10 Pet Peeves: 23 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Napaisip ako ulit ah, ano nga ba ang pinakanakaka-bwiset na “pet peeves” sa akin? As if naman wala ako di ba? Oh di ko lang alam ang meaning hahaha. Ilan sa mga ito  ay okay lang naman kapag nasa mood ako dahil medyo napapag-aaralan ko na ang “art of deadma. “ Pero kapag may saltik ako, gusto ko rin kumutos at bumgangas kahit mga 3 ¼ lang hehehe.

Pabebe – Generally ayoko sa maarteng babae at piling-piling pagkakataon sa akin ang ma-accept ang alibi na “meron kasi ako.”  Klaruhin ko lang, wala akong problema sa kikay, vain or yung fashionista. Ang ayoko yung inarte na akala mo kung sinong reyna at papampam na nakakaistorbo na ng panahon, pagod at  iba pa.

Pahara-hara sa daanan ng tao – Hindi ko talaga  maintindihan  yung mga taong hindi maisip na tumabi sa tamang corner para gawin ang gusto nila. Buwiset na bwiset ako sa mga  hahara-hara sa likuan  pababa o pataas sa overpass,  elevator, escalator, at kahit na anong pintuan.Calle Crisologo

Cut in/ Butt in – I am deep conversationalist at mahirap sa akin na balikan kaagad ang kinukwento ko. Between cut in and butt in, mas nababastusan ako sa cut in kasi  parang  ang dating I am saying non-sense. Maraming matanda na mahilig sa ganito.  Samantala, marami naman bata na ma-butt in. Hindi mo naman kinakausap biglang sasabat. Pasikat?

Selfies on my wall – Naka-slight social media detox ako sa personal account ko sa Facebook (not Hitokirihoshi). No declaration whatsoever, but I admit it’s like an experiment na iba-blog ko rin sa Hoshilandia eventually.  So far wala naman disadvantage (at wala rin nakakapansin sa mga ka-FB ko), but more of advantage pa nga. Hindi lang sa productivity kundi sa positivism. No offense sa mahihilig sa selfie, okay lang naman iyon talaga. Pero nakakabanas na kapag ikaw nga ay hindi mahilig mag-selfie pero laman ng wall mo ay puro selfie, nega status, at update ibang tao.  Iyong minsan wala pang kabigat-bigat.  Medyo name-miss ko na ang chat na lang sa YM o Skype. Mas gusto ko iyon kaysa magbabasa ng update ng mga kakilala ko mas may puso at sinseridad.

Loud music na naka-speaker –  Kanya-kanya tayo ng taste ng music at masarap making din ng musika  na naka-speaker pa. Pero huwag naman sa public places! Para ka na ring nanigarilyo sa non-smoking area.grandpa's inn

Nambabangga intentionally– may mga taong clumsy o kaya   di naman sinasadya na masanggi ka. Pero  alam mong may tao rin na talagang parte ng  ugali na ata na nila ang mamangga. Example,  nagbabayad ako sa cashier  at matagal-tagal na akong nakatayo. Biglang may matandang bumangga sa akin na animo’y pinapatabi ako ng walang pakundangan.  Kung di lang … talaga.

Nagmumura every sentence at lalo na bata.  Mura is mura period.  Kailangan masanay, makilala mo nang maigi at makalapit mo iyong tao para makilala mo kung sino s’ya sa likod ng pagmumura n’ya. Pero again mura is mura kahit masarap gawin ‘yan ‘pag galit ka na. Ang hindi ko ma-take ay mga edad 5-12 nagmumura na kahit di ko kilala sasawayin ko yan.

Sumitsit – alam mo yung sigh o sitsit ng taong  nainis  o naiinip. Maraming ganitong commuter.

Nagpapahingin ng buhok –  Sa Jeep – hindi ko naman hinihiling na itali basta siguruduhin lang  na ‘di aabot sa mukha ko ang buhok n’ya. Or else matitikman n’ya ang bangis ng mabigat, matalas, crazy curly hair ko.

Nangunguha ng gamit basta o di marunong magpaalam –  kakilala o hindi, gusto ko ay nagpapaalam bago makigamit ng bagay na pag-aari ko o ng ibang tao.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s