Tweets of Mind & Heart

habang semi hiatus ako sa hoshilandia.com at panaka-naka with pabugso-bugsong appearance ako dito ay extra active naman ako sa Twitter. Yes my follower (binabasa mo naman ito di ba so pina-follow mo ako), mas nag-e-emote ako sa Twitter kaysa Facebook na ginagawa ko na naman na gaming show dahil nakahanap na ako ng alternative sa defunct cooking apps na Restaurant City – ang Cafeland.

dahil dyan feeling pantas ang hitad na katulad ko na trying hard to post pa in English at supah put ng hashtag to make my tweets nicer. Pero Day & Dong ha, katuwa rin kapag may nagre-retweet kahit di mo know or follower.  And minsan, pina-follow  ka pa nila because of your amazing tweets kahit parang sa hangin mo lang hinugot, ma-error at ahemmm sablay sa grammar. oh well…

Twitter

Vanessa favorited your Tweet
31 Aug:

#LettingGo is the #key for moving on. Life is too short to focus on one person.

Vanessa

Krisette Capati favorited your Tweet
31 Aug:

writing is not only^about^ #info, #grammar, and #messages– it’s also a #therapy.

Krisette Capati

 retweeted you
23 Aug:

don’t say being #single is an unhappy status when you are in a #miserable #relationship.

 

Pecinta Movie and Kirsten Jones retweeted you
10 Aug:

New sched tom., if it works…yehey! I’ll see #sunset everyday! more time for #blog #arts #movie #writing and #humaninteraction

Pecinta Movie Kirsten Jones

Backpacking and thevoyagebegins retweeted you
29 Jul:

The best #photography is not about owning high tech #gismos its having good subjects. where to find good subjects? #travel

Backpacking thevoyagebegins

Meann Deblois retweeted you
28 Jul:

Post content that’s not only compelling but also readable. #SEO #Blogging

Meann Deblois

Vanessa retweeted you
9 May:

make it a habit to stay #neutral and #objective…at least before taking side. it will keep you ^away^ from harm.

Vanessa

 

  • facing #financial woes is like facing mountain. it’s gonna be huge for you unless you’re determine to conquer it…by actions

my #friendship is not bound of who or what you hates, it’s about how you relate with me. I’m Happy to have numerous #friends in Life

when it comes to admiration, don’t be like a local #telcom– wrong/no signal. when it comes to #love– wrong send.

I don’t think there’s such thing as #commonsense

  • Saying Hi everytime you see him/her doesn’t mean your flirting, it’s a good gesture #basicinstinct

Why I keep #Sparkbook? to count my blessings when I feel like I’m a #Loser

Hangganan

nakakapagtaka na may taong akala mo naiitindihan mo pero yun pala ay ikaw pala ang hindi niya iniintindi. para bagang, kahapon lamang nagkakatuwaan kayo at tinutulungan mo siya pero dahil sa isang tao ay iiwan ka n’ya. pagkatapos, mararamdaman mo na lamang na handa ka n’yang isakripisyo alang-alang sa iba.

masakit pero sadyang ganyan ang buhay. kung tama ang wikang paraya, ‘yan ang dapat gamitin na linya. kung sa simula ay iniitindi mo siya, ngayon kailangan mo na rin siyang unawain. Pero hindi rin naman ibig sabihin na naiintindihan mo ay umaayon ka na sa hindi mo gustong ipinapakitungo niya. Pinapalaya mo lang ang sarili mo sa ideya na magkatulad kayo dahil ang totoo ay hindi.

Isa lamang siya sa mga taong kailangan mong makasalubong pero hindi mo makakasabay sa iyong patutunguhan. May hangganan ang inyong pagkikita at pagsasama. Mahirap siyang akayin dahil mahirap magsama ng taong, ayaw sumama at pahihirapan ka lamang sa iyong paglalakbay.

ganun din naman siya, kailangan niyang maglakbay sa direksyon na nais niyang tahakin. wag lang sana siyang madapa at magsisi sa bandang huli.  Dahil ang pagkakataon, minsan lang dumarating. at ang taong tulad mo ay hindi na babalik kagaya ng dati.

 

 

 

learned behavior

ni ate jevs

1. now is the time – gawin na ngayon para hindi abala bukas, wag matambakan ng papel at maiwasan ang bad exercise ng puso.

2. don’t frustrate yourself – madalas ang nagbibigay sa’yo ng stress ay ang pagpi-pressure mo sa  sarili mo.

3. courage is vitamins, faith is your life support – madali ang panghinaan ng loob pero kung matapang kang i-solve ang yong problema malaki ang chance na malalagpasan mo ‘yon. Kung naniniwala ka, gagawin mo ang dapat kahit mukhang hopeless.

4. plan and act – ideal ang magplano muna pero kung walang aksyon, balewala. iba ang definition ng dream at goal sa imagination.

5. like it! – bago magbunga ng maganda , i like mo ng totoo sa puso mo.  Imagine yung mga nagki-click ng like sa status gaya ng ” I’m broken hearted.” ang labo!

6. bad wish is curse – kung ano ang sinasabi ng yung bibig ay dikta ng iyong puso. Kung ano ang hinihiling mong masamang mangyari, baka ibigay sa’yo. at kapag ibinigay sa’yo, hindi mo na mababawi kung ano ang sinabi mo.

7. letting go is liberating – waste of time & energy kung papatulan mo ang lahat- lahat!

pagninilay sa Christmas & b4 mag-NY

%d bloggers like this: