CT Scan siya sa labas.  Take note Php4000 ang pa-CT scan at may senior citizen discount na yun.

Pagkabalik ng hospital, kailangan naman siyang hanapan ng ward.  Tumagal din iyon, kasi puno na rin para sa ward para sa case n’ya. So iyon, napunta kami sa isang ward na puro COPD cases at apatan.

 

The hardship of Hospitalization

Ang hirap ay hindi  lang sa ako ang gumagatos, kundi ako rin nagbabantay. Eh ako rin ang kumakayod  para may pambayad kami ng bills sa bahay. Take note na self-employed ako, meaning no work, no pay.  Sa buong part na yun hindi naman ako naghina o naiyak. Nagulat nga ako sa sarili ko, ganun pala ako ka-stoic.

Pero sasama na ang loob ko kung 10 kaming magkakapatid sa mother side (pa lang) ay walang tutulong kahit sa pagbabantay man lang. Buti na lang sakto  nasa bansa na yung OFW kong kuya at s’ya mismo ang nagkusa na ka-rellebo ko. The best pa yun kasi napapaliguan n’ya si Nanay at nabubuhat. Mataba sa akin ang Nanay ko, imagine  Annabelle Rama, Nova Villa or Vangie Labalan, mga ganung peg ng built.  Kaya hindi ko rin matanto kung paano ko rin s’ya nabubuhat kung wala rin syang gaanong puwersa. Iyong iba ko naman kuya tumulong din sa pagbabantay.

So after ma-resolve sa  bantayan, dun pa rin ako sa work at bayad. Literally, para mairaos ko yung work, dun ko ginagawa sa hospital yung draft at pagkauwi ko ay saka ko  aayusin at ipapasa.  Alam mo, sanay-sanay ako sa sa PC than laptop. Pero see, kinaya kong mag-survive sa 2 mobile phones.  Nakapagpasa ako ng trabaho on time.

 Lord’s blessings

   Yung si Dok Bait ay blessing na sa akin e, tapos sama ko na yung mga kuya ko at yung pagiging digital nomad ko.  Ang isa pang blessing ay yung malakad ko yung  sa Philhealth for Senior citizen. To cut it short, dahil dun ay nagawa ko na halos walang bayaran sa hospital bill. Usually daw umaabot sa 20-50K or more depende sa severity  ng stroke. Noong una hindi ako aware, tapos sakto sa araw ng paglabas ni nanay saka nagdatingan yung tulong. So yung mga dumating na tulog ay  dumiretso sa gamot at pa-therapy ni Nanay.

Sa ngayon  masasabi kong nasa 95% na yung paggaling ni Nanay. Nakakapagluto, walis, at lakad-lakad na lang s’ya. Konting therapy at maintenance na lang. Thank you Lord di ba at Kalma lang.

 

May-akda: Ate Jevs

fairy god sister ni Hitokirihoshi ng Hoshilandia.com, eat food, sing songs, explore life, travel places, meet people and love...advice/stories/tips

3 na mga thought (isipan) sa “A difficult time in my life: 24 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE”

  1. grabe.. sobrang hate ko mag-stay sa hospital kaso recently lang din e kinailangan ko samahan ang nanay ko dahil may idinadaing din sya. dalawa lang kami sa buhay kaya wala din ako ibang maasahan. bukod sa takot ako sa hospital e takot din ako sa gastos. pinush ko din tuloy ung maxicare nya para magpa-check up na lang sya kahit kelan nya gusto. buti nga at di naman pala masyadong seryoso ung sakit nya. pero mabuti na rin ung may philhealth at HMO. prayers for your nanay sa mabilis nyang recovery..

  2. Hi Mismei at salamat sa iyong concern. Hiling ko rin na sana’y laging malusog din ang iyong Nanay. ito na ata turn natin sa pag-aalaga.

    Ako rin sa mga ganitong pagkakataon mo lang ako mapapatuntong ng hospital at kaya ayaw ko ng white color na gadget, wall, and appliances parang kumakarakter lang na hospital.

    Mabuhay!

Mag-iwan ng puna

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.