Video Blogging is On, Hoshilandia anniv

Nabanggit ko na nung nakaraan na interesado ako sa video blogging ( a.k.a. vlogging at  good thing din na may sunod-sunod na event.  Although matagal na akong nakakapag-upload  sa aking Hitokirihoshi YouTube Channel  (please subscribe for more updates) ay  hanggang upload  lang  talaga ang ginagawa ko. Queber pa ang editing and pag-iisip kung ano ba ang core ng video blogging or vlogging.

Honestly, hindi ko alam kung maka-career ko ito nang bongga o mabenta kaya ang aking simple ideas.  Buong pagpapakumbaba ko rin naman na aaminin na hindi kagandahan ang aking mga shots at pagkaka-edit ( sana may mahanap akong mas magandang video editing software). Anyway apart sa nasa early stage pa ako, what I am trying to achieve so far is parang maka-documentary type muna at kung sa klase ay gusto ko talaga ang magazine type talk show . Iyong halos same wavelength ng Hoshilandia Jr. and Sr na hindi lang  nakakatutok sa isang niche at giving tips.  Siempre  paangangatawanan ko pa ang pagiging anonymous blogger ko daw. Though I like credit, hindi rin talaga ako sanay na makita ang fez ko online ( not a fan of selfie) siguro sa big screen na lang choz!

Just to share,  itinaon ko itong “extracurricular activity” ko sa 6th anniversary ng  Hoshilandia(dot)com.  If you have other suggestions and tips sa mga mapapanood ninyo go give it to me bebe. :p

My interview with Jericho Rosales

Note: May part dito na mahina ang audio at slide show kasi that time sumuko ang memory card ng cam. palit-palit mode ako. Kung mapapansin n’yo rin dami marks, nahuli ko kasing malaman yung paglalagay ng logo. Nagawa ko na yung buong video bago ko pa nailagay.

 

 

Sea-Ex: The 8th Philippine Boatshow & Nautical Lifestyle Expo coverage and interview with HeadSail, Inc. Pres. Angelo Olondriz

Coverage of the Philippine Programming Challenge 2015 Challenge 2015 and my interview  eputy Executive Director Monchito Ibrahim of Information and Communications Technology Office of the Department of Science and Technology (DOST-ICTO).

7 years of Blogging: 7 Years of Asking

7th anniversaryHindi ko pa natatapos yung follow up ng 7-day gratitude challenge, bigla akong binulaga ng WordPress with their greetings – Happy Anniversary. Wow sakto 7 years na pala ang KwentotPaniniwalaNiHitokiriHoshi!

I was planning to start Vlogging

May time noong  August na I’m so into Youtube ( Please subscribe to Hitokirihoshi’s Channel)  at gusto ko mag-level up ng Vlogging.  Naisip ko sakto nitong ngang October ay anniversary ng blog na ito.  Pero ano naman ang ibi-video ko?  Eh di pa sapat ang kapal ng mukha ko ( mga 3 inches pa) para magbida- bida sa video series ala SuperSelfie or Mike Bustos.  Ayoko rin naman simulan ng walang plano at baka hindi ko ma-sustain. Pero let’s see sa pagtuntong ko ng 7 years sa blogging baka magawa ko na. Gusto ko kaya ang dance video hohohoh!

KwentotPaniniwalaNiHitokirihoshi vs. Aspectos de Hitokirihoshi

Honestly di sila mga blog? ano sila? Pusa! hehehe! social diary,  online Journal, Personal Magazine at eTerritory! Ang totoo mahirap mag-maintain ng 2 blog tapos halos magkapareho yung atake pero  sa hoshilandia.com ako mas active. Mas pinapairal ko yung utak ko dun kahit sablay at dito naman ang aking puso, kahit bato. Pero pagdating sa stat, friendship, visitors at post, panalo ang Kwento. Anyway hindi naman ako prolific blogger, I can’t write everyday. Yun din siguro ang lihim ng aking longevity sa blogging.  I blog to inform, to entertain, to serve, to too.. pero not to impress and to pressure myself. So far, I’m happy na may napapala ako at siguro may nahipo (touch baga) sa aking blogging.

Ate  Jevs’s Column?

Kahit years na ang mga posts ni Ate Jevs,  natutuwa siya dahil may mga nagko-comment at humihingi ng payo.  Yun din ang isang ikinakatuwa ko sa blog na ito. May napag-uusapan at may natutulungan

Creating another Blog Contest?

Nakakatuwa yung Blog Life Contest, ibang experience at  na-touch ako sa feedback and result.  Let’s see, sana may makuha akong sponsor at mas malaki pero intimate pa rin ang dating. Yung klaro pati sa akin yung plano na yan, hahaha!

Am I better now?

Hindi ko alam bilang blogger kung talagang may progress ako.  Hindi pa rin naman ako yung talagang all out, popular, earning at nai-interview sa Ellen de Generes o kahit man lang sa Kapuso mo Jessica. Pero ako mismo, feel ko yung nabago sa buhay ko dahil naging blogger ako.  Nandyan na yung  social life, online and offline. Ini-email ka na ng mga ganitong company for ads, partnership or events. Yung mas lumawak ang pang-unawa ko sa social media, eBusiness, digital marketing, mag-crop ng picture, magpoto-photography at kung ano-ano pa dahil uma-attend ako ng mga events/ seminar. Pero sa totoo, ang nagpapasaya sa akin ay magandang comment na sincere.  I feel better pag may na-inspire o natulungan dahil lang nabasa ang isang blog post ko.  Dagdag na lang dun yung baka sakaling maging milyonarya ako.

 Who’s who in my 7 years of blogging?

Marami akong gustong pasalamatan at nami-miss.  Ayokong mag-isa pero sa 7 taon na ito halos walang natira sa mga una kong nakilala. Even yung blog mentor ko o yung taong nag-aya sa akin na mag-blog, hindi na active.  Pero thank you sa lahat ng mga kapwa ko bloggers na bumibisita at nagbibigay sa akin ng lesson at social life. Maging din doon sa mga visitors ko na nagko-comment at hindi.  Kayo ang langis sa aking pagtipa sa keyboard para mag-blog nang mag-blog.

What are my plans for my blog life?

Walang eksakto kung ano, kailan at paano sa future ng aking pagba-blog.  Bakit pa siguro meron kasi may mga rason at nabubuong dahilan bakit ayokong tumigil mag-blog.  Enjoy lang at Happy Blogging ang drama. Basta masaya lang, yun ang ultimate goal.