Best Physical Features: 25 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Makuwento lang, na-try ko rin makipag-chat kung kani-kanino  lang. Ang isang di ko  feel, pero ginagawa kong trip-trip ay ‘pag napupunta na sa usapang “describe yourself.”  Isa sa kasunod noon ay kung ikukumpara ka ay sinong artista ang kamukha mo, hahaha! Paalam Yahoo Mail.  Pero hindi ako nagsisinungaling kapag binabanggit ko na may nagsabi  na sa akin kamukha ko sina Vina MoralesIna Raymundo, at ang mata ko ay katulad daw kay Keira Knightley. Ang tanong lang ay kung inuungas lang ako ng mga nagsabi sa akin n’yan. Eh may nagsasabi rin sa akin na kamukha ko raw si Ong-Bak, haruy!  So kapag pinagsama-sama sa isang tao ang magagandang features ng mga babae ay mukha kang fighter na lalaki?  hohoho!

Pero sige  best physical features ha:

Mga mata – may ilan na nga  nakapagsabi na maganda ang mata ko, lalo na ‘pag mapungay. Kaya ang ginagawa ko ay nagpupuyat ako parati, charrot! Hindi naman siguro kasing ganda ng mga mata nina Natalie Portman at Keira ( di ba hawig din sila?), magkakasing-hugis lang.  Ang mahalaga sa akin ay malinaw ang mata ko, as in.  Marami sa mga kasama ko sa work before ang may salamin  at contact lenses, pero ako okay pa.  Buti kamo  na-correct na rin, kasi nagkaroon ako ng astigmatism before. Kaka-astig-astig ko sa school. chuz!Landscape logo brush stroke

Curly Hair – puwedeng asset o hindi ito, hindi rin kasi ako palaayos at may time na may mood din ang buhok ko.  Maarte rin pala ang hitad, hohoho! Pero may time na kahit walang hair polish o gaanong suklay, maganda rin naman lalo na kapag napahaba ko.  Naiingit iyong ibang kakilala kong girls kasi nga naman sila kung anu-anong pamamalantsa at ginagawa pra magkaroon ng bouncy wavy hair. Ako? “I woke up like this.”

Legs –  Maiigsi lang ang binti ko (petite) at mayroon din akong souvenirs ng aking mga kakulitan days. Pero, good thing nasa side lang ang mga iyon  kaya akala mo  ay alaga ko mga binti ko.  Saka, dahil mapantalon ako kaya maputi ( mas sa mukha ko)  kapag nagso-short na ako.  Pero ngayon deadma, mahilig ako maglakad at tumayo na eh so soon baka ugatin na.

Behind – Nung una nahihiya akong pag-usapan (medyo pa rin naman) pero maganda rin na kahit papaano may behind ka.  Kung usapang pananamit ito, nakakadagdag figure lalo na kapag naka-pantalon o short.  Saka wala naman akong  bumper, ahaha. No offense sa mga nagi-gym pero parang hindi proportion na ang laki-laki ng upper body pero walang kalaman-laman ang lower body.  Kaya mas bet ko ng toned muscle kaysa bulky.

Dagdag ko na rin, baka mas maraming flaws pa katawan ko. Mayroon din akong mga insecurities sa katawan  like before asiwa akong maitim ako at kulot. Pero ngayon deadma, baka yung pagka- kayumanggo ko pa nga ang dagdag points sa kagandahan ko. Oh yeah!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s