Hito-News-Kiri : Pandayang Lino Brocka, Wordcamp 2012, Bwakaw

Hi Guys!

Inform ko lang kayo sa two events at isang film showing na magbibigay ng learning experience sa atin. Hindi ako part ng company or event organizer ng mga ito, sadyang  interesado lang akong magbahagi ng information dahil interesado rin akong pumunta.

4th Pandayang Lino Brocka (Political Film and New Media Festivall)

Ito ay mula August 29 to 31 sa University of the Philippines Film Center.  Ang oras ng bawat seminar ay mula 9 a.m. to 5 p.m. kaya asahan na malaman, makabuluhan at masining ang mapapala sa FREE ADMISSION event na ito.

Nag-email na ako sa organizer na gusto ko pumunta at mabilis naman silang sumagot. Kung sino man sa inyo ang gusto ring pumunta at “makipaki” sa akin, email na lang kayo sa hitokirihoshi@gmail.com  at sabihin n’yo sa inyong mensahe ang buong pangalan (siempre ‘yong tunay kung gumagamit ka ng pseudonym like me) at alin schedule gusto mong puntahan.

Gusto ko sana puntahan lahat kasi mukhang magaganda ang seminar, documentary and exhibit dito pero siempre tao lang ako, marupok at may pangangailangan… bilang obrero para may makutkot kahit wala sa  hapagkainan, hindi mag 1-2-3 sa pasahe, at makapag-intrega pang-kuryente at Internet  ng  maka-blog man lang. hehehe!

Ang magkakasunod  na seminar sa tatlong araw ay may kinalaman sa scriptwriting, visual story telling, at cinematography.  Para sa ibang detalye visit these sites…

NCCAhttp://www.ncca.gov.ph/about-ncca/announcements/announcement.php?i=5920

Tudla Org’s website – http://www.tudla.org/

Wordcamp 2012 is on October 27

Kung bago ka pa sa blogging  o matagal na pero  talagang di ka aware na may conference para sa mga  WordPress‘ bloggers, puwes ito na isasambulat ko na.

Every year (pwera last year) ay nagkakaroon ng Wordcamp ang  WordPress para sa mga bloggers na gustong matutuhan ang iba’t ibang aspects sa blogging.  Hindi naman ito istriktong para lang sa mga user ng blog platform ni Matt Mullenweg na dalawang beses nang nagpa-picture sa akin (I bet papakuha ulit ‘yan sa akin sa Wordcamp 2012 wahahaha). Pero siempre special child ka kapag naka-Wordpress ka.

Puwede kang magreklamo dahil may fee  na Php 1300 ang maghapong conference na ito.  Masasabi ko naman na worth it ang conference na ito lalo na kung gusto mo talagang dibdibin ang blogging.  Ang good news ay makaka-discount ka ng 300 kung magbabayad ka na kaagad sa kanila on or before August 31.

Kung ano ‘yong mayroon sa Wordcamp 2012 na gaganapin sa Asian Institute Management 123 Paseo de Roxas, Makati sa October 27 hindi ko pa alam. Pero kung gusto mo malaman ‘yong mga naunang Wordcamp, click mo na lang ang mga past posts ko:

Wordcamp 2008

Wordcamp 2010

At para naman makapag-register o makipagtsikahan na sa organizer click mo ito http://2012.philippines.wordcamp.org/

Bwakaw screening

Kung kagaya kita na gusto sanang mapanood ang indie film na Bwakaw na entry ni Jun Robles Lana at pinagbibidahan ni Eddie Garcia na panalong-panalo sa nakaraang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, may chance na tayo ulit. Ipapalabas na ito sa mga sineha simula September 5.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s