You tokneneng!

Isang araw na nag-break kami, napabili ako ng piniritong siomai. Sakto lang yun na pamatid gutom at pambara sa bibig ko na naghahanap ng maalat o maasim na pagkain.

Pero sabi ng kasama ko dun na lang kami sa underground na kainan. Sinamahan ko siya pero dahil may siomai na ako at biniling iced coffee ay wala na akong balak na bumili ng pagkain. Okay na sana ang plano kaso nakakita ako ng tokneneng o yung itlog na nilaga at isinawsaw sa harinang may artificial color na orange saka  ipinirito.

Hindi na ako gaano nag-isip bumili ako kahit isa lang. matagal na kasi akong hindi kumakain nun, since high school pa ata.  Ang madalas ko kasing naiispatan ay yung kwek-kwek (na itlog naman ng pugo ang bida). Pero actually mas gusto ko pa rin ang huli kesa sa una, nagkataon lang na na-food trip ako.

iced coffee and tukneneng
iced coffee and tukneneng

Nag-aalala ako sa combination ng iced coffee at tokneneng baka kasi mangasim naman ng todo ang tiyan ko pero carry naman.  At sa gitna ng binagoongan ng aking kasama at tokneneng ko ay nananiriwa sa aking alaalala na napilitan akong kumain ng tokneneng nang hindi dahil sa pagtitipid o gutom.

For the first and last time, nag-cutting class ako nung high school para mapanood ang ending ng Zenki. Partida may quiz pa raw kami noon sa Math pero dinedma ko kahit natatakot ako. Tiyak naman palakol ni Diva ang makukuha ko ron eh. Hehehe (babala sa mga estudyante: huwag gagayahin para hindi maging itlog ang iyong mga grades.)

Pagdating ko sa eatery na may TV, nagkukumpulan na ang mga estudyante na pwedeng nag-uwian na o tulad ko ring takas. Parang majority ata nang nandoon ay mga naglalakihang lalaki eh. Pero queber hindi ko isasakripisyo ang grade ko sa Math para magpapatalo ako sa kanila.   “Kawawa ang haharang sa akin” hehehe.

Hmmm kailangan ko makabili ng pagkain para makaupo ako o di kaya ay makakuha man lang ng magandang pwesto. eh kulang ang budget ko, kaya naisip ko umorder ng makahel-kahel (orange) at mainit na tokneneng na inilagay sa maliit na mangkok. Saka ko nilagyan ng suka na may sili at sibuyas.

Noong una nakatayo ako pero ipinakita kong nahihirapan ako sa pagkain tas nanood pa. “Ay ay naku baka matapon ko itong suka naku-naku.” In the end pinaupo ako nung nakaupo na lalake na nasa harapan ko. hehehe.

Back to present, wala namang nangyari sa tiyan ko at tiwala naman ako sa pinagbilhan namin na kainan.  ‘Yung siomai ipinasalubong ko na lang sa kuya ko na ang sabi “ay ay walang toyomansi?”

From Japan to Taiwan and South Korea, arasso!

Naiitindihan ko ang mga taong nahuhumaling sa kung anong bagay. Yung mga fans na naghahabol sa kanilang mga iniidolo, mga taong addict sa paglalaro ng computer at lalong-lalo na ang mga buwakaw sa TV.

Isa akong anime maniac noong ako ay nasa high school hanggang sa mag-college. Kahit papaano grade conscious ako noon sa aming mataas na paaralan at alam ko na mahina ako sa Math kaya kailangang mag-effort. Subalit, dahil sa Zenki hindi ako nag-take ng quiz sa math class namin.

Nakipagsiksikan ako sa mga kalalakihan sa eatery malapit sa school namin para lang makita kung paanong pugpugin nina Zenki (alagad ni Badjola) at Cherry-Nai (ang dakilang manggagaway!) ang hari ng kadiliman na nabuo dahil sa mga pinagsama-samang binhi ng kasamaan (na parang mata na kumakapit sa tao at pinapasama niya).

Zenki, BTX, Saber Marionette, at higit sa lahat Akazukin ChaCha ang ilan sa mga nakahiligang kong panoorin noong high school. Pero noong elementary mga madramang cartoons gaya ng Cedie: ang Munting Prinsipe (na pumalit sa paborito kong Batibot), Princess Sarah, The Trap Family Singer, Remi (yung lalaki ang bida). Terrible yung Remi lagi akong umiiyak doon.

Alam nyo bang may diary pa ako para lang sa all time favorite anime ko na Akazukin ChaCha

Nung mag-college naman nakikipagbangasan ako para sa Samurai X, Magic Girls, Fushigi Yuugi, Ayashi No Ceres at Little Women. Marami pa actually kasi mga 1999-2001 uso talaga ang anime. Yun din ang time na mga anime programs ang primetime ng GMA like Master of Mosquiton, Flame of Recca, Ghost Fighter, Pokemon, Master Rancher, Vision of Escaflowne etc etc.

Nauubos ang ipon ko sa kakapa-print ng mga info about sa mga pinapanood kong anime… especially sa samurai x na may collection na ako ng text, posters, cards etc. etc.

Siempre, dahil mahilig na rin lang ako sa anime, yun din ang pinili kong baby thesis ko. Queber sa gastos pero masaya talaga ako habang ginagawa ko yun. Iba pala talaga pag may passion naks! Yun din ang time na pumapasok ako sa dean’s list. Mas nai-inspire ako noon sa kapapanood ng anime kesa sa tunay na tao. Ay talagang crush na crush ko noon si Kenshin Himura (Samurai X) at Emperor Hotohori (Fushigi Yuugi), well hanggang ngayon. Hehehe

Siguro bumaba ang interes ko sa anime after kong mapanood ang Cardcaptor Sakura at Inuyasha (na lintik talaga hindi matapos-tapos sa ABS). Busy na talaga ako sa school noon saka nagpapaka-active na ako at may special someone (naks!) na walking anime din kasi kamukha niya si Yukito (Cardcaptor Sakura).

Job hunting mode ako ng unang ipalabas sa Pilipinas ang Meteor Garden. Hirap ako mag-hanap noon kasi kailangang bago mag-3.30 nasa bahay na ako (later nalipat siya bago mag–TV Patrol) at namimili ako ng company na makakauwi ako ng maaaga.

Yung una kong work nakakauwi ako bago mag-3 kaya ayos. Nung matapos yung MG 1 lumayas na ako roon. Hehhee

Pinaka-crush ko sa MG si Ximen (Ken Zhu), dahil wala lang type ko yung itsura niya. Yung kala mo henyo pero mokong pala… wahahaha

Maliban sa MG, Yung “It Started With A kiss” lang ang pumasang Taiwanese series sa akin. Na-realize ko kasi hindi maganda ang script ng mga series nila. Kadalasan laylay na ang mga dialogue, paulit-ulit yung effects (alam mo yun eksenang may malaglag kunwari tas slow motion na, tas kukunan ng iba’t ibang anggulo yung paglaglag ng bagay na iyon. Kapag ganun may mabigat na mangyayari.), saka yung acting sos, ang layo nila sa mga local artists natin.

Ang first Korean series sa bansa ay ang Bright Girl,at yun din siempre ang unang Korean series na nakita ko. Tas naging paborito ko na ang My Love Cindy (bida rin dito si Jang Nara ng Bright Girl at The Wedding ), Winter Sonata, My Girl, at Coffee Prince.

Dahil sa Winter Sonata pinapalampas ko ang Dawson’s Creek at Charmed. Nakita ko rin doon ang aking mi koibito san na si Bae Yong Joon-sama. Siya na ang pinakamatagal na artista na naging crush ko. Ewan ko ba. hahahha

Ano naman kayang susunod na mauusong foreign series sa Pinas? Well yung abc 5 nag-attempt noon na magpalabas ng mga Arabian kaso di umubra. Yung mga Mexican nawala na ng tuluyan. At dahil naman sa mga Korean series, nabawasan na ang paggawa ng mga telenobela na umaabot ng 2 years. Naaala mo ba dati, may isang serye na inabot ata ng 5 years kakahanap lang sa isang diary?