Boyish

Kung sa tanungang portion na describe yourself, isang adjective na isasama ko malamang ay Boyish.

May ilang teorya ako kung bakitt ako may ganitong personality.

  1. mas nakakasama ko ang mga kuya (lima) ko na ‘yong isa ang mismong nag-alaga sa akin, then mga pinsan kong lalaki at tiyuhin ko.
  2. nabarkada ako sa mga boyish din.
  3. dahil sa mga pinagdaanan ko nung bata pa ako na tipong kahit man lang sa galaw ay manginig na sila sa takot.

Pero matagal ng panahon ‘yon at hindi lahat ng tulad ng kagaya ko ng karanasan noong bata pa ay ganito pa rin. In fact halos lahat ng friends ko na boyish rin ay siya pang girlie-girl ngayon. Na-Stuck ba ako sa time machine?

May ilan na rin ang nagduda na baka nga tomboy ako. Kapag lalaki ang nagsabi nun, ay bahala sila sa buhay nila. Pero kapag babae, medyo naiirita ako. Sarap pagtatampalin, joke! Nakakairita kasi…

  1. ang dating hinuhusgahan ka. hindi kasi ako kagaya ng ibang palaayos. Na kahit wala ng  pera basta makabili ng burloloy at make up go ng go!
  2. gusto nilang mag-body fit akong damit. Pansinin n’yo ang mga babae, kahit hindi mataba reklamo ng reklamo na mataba na sila. Isang obserbasyon ko doon ay kung makapagsuot naman kasi ng damit ay halos maging suman naman sila. Siempre may damit na depende sa katawan. That’s why may paborito akong bilhan ng t-shirts hehehe
  3. may ilan na akala nila nagnanaknak sila sa kagandahan na tipong makakapagpalit sila ng kasarian. Kung may babae akong nagandahan si Catherine Zeta-Jones lang yon.

Aaminin ko na isa sa pambasag ko sa mga umaaligid sa akin na di ko talaga trip o yong nag-aangas ay ang pagtawag ng “Pre” o “‘di tayo talo”. Oo may halong misleading lines na ganyan pero nunca mujer ako mula talampakan hanggang bunbunan. May time na nakaka-frustrate pero…

  1. doon ako komportable at mas safe e… doon sa pagiging boyish ko daw  manamit. Hindi kabawasan sa aking pagkababae kahit ano pang suotin ko na disente naman.
  2. kung ayaw ko sa masyadong maarte bat ko naman gagayahin pa.
  3. kung ang pagiging cowboy at  kawalan ng poise ang maglalapit sa akin sa lahat bat ko naman poproblemahin ang sasabihin ng iilan. At the end of the day, ito ako- napakahirap mag-pretend.
  4. Nirerespeto ko naman ang katauhan ng iba kahit gaano kalaki ang pagkakaiba nila sa akin.  Ang ayoko lang i-impose sa akin yung ayoko. Stubborn ini!
  5. Nasa character ‘yan, papartida pa ako. I’m Boyish and Beautiful, ah yeah!

Note: Nakikigunita rin ang Hoshilandia Sr. and Hoshilandia Jr. sa mga mahal natin sa buhay na pumanaw. Puwedeng makalimutan natin ang itsura nila pero ang karakter nilang ating minahal at talagang nangingibabaw ang mga masarap alalahanin talaga.

Advertisements

16 thoughts on “Boyish

    1. wahahaha, dito sa blog world nakakatuwa talaga. maraming nakakaintindi sa akin. ahehehe! sa real world para akong weird sa iba. ayeahhh!
      nagba-body fit din naman ako pero di talaga ako komprtable. isang rason eh buma-bouncing bebe ako. hahaha

  1. Hmmm.. pwede ka din naman maging cowboy at the same time hindi magpaka-boyish, pero ngunit subalit datapwat gusto mo yan at komportable ka dyan, kung dyan ka masaya, suportahan ta ka!

  2. ako din boyish!apir!haha

    akala nga ng 2 kong ateng kikay, paglaki ko tibo ako eh
    madungis daw akong bata
    nakatshirt at puruntong short nung hayskul at college
    karaniwang one of the boys
    adik sa manga at computer games at
    at hindi mahilig sa meyk up at lotion

    ahm aun, haha
    tsaka lang sila nakumbinsi na babae ako nung magkaboypren ako >:)

    1. apir tayo!

      ewan ko nga sa iba, kailangan talaga ng proof di ba. kaya minsan nakikisampatya rin ako sa ibang tinutukso na gay kahit hindi naman talaga. dyina-judge yung preference nila ayon lang sa pananamit at hindi sa puso. choz! bat hindi na lang hayaan kung bibigay o hindi di ba. tapos pag bumigay pandidilatan ng mata.

      stand firm lang if you know yourself. makapag-BF na nga hahahah!

  3. wala bang picture para naman may idea ako kung anu ba talaga kuya?hahaha!

    well,tingin ko naman wala yan sa panlabas na tingin sa’yo ng tao.its all in how you feel at kung saan ka mas komportable.

    besides,pwede ka naman laging maghamon ng suntukan kapag nao-offend ka sa mga sinasabi ng iba.hahaha!

  4. no prob skin kh8 tibo/boyish p kyo/cla. tao nmn mga yn wlng pgk2iba. Mdmi dn aqng tropang tiburcio e. S boyish nmn, nung college days q pa tpos niligawan q p kc ang cute nya tlaga kso basted, hehe. Pero ok lng. Pwede add nyo aq fbuk, aksyon_king@yahoo s fbuk. Thanks!…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s