Be strong for yourself

ni Ate Jevs

Madalas iniisip natin na mahina tayo, na bakit sila mas magaling at malakas? Ngunit ang  pagkakaroon ng matapang na personalidad ay hindi naman tungkol lamang sa kapal ng mukha at sa kakayahan na sabihin lahat ng nasasaisip.

  1. malakas ka kung kahit anong sulsol ng iba ay kaya mong itayo ang iyong bandera at manindigan sa maganda mong prinsipyo.
  2. kahit napapaligiran ka ng mga taong may mga bisyo, hinding-hindi ka napapayag na sumali sa kanilang hilig.
  3. hindi mo kailangan pumanig sa isang tao o isang bagay dahil gusto ng iba.
  4. alam mo sa sarili mo kung ano ang nais mong patunguhan at gusto mong maging.
  5. sinusunod mo lang kung ano ang dinidikta ng iyong puso at nagpapakatotoo ka.

Bawat tao ay may pinanggagalingan, may gustong patunguhan at may pinaniniwalaan. Nasa iyo kung mananatili ka sa iyong paninidigan at maging Survivor sa iyong buhay

Boyish

Kung sa tanungang portion na describe yourself, isang adjective na isasama ko malamang ay Boyish.

May ilang teorya ako kung bakitt ako may ganitong personality.

  1. mas nakakasama ko ang mga kuya (lima) ko na ‘yong isa ang mismong nag-alaga sa akin, then mga pinsan kong lalaki at tiyuhin ko.
  2. nabarkada ako sa mga boyish din.
  3. dahil sa mga pinagdaanan ko nung bata pa ako na tipong kahit man lang sa galaw ay manginig na sila sa takot.

Pero matagal ng panahon ‘yon at hindi lahat ng tulad ng kagaya ko ng karanasan noong bata pa ay ganito pa rin. In fact halos lahat ng friends ko na boyish rin ay siya pang girlie-girl ngayon. Na-Stuck ba ako sa time machine?

May ilan na rin ang nagduda na baka nga tomboy ako. Kapag lalaki ang nagsabi nun, ay bahala sila sa buhay nila. Pero kapag babae, medyo naiirita ako. Sarap pagtatampalin, joke! Nakakairita kasi…

  1. ang dating hinuhusgahan ka. hindi kasi ako kagaya ng ibang palaayos. Na kahit wala ng  pera basta makabili ng burloloy at make up go ng go!
  2. gusto nilang mag-body fit akong damit. Pansinin n’yo ang mga babae, kahit hindi mataba reklamo ng reklamo na mataba na sila. Isang obserbasyon ko doon ay kung makapagsuot naman kasi ng damit ay halos maging suman naman sila. Siempre may damit na depende sa katawan. That’s why may paborito akong bilhan ng t-shirts hehehe
  3. may ilan na akala nila nagnanaknak sila sa kagandahan na tipong makakapagpalit sila ng kasarian. Kung may babae akong nagandahan si Catherine Zeta-Jones lang yon.

Aaminin ko na isa sa pambasag ko sa mga umaaligid sa akin na di ko talaga trip o yong nag-aangas ay ang pagtawag ng “Pre” o “‘di tayo talo”. Oo may halong misleading lines na ganyan pero nunca mujer ako mula talampakan hanggang bunbunan. May time na nakaka-frustrate pero…

  1. doon ako komportable at mas safe e… doon sa pagiging boyish ko daw  manamit. Hindi kabawasan sa aking pagkababae kahit ano pang suotin ko na disente naman.
  2. kung ayaw ko sa masyadong maarte bat ko naman gagayahin pa.
  3. kung ang pagiging cowboy at  kawalan ng poise ang maglalapit sa akin sa lahat bat ko naman poproblemahin ang sasabihin ng iilan. At the end of the day, ito ako- napakahirap mag-pretend.
  4. Nirerespeto ko naman ang katauhan ng iba kahit gaano kalaki ang pagkakaiba nila sa akin.  Ang ayoko lang i-impose sa akin yung ayoko. Stubborn ini!
  5. Nasa character ‘yan, papartida pa ako. I’m Boyish and Beautiful, ah yeah!

Note: Nakikigunita rin ang Hoshilandia Sr. and Hoshilandia Jr. sa mga mahal natin sa buhay na pumanaw. Puwedeng makalimutan natin ang itsura nila pero ang karakter nilang ating minahal at talagang nangingibabaw ang mga masarap alalahanin talaga.

Parang Medyo Baka, alam mo na?!

Ewan ko ha pero napapansin ko lang na minsan kahit ‘di mo intensyon na maisulat, mai-text o masabi ay mga salita na napapasama na nagpapa-confuse sa sinseridad o kumpiyansa ng nagsasalita (o sumusulat)

Aminado ako d’yan na lagi na lang ata akong may “parang,” “medyo,” at “baka” sa mga sinasabi, especially sa sinusulat ko. Eh alam ko naman kung ano ang desisyon ko. malamang ang isang dahilan ay kakapakinig o nasanay na ako na maghinay-hinay muna. Alam mo na magbigay muna ng safe answer bago tuluyang magdesisyon at saka na yung talagang answer. Iyon nga lang hindi ba, makakalimutan mo yung naka-hang mong sagot or worse magkakaroon na ng miscomunication.

Sige medyo pipilitin ko ng baguhin ito kasi parang nakakabiwiset na rin at baka may magalit pa sa akin na iba, alam mo na?

hindi dahil common may sense na

One time, may isang news from yahoo na na-curious akong tingnan. Iyon ay tungkol sa limang klaseng tao na dapat iwasan. Isa na roon ay ang mga taong manipulative.  Gusto ko silang tukuyin kasama na ang mga taong masyadong casual sa lahat ng bagay.

Lagi natin pinaniniwalaan na mahalaga ang magkaroon ng kalayaan gaya ng freedom to express and freedom of the press. Ang kalayaan ay mahalagang yaman na hindi ko ipagpapalit gaya na lamang ng pagkakaroon ng privacy. Pero aminin natin na may tendency tayong abusuhin ito. Gusto natin na ipakilala ang ating sarili, iyong nga lang sa paraang hindi nababatay sa pamantayan ng iba.

Kahit may punto ito pero mayroon pa ring sablay. Paano kung ipinapakilala mo ang sarili mo na masama ka, wala kang pakisama o kaya’y okay lang ang manakit ng ibang tao? Well mahirap naman talagang maging mabuting indibidwal. Isa na ako sa puwedeng paulanan ng cornick kapag sinabi kong ang bait-bait kong girl. Ang mahirap ay ‘yong paniwalain mo ang sarili mo na tama ang masamang ginagawa mo at lalung –lalo na impluwensyahan mo ang ibang tao.

Ito ay gaya ng pagnanakaw sa kaban ng bayan. Since halos lahat naman ay kawatan okay na itong gawin? kung lahat naman ng nasa lugar nyo ay addict, join the club ka na rin? Eh nasaan ang kalayaan doon kung ang sarili mo ay pinasok mo na sa kahon ng iba.  hindi ba’t mas maganda ng tawaging maprinsipyo at sarado ang utak, kung ito naman ay sarili mong paniniwala?

Ang masakit din sa iba, sinira na nila ang kanilang sarili dinadamay pa ang iba. Inggit? Puwede! Damayan? Malamang! Crab Mentality? Mismo! Bakit may taong kapag nakakilala ng mukhang mabait, tingin nila dito ay plastic? Bakit di nila hayaang maging mabait ang mabait o kahit pa sabihin nating nag-e-effort na bumait.

Mayroon pang ilan na dahil common na ang kasalanan ay casual na itong uulit-ulitin at ipamumukha ito sa kaniyang, guess what, love one na intindihin na lang siya. Kung hindi na nila iginalang bilang kabiyak o kasintahan, sana ay nirespeto man lang nila ang mga ito bilang tao. Example…

Namomobroblema yong tiyahin ng friend ko sa friend nya (analyze mo na lang) dahil hindi maiwan yung bf niya na may asawa na.  Nagplano naman na yung girl na makipaghiwalay kaso matulis si bf. Napaniwala ni boylet na kaya naman niya pagsabayin  silang dalawa first dyowa niya. Sa gitna ng panty at bra na ibebenta ng tiyahin ng friend ko (sales lady sa mall), nasabi ko na lang na…okay pa yan kasi hndi pa yon buntis. Eh paano kung nanganak pa yung kasalanan nila. Nasira na niya yong family noong isa, pati buhay niya at magiging anak nila. Eh dalagang-dalaga daw yung friend ng tiyahin ng friend ko e, pero sana ay madala na.

Natuwa naman ang yong tiyahin ng friend ko sa sinabi ko, inalok pa nga ako ng products niya e, sabi ko “iba po bibilhin ko, black socks!

…ay parang…

ang pag-ibig ay parang halaman, minsan nagbubunga ng maganda ang iyong tinanim pero may iba rin sira,  hilaw, at baog. depende rin ‘yan kasi sa pagkakabaon ng punla o buto.

ang pulitika ay parang swimming pool, ang mga pulitikong okay kinakaya ang sistema kahit parang  mamumulikat din. Yung mga ganid, sumisisid pa talaga at nilulunok ang lumot, laway at ihi doon. pag-ahon nila its either isa na silang palakang KOkak or bouncing buwaya.

ang showbiz ay parang hagdan, ginagawang tulay sa pagsikat at pagyaman. kapag mali ka ng hakbang sa ilalim ng tulay ang iyong bagsak.

ang pagtatrabaho ay parang pagba-bike, pedal-pedal para kumita, ingat-ingat baka sumemplang.

ang ispirituwalidad ay parang salamin, ipapakita nito kung ano ang eksaktong imahe mo- kung may kulang, kung magulo o kung pleasant naman.

ang pakikipagkaibigan o pakikipagkapwa ay parang plug, kapag hindi mo i-konek sa outlet, walang current.

ang pagkatao ay parang resume, ikaw ang magtatala ng iyong experiences, educational attantaiment, extracurricular activities, skills at references. nasa sa iyo na yan kung available ka upon request. well kung wala kang mailagay, batugan ka, pag punong-puno eh eddie addict ka sa mga kabagayan.

ang hoshilandia ay parang cruise ship, kung saan-saan naglalayag at baka hindi mo alam dadaong na ito saan man sa ibayong dagat.