Wordcamp 2008: for healthy & wealthy blogging

Socialization and information, ang pinaka-point ko kung bakit sumama ako kina Avi at Sherma na magpunta sa wordcamp ng wordpress kahapon, September 6.

Kung tutuusin past time ko lamang ang pagbaba-blog at outlet para maipahayag ang aking mga sentimiento. Masaya ako na marami ang nagbabasa ng blog ko at kapag may nagko-comment, lalo na’t hindi naman ako gaanong nag-e-effort na i-promote ito o sumulat ng paksa na hindi ko naman type. So bat pa ako pumunta sa gathering na gaya ng wordcamp?

In fairness, worth it and ibang experience ang event kahapon. Sa rami ng pwedeng pasukang silid para makinig sa mga lectures, ay nakatatlo lang kami . Iyon ay bukod sa pinaka-highlight na kung saan ibinalita ni Mr. WordPress Matt Mullenweg ang latest at study nila sa mga bloggers ng wordpress.

May isa lang akong pinaghihinayangan na ‘di nabutan ‘yon iyong sinundan na lecture ni Mr. Danilo Arao. Subalit, ang makinig sa “Blogging and Journalism in the Philippines” ni Mr. Arao ay isang malaking bagay para sa akin. Nabigyan niya ako ng overview sa pagitan ng pagba-blog at journalism. Ano nga ba ang lakas na magagawa ng simpleng pagbibigay ng impormasyon sa internet, partikular na kung haka-haka lamang ang naisusulat? Kung ang mga journalists ay may sinusunod na code of ethics, aniya, dapat ganon din ang gawin ng mga bloggers.

Subalit, napaisip ako na teka karamihan pala ng mga posts ko ay may pagka-personal at medyo kalokohan. Magkagayon man, alam ko na naka-stick ako sa aking principles. Hindi ako nagba-blog para mag-report ng balita at basta-basta magbigay ng opinion. Nasa side ako ng journalism na to entertain and to persuade public opinion. May paksa na gusto kong talakayin na maaaring makapukaw ng kamalayan at interes ng mga mambabasa, sa paraang nasa-satisfy ako. I love Psychology and sociology!

Pero definitely, tama si Mr. Arao sa kanyang mga tinuran. Type ko ‘yong Barong na suot niya (proud Filipino talaga!), ang paraan niya ng pananalita (“your favorite justice secretary!) at ang pagtalon-talon niya sa harapan… hehehe! (iyon talaga!)

Okay din ‘yong kay Mr. Oliver “Blogie” Robillo, “Building a Blogging Community.” Sa kanyang part napagtanto ko na pwede talagang maging channel ang pagba-blog para magkaroon ng boses at palitan ng impormasyon ang grupo ng mga tao na may iisang adhikain. Plus point pa rito iyong kanyang pagbabahagi sa tunay na kalagayan at persepsiyon ng media at ng mga tao tungkol sa Mindanao.

Sayang rin iyong unang lecture na pinuntahan namin, na di namin nasimulan, kasi maganda yung pinatutungkulan niya na may kinalaman sa paglalagay ng goal at pagtupad sa pangarap sa pamamagitan ng blog. Actually, may kinalaman dito ang iba pang speakers sa auditorium. Anila, may pera rin sa pagba-blog at malayo ang mararating ng isang blogger kung kanyang seseryosohin ang kanyang ginagawa. Hindi nga ba’t marami ngayong job opening para sa mga web designer at web content writer.

Bagaman, pinalaking bata sa label ng Alaska ang tingin ko kay Mr. WordPress Matt Mullenweg, tuwang-tuwa ang mga tao sa kanyang mga balita. Hindi ako tech-savvy eh pero thanks sa kanya dahil may wordpress at may blog ako.

Sa kabuuan tatlong bagay ang iniwan sa akin ng wordcamp

  1. maging responsableng blogger
  2. gamitin sa tama ang mga bentahe na naibibigay ng blog
  3. may kita sa pagba-blog

sana next year maka-attend ako ulit at manalo ulit ako, yong mas malaking premyo naman. Hehehe!

note: yung pix dito na lang.

44 thoughts on “Wordcamp 2008: for healthy & wealthy blogging

  1. Maraming salamat sa komento mo tungkol sa ginawa kong lektyur sa WordCamp. Hindi ko napansin ang patalon-talon ko sa harap pero salamat na rin sa puna. Iiwasan ko ito sa susunod. Ikaw pa lang ang nakapansin sa Barong Tagalog na suot ko. FYI, bagong bili ito pero mura lang.

    On a more serious note, it’s good to know that the experience at WordCamp was positive for you. I’d like to think that the same case applies to the hundreds who attended. It was also a learning experience for introvert academics/journalists like me to mingle with fellow bloggers like you.

  2. naku okay lang po yun Sir! hindi naman po nakaka-distract, saka yun ang style ninyo eh at dun ko kayo natatandaan. Maganda nga ang barong ninyo kahit ika ninyo ay mura. standout po talaga kayo sa mga nag-lecture dahil diyan, parang talagang in character ang dating.

    thanks din po sa mga information / lessons na ibinigay ninyo. nami-miss ko po tuloy ang pag-aaral.

  3. Isa nga ang discussion ni Mr. Danny Arao na very engaging. At gusto ko din ang barong nya! Ganda ng kulay!

    Tama lang na dapat, bilang blogger, maging responsable tayo. Aba, maraming tao ang nararating ng blog.

    Hitokirihoshi, may pictures na sa post ko dito

  4. huwaw ang saya naman.:) sana man lang nakapunta rin ako kasi interesante namang talaga.

    🙂

    hitokirihoshi: sayang nga aling baby! sana nakita ko na ang isa sa personalidad sa pinoywordpress dava! di bale baka meron pa next year.

  5. owmaygawad, you were there! haha.

    i like danny arao. he’s hilarious and intelligent. at agree ako sa kanya pagdating sa pagsunod ng mga bloggers sa code of ethics ng mga journalist. madami kasing bloggers ngayon ang palasak magsulat. daming mali. haha. at inaamin ko na minsan, nagiging palasak din ako.

    next year, sama ulit ako. hehe.

    hitokirihoshi: welcome sa hoshilandia!
    yes ok nga si Mr. arao… simple pero interesanteng tao. di ka naman nag-iisa, tao lang tayo na sumasablay din. hehe. ang mahalaga ay maalam tayo sa tamang proseso. mabuhay!

  6. waaah sayang hindi kami nakapunta! magplurk ka na magplurk ka na! hehehehe 😀

    hitokirihoshi: sige na nga magpu-plurk na ako , magpu-plurk na ako.. hehhe.. testimonial ko ha! (meron ba nun don?) heheh

  7. alin mare? yung pix ko with mr. mullenweg? sos ala yun ganun lan talaga pag takam kang makapagpa-picture sa dinudumog ng mga tao. eh mamaya di ba hindi mo na ma-meet yan ever at saka Mr. WordPress kaya yun.

    If I know, ikaw rin mare gagawin mo rin ang ginawa ko. hahaha! grab the opportunity ‘di ba?

  8. sayang di ako nakapunta. hehe nakita ko sana ang iyong paghilig. hehehe

    in talaga ang blogging, halos lahat na yata meron, sana lang maging resposible bloggers din ang lahat. :p

  9. talagang ginagawa ninyong kontrobersyal ang aking pagpapa-picture kay Mr. Mullenweg Ha!? pero sorry na lang sa iyo leng-leng, ayaw pa kasi gumawa ng blog sa wordpress eh…

    pero marami talagang benefits sa pagba-blog talaga. at tumpak kang dapat gamitin ito sa tama.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s