Dance Xchange 2012 sa Cebu International Convention Center

Kung nais na magbakasyon o namimili ng paglalakbayan, maiiging magawi kayo sa Cebu nitong huling Linggo ng Abril. Queen of South din kasi gaganapin ang Dance Xchange: The International Workshop and Festival na idadaos mula April 27 – 30.

Nasagot ko na ang What is Dancing sa hoshilandia.com, ngayon ay narito naman ang isang pagkakataon para maipamalas ang halaga ng sayaw sa lipunan, sining at buhay, ang Dance Xchange: The International Workshop and Festival ng NCCA na gaganapin sa Cebu sa April 27-30.

Pinalad ang inyong Hitokirihoshi na mapasama sa press conference para sa event na ito sa NCCA lobby na kung saan ay hindi lamang mga bloggers ang nagpunta kundi maging ang malalaking media outfits sa bansa. Isang magandang pagkakataon para maipamalita ang kaganapan na ito sa pangunguna ni Ma’am Shirley Halili-Cruz, head ng National Committee on Dance (NCD).

Ang Dance Xchange ay isang tugon ng Pilipinas sa International Dance Day na ipinagdiriwang tuwing April 29. Sa Pilipinas ay isang linggo ito o Philippine National Dance Week na pumapatak naman sa ika-apat na linggo ng Abril ayon na rin sa Proclamation number 154.  Noong isang taon ay dito sa Metro Manila ito ginanap, sayang at hindi ko pa alam ang tungkol dito (baka nakasali pa ako

Masuwerte ang Cebu dahil gaganapin ang Dance Xchange sa Cebu International Convention Center (CICC). Ang festival ay hindi lamang tungkol sa performances kundi may workshops, cultural tour at iba pang kapanapanabik na aktibidad din para sa may passion sa dancing at maging sa mga turistang may hilig sa pagsasayaw. Katunayan ay tinatayang 27 performing groups magsasayaw. Hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa gaya ng India, Brunei, Korea, Mongolia, Japan, China, Russia, England at iba pa.

This slideshow requires JavaScript.

Pang-apat na lang taon pa lamang, Kay Ma’am Shirley nagsimula ang konsepto ng Dance Xchange dahil na rin sa iba’t ibang international event na kanyang napuntahan. Ika nga why not i-showcase din natin ang galing  sa pagsasayaw ng mga Pinoy na ayon naman kay NCCA chairman  Felipe de Leon ay mga very expressive.  Ang pagpapakita ng pagsasayaw ay “window to world” at promosyon na ang Pilipinas ay maging Cultural Destination in Asia.

Bukod sa star of the night na si Ma’am Halili-Cruz, present din sa conference sila NCCA Exec. Dir. Emelita Almosara, NCCA Chairman Felipe de Leon, Angono Mayor Gerardo Calderon, at Dr. Larry Gabao of PNU Kislap Sining.  Nagsayaw din ang Halili-Cruz Ballet dancers at PNU Kislap Sining.