Weird things do happen like dreams

red candlesWhen I was a kid, naniniwala ako na may telekinesis ako, siguro kakapanood ng mga  cartoons and fantasy movies.  Tina-try kong gamitin yung special power kuno with chanting and focus look. Ewan sinasakyan lang ata ako ng mga kapatid ko at nagkakataon lang na “sana…” pag-uwi ko nandoon na yung ilang gusto kong bagay.

Minsan magugulat na lang ako, naisip ng Nanay ko na bilhan ako ng bag, umbrella,  o tumblr mula sa big bee o kaya naman ay french fries kina Mang Donald. Parang film, naisip ko lang kanina may nagbigay sa akin.

Dreams don’t come exactly like what you think

As you grow older and experience more the cruel world.  Parang aabot ka sa point na may saysay pa ba ang mangarap.  Yung minsan mananalangin ka at magtitirik pa ng kandila pero hindi mo naman paniniwalaan mangyari yung prayers. Siguro hindi kasing lala ng iba yung problema ko pero dumaan ako doon base sa naramdaman ko.

Pero bigla may darating  na oportunidad na susunggaban mo, kahit  di ka 100% sure.  In the end, mare-realize mo na lang ang koneksyon nito sa talagang gusto mo.  Halimbawa, nagki-crave ka ng isang mamahaling cake pero wala kang pera  at bigla may napagtripan ka lang bilhin na murang doughnut at… lintek “ang sarap pala” nasarapan ka na, nakamura nang…na talaga!

Paano mo nga ba tatanggapin o susunggaban isang pagkakataon? May mga time na hindi ko rin nakikita yung pagiging blessing ng mga bagay not until mawala na sa akin.   Para bang  kung sana tiningnan ko lang maiigi, hindi pala talbos ng kamote yun, kangkong!

Nasabi ko noon pag ako naging OFW  ang destinasyon ko Japan o Canada.  Alam mo nangyari?  Hindi pa ako nakakarating sa mga bansang yun pero nakapag-work ako sa dalawang Japanese companies at isang  Canadian firm. Sana lang eh maisipan naman nila na i-treat ako ng vacation kahit one week lang.

 Sta. Lucia's Giant Lantern for 2012the phrase – Expect the unexpected – is not a cliche

Hindi madali ang mag-adjust sa pagbabago especially kung iba ang nag-initiate. Pero mahirap din kung ikaw mismo ang maghanap ng pagbabago.  Sa huling nabanggit,  lalabas na sarili mo itong laban at dapat asahan mo na iilan o walang susuporta sa iyo.   Ginawa ko rin ito dahil sa maraming dahilan like burn out, growth,  challenge and future. Hindi ko na matiis na nakadepende sa iba ang desisyon kung ano ang dapat para sa akin.  May sarili akong  mga pangarap, iba-iba pa at halos walang koneksyon sa isa’t isa ( weird nga e).

Kung sa pagiging tamad, duwag at mainisin, hindi ako pahuhuli.  Pero ang lesson na pinanghahawakan  ko sa mga sandaling iritable ako sa isang tao at sitwasyon ay yung payo ng kuya ko ” huwag mong i-expect  na same sa ini-expect mo yun (tao o sitwasyon)” .  Sa bagay ang hirap ding magbasa  ng personality. Hindi ako si Madam Charin.

Maiko-connect ko rin ito sa aking kwentong love life kasi yung mga lalaking talagang nagustuhan ko ay malayo sa ideal guy ko ( Harry Potter, Marc Darcy,Ryan Agoncillo at Kenshin Himura) as in.

Kaya ngayon kahit minsan imposible,  wala sa tamang hulog at malayo sa hinagap. Alam ko wonderful weird things come true.

How about you, weird? hehehe

 

Advertisements

2 comments

  1. Madam hoshilandia! may mga times na narerealize ko na may mga gusto ako na walang nangyayari, pero may mga times na hindi ko nlang namamalayan na darating nalang siya. patience is a virtue kubaga. basta ako pinapasa-Dyos ko nalang mga ginagawa ko at hinahayaan ko nalang na masorpresa ako sa mga ginagawa ko at sa mga susunod na mangyayari.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s