Top Things in My Bucket List: 29 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Wow bucket list! Hindi ko na naiisip yang ganyang term pero sagana ako sa career, financial, and life goals. So pagsama-samahin ko na lang at iba pa.  Masarap din kaya mangarap nang tuloy-tuloy lang wala kang inaaalang pangit, negatibo o imposible. Ang sumusunod ay 10 lang pa lang sa maraming items sa aking listahan:

Travel to Japan – nauna pa ito sa Greece at South Korea dahil nauna rin naman ako nahilig sa anime kaysa Greek Mythology at Korean series.samurai x text collection

5446643327_8dc38a67c3_b

Travel to Greece – Dagdag ko na rin sa tsika ko sa Greek Mythology ay ang Spartacus hehehe

Kuha ni Jen Syngkit

Have my Family – Kung napaplano man ito o hindi, siempre nangangarap din akong magkaasawa, magkaanak (2-3) o magkapamilya.

Mother and Child by Napoleon Abueva
Mother and Child by Napoleon Abueva

Go Solo – Ma-try lang habang wala pang asawa at kung ma-afford ko. Na-try ko na rin mag-freelance at mag-business, ito yung next level kung baga. Gusto ko ma-try manirahan sa Baguio, Eastwood (Quezon City) o lugar na fresh ang paligid pero may access man lang sa pamilihan at maayos ang Internet connection. Hindi ko pa alam kung kaya ko mamuhay sa ibang bansa.

a tree house sa PMA, Baguio

Bonggang –bonggang Hoshilandia!

Host and produce radio talk show – Posible siguro ito sa podcasting pero okay din ako sa traditional.  Ayoko yung DJ type mas gusto ko feature o magazine show gaya ng ginagawa ko sa Hoshilandia.cassete recorder

Established business – marami akong ideas at nasubukan, kailangan ko na lang talagang i-all out na. Hopefully company na maayos either as a solopreneur or partnership with my sister.

To become a best-selling book author or independent film screenwriter –   Actually okay na sa akin ang makapaglathala lang ng isang book. Pero bakit ko naman masyadong ili-limit sa ganoon di ba? Ito-todo ko na! Bookworms 2

Aware ako sa works nina Paul Soriano, Jose Javier Reyes, Michiko Yamomoto, Chris Martinez (Ang Babae sa Septic Tank), Roy Iglesia, at Ricky Lee.   Siempre gusto ko rin mag-mainstream kaso para mas may freedom at leveling ay sa independent film industry ko gusto mag-start. Mas type ko  makagawa ng istorya na comedy, fantasy and action…ako na lumaki sa anime.

To become financially at peace – Though na-mention ko ang maging millionaire, it just a level/ point to beat para may deadline or measurement.  The ultimate financial goal for me is to enjoy financial freedom.  Kung pagbibigyan ako na maging bilyonarya, why not? Pero ang gusto ko lang ay if something happens good or bad and opportunity or adversity may madudukot naman ako para sa akin at sa pamilya ko. I hope money works for me, not the other way around. Wala akong balak na maging alipin, maging ganid, at masilaw sa pera.

Ma-meet and greet in person sina Henry Cavill, Ariel Lin, Jang Nara, Lea Salonga, Kristen StewartKate Winslet, Jennifer Garner, Warren Buffet, George RR Martin, and  JK Rowling.

 

Wild-Wild Wish

Yeah, yeah dahil magastos at may mga anik- anik na saloobing di ganoon kagaan para sa mga di na bata-batuta. ay bakit hindi ko naman pagbigyan ang aking diwa na mag-isip na maganda at yung bahala na kung magkakakatotoo o hindi (pero sana di ba?!). Hindi naman ako basta nagpapaka-isip bata ano? Gusto ko lang maging optimistic sa buhay. hehehe! So heto ang aking mga nais na mangyari sa ngayon at sa mga susunod na araw sa 2010. todo na ito!

> Ang matatanggap kong regalo sa exchange gift namin ay ang copy (ORIGINAL) ng Dirty Dancing 1 ni Patrick Swayze at Step Up 2. Kung kinakailalangan na papiliin sa dalawa, siempre ‘yong una. Pero mabuti kung dalawa para sobra ang giling-giling.

>Babalatuhan ako ni Manang Juling sa kanyang raket at hindi n’ya muna ako kukunan ng “entrega, kahit nitong akinse lang.

>Maisasakatuparan ko na ang aking d’ project

> Gigimik kami ng mga barkada ko noong high school kasama ng aming fav. Teacher.

> Magkakaraket ako (part time) dalawa- isa online at isa production

> Bobongga ang sales ng aking (personal) business lalo’t Pasko at magbabagong taon

> Makakapag-out town kami ni Syngkit, ‘yong may isang dekada na naming plano… panahon pa ata ng Harry Potter and Sorcerer’s Stone ‘yon e

> makakapagbawas ako ng timbang mga 2-3 pounds

> Matututo na akong magluto ng Tuna Pasta, Salad, Sinigang Baboy at ng paborito kong Champorado (‘yong pang world class).

> Mailulunsad ko na ang aking Small but Big dream site with my friends

> Bibilis na akong kumilos, lalo na sa umaga.

> Pormal na akong makakapag-aral ng trip kong short course

> Mabubuksan at makakapagdagdag ako ng bintana sa Purple Nassau

> May magbibigay sa akin ng round trip ticket pa-Davao, Palawan at Batanes

> Mayroon din sa ibang bansa – Greece, Rome, Japan, South Korea, London etc. (siempre pinakaposible ay sa Dubai at New Zealand)

> Mapapanood ko ang pelikulang Nine tas susundan pa ng marami pang pelikula.

> Makikita ko na ang aking lost long best friend noong elementary

> Marunong na akong mag-gitara at mag-keyboard

> Bihasa na sa photoshop at video editing

>Ko-Quota na ako, sobra pa! yahoo!

> Makasulat ng isang best selling children’s book (sana lang ay maayos ko ang diction ko, barubal eh)

> Maging matatas sa Nihongo, Spanish, Korean, French, Mandarin, Waray, English at Filipino (bakit si Natalie Portman lang ba ang may kayang maging multilingual? Ako rin with matching hand movements pa!)

> Kaya ng makipag car racing kasi may sasakyan na e. (para naman ma-apply ko ang galing ko sa Need for Speed)

> Maka-one on one (ala Ricky Lo Exclusives) sina Lea Salonga, Sharon Cuneta, Apple de Ap, Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos, Jericho Rosales, Mr. Felipe Gozon at Freddie Garcia

> Pa-picture kina Ariel Lin, Jang Nara, Jennifer Garner, Katie Holmes, Demi Moore, Shakira, Beyonce, Jennifer Lopez, Catherine Zeta Jones (crush ko beauty ni lola), Drew Barrymore, Ellen Page, at Kelly Clarkson.

> Pa-picture with kiss and hug kina Daniel Radcliffe, Robert Downey Jr., Johnny Depp, Leonardo Di Caprio, Won Bin, at siyete kay Ultimate Crush Bae Yong Joon. (Kahit iyong sa una’t huli lang solve na, value meal na value meal)

> Makapag-invest ng bahay (okay lang din ang condo, mas gusto ko lang may naapakan na lupa paglabas ng bahay at mapagtataniman)

> Kahit least sa priority ko, makakabili ako ng laptop (na may libreng refrigerator at TV) para makapagpabarya.

> May wiling magbayad para lang kunin ang serbisyo at ilan sa intellectual property ko para gawing film, gag show at TV commercial. Sobrang gusto ko mag-work sa Bubble Gang at makagawa ng TV ad.

> Ok fine…Magkakaroon na ako ng Mr. Hoshi- na ang edad sa akin ay parang kasing laki ng agwat ng edad nina Kaori at Kenshin Himura, kasing guapo at maalalahanin ni Hotohori, kasing suplado ni Touya, pero kasing bibo ni Master Jericho. ‘Yong antas ng mentalidad at sense of humor niya ay parang kina Gurong Seravi at Dr. Hokoto. Tapos yung relasyon namin parang kina Tomomi at Yuya Noda lang.

Dagdagan ko pa ito kaso ‘wag na masyado ng personal, pang-diary na dapat. Wild ba o kengkoy lang me?