Breakaway From Negatives be Positively Sensitive

Gaya ng mga punto na sa sobrang marami akong gustong sabihin at halo-halo yung emosyon na nararamdaman ko.  Nahihirapan akong magsabi ng kuro about sa  Super Typhoon Yolanda.    Ang pinaka-sentro kasi ng bagyong ito ay kung saan din nagmula ang aking Nanay.  Though wala s’ya sa Pinas nung mangyari si Yolanda, ang tanging kilala kong mga kamag-anak ay nandoon, mas marami nga lang din sa bandang Guian Eastern Samar.

Ang good news lang sa akin ay may nakita na raw sa isa kong auntie na naging judge din sa aking blog life contest. Mabuti naman daw ang kanilang kalagayan. May “daw” kasi kami mismo ay hindi pa kami nagkakausap o alin man sa mga kapatid ko.  Sana ay okay naman ang kanilangt kalagayan at ng iba pa.

Siguro may dagdag na kaba, inis at  tensyon kasi kadugo mo yung mga nandoon.  Subalit, sino mang naging biktima ni Yolanda ay dapat na bigyan ng simpatya.  Tao sila na hindi dapat ipinagpapabukas. Hindi biro ang magutom, tumira sa kalsada, mabura sa mundo ang pinaghirapan mo at mawalan ng mahal sa buhay in a snap.

I still consider myself  na imbalido (kulang pa) sa pagtulong but let’s us continue to pray and help sa anumang pagkakataon- gaano man ito kalaki o kaliit. Don’t be sensitive sa mga bagay na wala rin maitutulong sa ating mga kababayan. Lagi naman may negative na ways, means, persons or situations. If you don’t feel like donating sa anumang government agencies , then don’t. Huwag mong hayaan na dahil sa asar mo ay hindi ka na tutulong. Or if galit ka sa isang part ng company, magagalit ka na sa kabuuan nito.

Yes, puwedeng even sa ganitong pagkakataon may greed, corruption, power trip or criticisms. Lilipas din sila (matatalo, mapapariwara at maglalahong parang bubbles) , at hindi dapat sila ang iniintindi natin sa puntong ito. Higit sa lahat, hindi ka isang blogger, worker, citizen, businessman, leftist, tambay o student – when you help , its because you are human.

6 thoughts on “Breakaway From Negatives be Positively Sensitive

  1. Always pray and keep strong ano pa’t malalampasan din natin itong malaking pagsubok na dulot ni Bagyong Yolanda. Wag nalang natin pansinin yung mga taong sa kabila ng pinagdadaanan ng ating bansa e nakakagawa parin ng hindi tama. Maraming gustong tumulong satin mapaano mang lahi o bansa. Dito sa university namin maraming handang mag bigay ng donasyon tulad ng damit, pagkain at dasal. Makakaya natin to! Bangon Pilipinas! 🙂

  2. hello, hoshi… dumaan lang po para bumati ng isang manigo at masayang bagong taon. hope you are well, kapatid… 🙂

    hey, malaki, malawak at seryoso naman nga ang sakunang Yolanda. palagay ko, karaniwan and normal to feel helpless and inadequate sa harap ng gano’ng pangyayari. parang lahat naman tayo, gustong tumulong sa malaki at maliit na paraan? that’s widespread disaster staring us right in the face… parang mahirap maging indifferent and say na we’re not affected at all… ^^

    siguro, what it reminds us, yong sabi mo, pare-pareho pa tayong kulang. kumbaga, we all need na mag-ayos pa, disaster-hit man o hindi.

    smile-smile pa rin pag may time, hoho. 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s