My Bus Delights

Si Hoshi pinipili ang bus kaysa makipagsiksikan sa Tren/ hindi sa walang poise o “MRTe”,  feel ko domodoble lang kasi stress ko

kaya di bale nang mag-maaga at lumaki ang puwet sa kakaupo/ di naman nakikipag-away sa kapwa babae, mausog kahit hindi ka nanglalakad

isa pa, isang bus lang naman ang papunta’t pabalik  sa amin…2 hours lang at 30 mins na hintay makipagsakayan. mas maaga sa rush hour, mas prente. problema lang ay  pag dumating na ang tag-uglan baka 4 hours na ang byahe ko. wag naman-wag naman…

ang mga sumusunod ay hango sa mga pangyayaring naririnig ng aking tenga na kumiliti sa aking diwa..

Hotttt Peanut!

natural natutulog ako nang magising na nakikipag-away ang isang ali sa kondoktor. May kinalaman ata sa sukli o  pangangakong lugar na pagbabaan sa kanya. (wala pang Bus segregation that time)

eh biglang may vendor na umakyat at sumigaw ng pagkalakas-lakas

Vendor: ahhh Maiiinittt na Maniiii

Hoshi (nawalang antok na natawa)

Groggy ba?

ito tumabi sa akin, nakikipag-usap ata sa gf nya

si kuya: Groggy ba?

Hoshi (isip-isip pasyente o addict)

si kuya: Groggy ba ako sige lilipat ako ng puwesto baka luiminaw

Hoshi: ah Yan ang addict sa Phone!

I’m Sweden este Switzerland

ayoko sa tatluhan lalo na sa gitna puwera kapag malamig sa bus. paano kawawa ako pag 2 mataba ang isiksik ako o kaya 2  palengkerang sabay na may kausap sa phone

ale 1 with phone in my right : kumusta na yung pinapadala ko sa iyo na pera

ale 2 with phone in my left: naku nakagat ng aso!

hay thank you earphones nagkakaroon ako ng sariling mundo.

The Bus!!!!!

Kahit ano sinasakyan ko pa-puntang work pero isa lang ang choice kong sakyan pauwi at dahil dyan ito ang sunod na kuwento….

  •  Malubha na ito

Love na love ng mga Pinoy ang pagpapaiksi ng mga salita. Okay naman siya depende sa sitwasyon. Pero parang weird lang pag lugar na ang pinag-uusapan

Kong, Doktor: San ‘to ( habang piniplip na ang pera sa kanyang mga daliri)

Binata, Pasaherong: Malaria (Caloocan via Commonwealth Ave.,) boss!

Kong Doktor: Galing?

Binata, Pasaherong: Kidney (or National Kidney Transplant Institute na hospital sa East Ave., at kahilera rin ng Lung Center of The Philippines at Heart Center)

Hoshi:  (na kanina ay nakatulala) whoooh!

  • Sizzling Hot

Nakaka-tense din ang maka-witness ng mga eksenang sagutan sa loob ng bus. Pero ito, nakakawindang nang tunay…

Galit na galit si Ale dahil ang layo-layo ng pinagbabaan sa kanya ng driver. Tinatalakan nya talaga ng kondoktor at ang driver sa unahan.

Ale: Kanina pa ako para ng para hindi ka humihinto.

Driver: Misis hindi  ko po kayo puwedeng ibaba dun dahil may nanghuhuli

Ale: (tatatatatatattttt)

Hoshi: (nakatingin lang ng parang nanood ng sine nasa bandang unahan kasi)

Tindero: Ahhhh Mainiiiiit ng Mani! Mani kayo dyan, ahhh maniiii!

Hoshi: Sakto  ang banat, mainit nga!!!!

  • Sinong mas mayaman?

Nagkukuwentuhan kami ng isa kong ka-opisina nang sumabat ang kondoktor…

Officemate: mahal na ng pamasahe ngayon.

Hoshi: hoho nga

Kondoktor: buti nga kayo nag-oopisina

Officemate: ikaw nga laging may dalang pera sa kamay e.

Kondoktor : kayo walong oras lang pasok, kami mag-hapon.

Hoshi: kayo nga libre pamasahe e, balik-balik pa

(Hayun balik sa may pintuan si kuya).

Ma, fara fo!

Masarap umupo sa unahan ng jeep or FX. Okay na okay rin ang umupo sa tricycle kung saan sumasakto ang pwet mo at umiindayog kapag idadaan ng driver sa humps ang kanyang mga gulong habang ‘di naman malaman kung saan direksyon ipinapadpad ng hangin ang mga hibla ng iyong buhok.

Pero ang isa pang nakakanakaw ng eksena, bukod sa beautiful scenery ng traffic, ay ang tumatangong-tangong aso o tiger na display ni manong sa unahan. Subukan mong gayahin at tiyak hindi mo na mararamdaman ang traffic, kahihiyan na lang. hehehe.

Pero okay din ang mga drivers o may –ari ng sasakyan na sa tula inilalabas ang kanilang imahinasyon. Tamo, makakakita ka ng mga stickers na may caricature na babaeng nakabuyang-yang o guhit lang ata ang saplot sa katawan then may mga quotes pa.

“Basta driver, sweet lover”

“Driver na may bigote, magaling sa diskarte”

“Pag pangit doble (bayad), pag maganda libre, pag fungi patay (ads na ata ito)

Sobrang naaliw ako one time sa isang tricycle papuntang ecopark. Kabit-kabit talaga ang mga saying niya na nakapaskil at okay na okay ang mga rhyme huh! Sana lang nga eh nakunan ko ng picture.

Naisip ko tuloy, ganun ba ka… si manong. Pero in fairness talagang agaw pansin ang mga nakadikit na stickers. Pero teka pwede bang gumawa rin ako ng quotes para sa kanila?

“Driver na kaskasero sa kubeta ang diretso”

“Jeep na punong-puno ng pasehero, may driver na nakakalbo”

“Driver na ayaw magpasabit, galit sa may anghit”

“Pasaherong tutulog-tulog, nagdadrama sa konduktor” (teka pang bus pala ito)

“Gwaping na kasakay, kay manong gustong umakbay”

“Lalaking bumubukaka, nasisikipan ang kargada (hmmmp)

“Babaeng nanahimik, naninikip ang dibdib” (hmmp ulit)

“Taong maalahas, sa magnanakaw malakas ang hatak”

“BARYA LANG SA UMAGA, kung ayaw mong mabanas mag-hapon”

“BAYAD MUNA BAGO BUMABA, dahil ‘pag hindi itutumba ka” (joke!)

“Pasaherong aanga-anga at “ha ng“ha?’, may nakasukbit (kasi) sa tenga

“Ang nagmamadaling sumakay at bumaba, nanlaslaslas ng bulsa”

“Batang bulakbol sa pag-aaral, nagiging estudyante sa jeep” (charot!)

Yun lang!