The Bunso’s Monologue

I

Hindi ko kasalanan na bunso ako

Hindi ako nagbilang nong nasa sinapupunan pa ako

Hindi ko kasalanan na parang lagi na lang ako pinagbibigyan

Kung hindi naman puwede, may magagawa ba ako?

II

Kung  problema ng iba ang maging panganay

Bakit wala din bang problema  ang maging pangalawa

Gitna at lalong-lalo na ang maging pang- huli?

Namamana ba ang damit mula sa nakababatang kapatid?

III

Siguro akala ng iba, napakasarap maging bunso

Hindi naman, parang ayos lang

Wala naman ‘yan sa pagkakaaayos mo sa pamilya

Nasa  mga taong nagmamahal sa iyo

IV

Mahal lang talaga ako ng Nanay ko,

Belat! :-P!

Happy Mother’s Day Manang Juling!

At sa lahat ng mother’ out there!

Advertisements

30 thoughts on “The Bunso’s Monologue

  1. wala man ako sa iyong katayuan, pagka’t ako ngayo’y narito sa aking kinauupuan, joke lang.

    nais ko lamang ipahayag na lubos ang aking pagmamahal sa aking bunsong kapatid, ninais ko siyang maging tulad kong matatag at madiskarte sa buhay. bagaman di ko man siya laging kasama, lagi kong hangad ang kanyang kaligtasan, minsan nga’y umuwi siyang umiiyak, di ako nagdalawang isip na rumesbak sa pangalang kanyang tinuran, di ko talaga napigilan ang bugso ng aking damdamin na nagresulta sa pakikipagbuno. hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang araw na iyon, at hinding hindi ko na muling pababayaan mangyari ang umuwing lumuluha ang aking bunsong kapatid. tinuturing ko siyang isang malapit na kaibigan, isang ka-buddy, isang prinsesa, isang confidante, isang catalyst, at higit sa lahat ang aking nag-iisang bunsong kapatid.

    kaya ikaw bunsong Hoshi, naniniwala akong lahat ng iyong kapatid kung meron man ay lubos-lubusan ang pagmamahal sa iyo.

    napakaganda ng iyong mga pahayag lalong lalo na ito oh, na aking ikinagulat, inaabangan ko pa naman ang mga susunod na salita, ang iyong mahiwagang:

    “Belat! :-P!”

    nakakatuwa. pang-asar lang. hihihi, magiging nanay ka rin pagdating ng panahon. kaya maligayang Pagka NanAy sa iyo.

  2. oo tingin ko naman kung di man showy na mahal at least may paki sa akin ang aking mga kapatid hehehe. noong bata ako, ako ang magdidikta kung anong panonoorin. noong lumaki unti wala na lagi na lang inutus-utusan at nauuto. wahahaha!

    ang aga namang pagbati mo pero sige, at least may nauna na sa lahat. at sa time na maging Nanay ako. kakain ako ng noodles ng halagang P30 siempre malamang mahal na noon. hahaha

    mabuhay at happy mother’s day sa iyong ina.

  3. kapatid happy mothers day kay inay…

    ako parang bunso na rin kasi nag iisa haha

    pero yun lang pag dating naman sa kabila may kapatid ano ba yan toinks!

    Masarap din maging bunso eh no? Pero masarap din maging daddy’s girl ahem!

  4. Mabuhay din ako!! ay tayo pala!

    medyo may pressure nga lang pagdating sa bunso ><"

    napadaan lang ako bunsong hitokirihoshi .. nagbabasakaling may napadpad na gumamela 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s