The Bunso’s Monologue

I

Hindi ko kasalanan na bunso ako

Hindi ako nagbilang nong nasa sinapupunan pa ako

Hindi ko kasalanan na parang lagi na lang ako pinagbibigyan

Kung hindi naman puwede, may magagawa ba ako?

II

Kung  problema ng iba ang maging panganay

Bakit wala din bang problema  ang maging pangalawa

Gitna at lalong-lalo na ang maging pang- huli?

Namamana ba ang damit mula sa nakababatang kapatid?

III

Siguro akala ng iba, napakasarap maging bunso

Hindi naman, parang ayos lang

Wala naman ‘yan sa pagkakaaayos mo sa pamilya

Nasa  mga taong nagmamahal sa iyo

IV

Mahal lang talaga ako ng Nanay ko,

Belat! :-P!

Happy Mother’s Day Manang Juling!

At sa lahat ng mother’ out there!

Define motherhood Mommy Hitokirihoshi

Isang araw na out of curiosity ay napagtripan kong malaman ang aking online presence sa Google and Youtube, I typed my precious name- spell H-I-T-O-K-I-R-I-H-O-S-H-I. Tada sa youtube may lumabas na isang video nan a-mention ang aking name na hindi ko naman post.

Ito siya…

Natuwa ako at natawa sa video na ito. Naalala ko naman kung paanong umabot sa punto na sinagot ni Ms. Judy Ann Santos ang tanong ko. Talagang tinanong ko siya na ipinaabot malamang sa Johnson’s Baby. natuwa ako siyempre kasi sa mismong premier ng video ay hindi ko magawang bantayan dahil may trabaho ako at nakalimutan ko na. Ganda ng shots at pagsagot n’ya na may pagka-playful. Natawa lang ako dahil naging mommy ako sa title nila. Siguro ipinalagay nila na lahat ng nagtanong ay mga mommy na.

Though hindi totoo na ako ay Mommy na, hindi ko naman ikinagalit. Kung ang pagiging mommy ko ay  sumasalarawan sa paggamit ko rin ng mga products na pambata, pagpapahid ko rin ng mga ito sa aking mga pamangkin at gayon din sa aking ina at pagbibigay ng aking makakaya para makatulong sa aking pamilya- go ako na si Mommy Hitokirihoshi.

Bi-day ni Nanay (A Hoshi’s monologue)

I.

Birthday ng Nanay ko ngayon, pero wala ako sa bahay.

Malungkot ba  ako? Hindi naman, pabor pa nga e!

Pag-uwi ko mamaya, kakain na lang ako at kakanta sa videoke

Iyon ay kung mayroon at hindi ballroom ang magaganap.

II

Tulad noong isang taon, ganon din ang iniregalo ko sa nanay ko.

Mas okay sa kanya ‘yon, saka ‘yon din naman ang sabi niya.

Malaking diperensya noon bata ako, na hihingi ako ng pera

para ipambili ng regalo rin sa kanya at kalaunan ay hihingin ko rin.

III.

Specialty ni Nanay ang kilawing dilis pati na ang menudo at kaldereta.

Kaya tuwing may handaan kasama ang mga ‘yon  sa mga nakahain.

Noon ako na ang nagtotoka sa sarili ko na mag-waitress.

Pero mas type ko na ngayon ang maghugas na lang ng pinggan.

IV.

Wala ng makakasaksi kung gaano katagaktak ang pawis ko

Hindi na ako magtatanong ng “ate o kuya, tita o tito tapos na po kayo?

At maiiwasan ko na rin ang mga chikadora na panay ang chismak

“Ayan na ba yong bunso n’ya? Aba’y dati ganito-ganire lang yan e!”

V.

Kilala ko naman ang karamihan sa kabarkada n’ya,

mas kilala kumpara sa mga kamag-anak namin.

Mahirap kasi  tandaan ‘pag pare-pareho ang mukha

at minsan lang kung magpakita tapos magkakailangan pa kayo.

VI.

Ang mga amiga kasi ni mi Mama ay mga viva.

Hindi ka patatahimikin sa kakatanong at kakausyoso

Magkukuwento ng kanilang buhay, pamilya at pagkakaibigan

Na malamang ay mauuwi sa tawanan, sabay hampas ng abaniko

(buhahahaha)

VII

O s’ya-s’ya isa lang naman ang  gusto kong  sabihin talaga,

Maligayang Kaarawan Nanay Jules, more years to come – more

Blessings, more love, more peace of mind, and more power!

Vaya con Dios!