pinaiyak ako ni Sarah

noong sat naisip ko manood naman ng TV. palipat-lipat, wala akong magustuhan na palabas. hanggang sa napadpad ako sa Studio 23 kung saan ipinapalabas ang Sarah Ang Munting Prinsesa starring Camille Prats (as Sarah), Jean Garcia (Ms. menchin), Rio Locsin (Amella), Angelica Panganiban (Becky), at Mat Ranillo III ( Sarah’s father).

maraming bagay ang nagbalik sa aking ala-ala. noong pinapanood ko pa angversion nito na cartoon. na paborito ko noon si Camille dahil cute siya at magaling sumayaw. na nakasabay ko pa noon si Angelica nang manood ako ng Magic Temple, na ang bata-bata ko pa noong time noon.

aaminin ko medyo naluha ako. kasi noong sarah days pa ay black and white pa lang ang TV namin (kasi yun lang meron), nagmamadali akong umuwi at para maunahan ang mga kapatid ko sa panonood, tas siete ilang taon na ba ang nakakaraan. si Becky ay si Rubi na. hehehe

pero pagkatapos kong medyo maluha, napangiti ako. at bakit? kasi tingnan mo nga naman pinanood ko na siya sa sarili kong TV na de-remote control pa. kahit sabihin nating tinawadtawarn ko sa ate ko ibenta lang sa akin ng mura. hehehe

Kagabi nga wow na wow at proud na proud ako sa jabbawockeez kasi hindi lang sila champion sa first season ng America’s Best Dance Crew kundi sila ang top 1 sa Top performers sa ABDC  sa loob ng 3 seasons. at ang nag-tsika noon ay si Randy Jackson. yeah!

So, what’s the latest?

NAA-AMAZE ako sa sarili ko dahil hindi na ako gumon (addict) sa TV. Dati kasi from 5 am to 12 midnight ay halos alam na alam ko ang mga programa sa dalawang nag-uunahang TV Station sa bansa.

Naalala ko pa na kahit mga kuya kong maton, napapatiklop ko ‘pag talagang nagagalit na ako dahil hindi ako makapanood. Nung grade 3 naman ako, pinaghahanap ako minsan nina Manang Juling at Bestfriend, hindi pa kasi ako kumakain at umuuwi gayong mga 9pm na noon. Iyon pala ay nakikinood ako ng TV sa kapit-bahay namin. Madali lang naman ako Makita eh meron akong watching position.

Dahil din siguro sa kapapanood ko may alam na akong mga mature topics. Nakakapanood na rin kaya ako ng “Melrose Place” at “Baywatch” noong grade 3 ako. Tas siempre damay pa diyan iyong kailangan ko munang manood ng news bago ‘yong primetime programs. Kaya nga noong mga panahon na ‘yon ang katsika ko na ay iyong kapitbahay naming na Magna Cum Laude (masabi lang no!? hahaha).

Noong high school kung ‘di ko tinatakasan ‘yong service namin, ay nagpapagabi ako ng uwi. Nakikinood pa kasi ako sa mga kaklase ko. Kasi kung uuwi ako kaagad hindi ko maabutan ‘yong pinapanood kong anime. Tas iyon na nga, dahil sa isang palabas nag-cutting ako sa klase, nagbiyahe pa sa Maynila mula QC, humahangos palagi para makauwi at siempre nagpupuyat ng todong-todo. May time pa nga na wala akong social life dahil mas gusto kong kaharap ang TV kaysa tao.

Teka, kailan nga ba ako nawalan ng gana manood ng TV. Sa pagkaka-alala ko, nagsimula iyon nung maging ratings conscious ang dalawang istasyon. Kasi dati kung magpaparinigan sila, minsan lang sa isang araw eh na-addict ata , pataasan na ng ere per gap. Malaking factor din na busy ako sa work.

Siguro in a way naging healthy naman ang naging bunga noon, kaso parang nakakaumay, daig pa ang commercial. Magkagayon man, nagamit ko naman ang pagiging addict ko sa TV sa maraming pagkakataon sa aking karera.

Basta for me, pagdating sa entertainment and acting, mas magaling ang Kapamilya and kung news, special effects (telefantasya), creative gimmicks doon naman mahusay ang Kapuso.

Whether, nag-mature na ba ako o naiiba na ang hilig ko, malaking ginhawa talaga na hindi na ako ganun ka babad sa TV (naku aayon malamang si Manang Juling dito hahaha). Marami pang bagay akong nagagawa na mas nakakaaliw at kapaki-pakinabang.

Dawson’s Creek and Joey Potter

Maliban sa anime, nawili rin ako sa kapapanood ng youth oriented shows. Nandiyan ang Gimik, T.G.I.S, G-mik at Click pero wala na atang mas espesyal at tatalo sa pagkahumaling ko sa Dawson’s Creek (DC).

Unlike sa mga local shows, sariling discovery ko ang DC dahil napanood ko ang teaser nito sa ABS at ipinapalabas siya nun sa Studio 23, every Monday at 8pm. Nung high school wala akong nakilala na nanonood din ng DC. Halos lahat kasi ‘pag ‘di naikwento sa akin, ay nakikinood na rin lang ako ng show kasi yun din ang ginagawa ng mga friends and classmates ko.. (ano yun peer pressure?)

1998 nang iere ang programa and that time nasa 4th year high school na ako. Medyo saliwa ang timeline namin ng programa kasi yung mga bida nasa sophomore pa lang nun. But anyway, talagang nasasakyan ko ang trip nila saka ‘di ba mas liberated and mature sila., plus sa totoong buhay ay mas matanda sila sa akin. Si Kerr Smith (Jack McPhee) ay 26 years old na nang pumasok sa DC pero yung character niya 16 years old lang.

Dati nga grade 3 pa lang ako ay nanood na ako ng Melrose Place at Baywatch. Pagkatapos kasi ng Ewoks yun o ng first ever X-Men.

Sobrang naka-relate ako sa character ni Katie Holmes (asawa na ngayon ni Tom Cruise) na si Josephine “Joey” Potter. (actually wala ng iba pa!) Boyish, conservative, skeptical at brainy siya. Parang may pagkakahawig kami kung mag-isip pero siempre hindi naman ako yung katulad na katulad niya.

My most favorite scene ay nang kumanta si Joey ng “Own my Own” (from the play Les Miserables) para sa talent portion ng sinalihan niyang contest. Na-amaze ang best friend niyang si Dawson dun dahil siguro talagang nag-transform ang kanyang beauty. Dun na rin unti-unting na-realize ni mokong na ibang level na ang love niya kay Joey. Agree ako sa litanya ni Joey (although kinikilig na ako) na yung make-up at yung magandang ayos niya ay para lang sa araw na yun… bukas balik na naman siya sa usual na joey at mas maganda kong maa-appreciate siya sa natural niyang itsura at personalidad. (ako ba ito?)

Pareho rin kami ng paboritong novel ang Little Women. Dito binase ang pangalan niya, sa heroine ng nobela na si Josephine March. At pare-pareho kami ng naging career ng kinalaunan… Promise, ni hindi pumasok sa kokote ko noon na magiging inventor ako ngayon.

Di ko rin alam kung nagkataon, na-inspire or talagang trip ko lang na mas matanda rin ang type kong lalaki. Si Josephine nakatuluyan niya ay isang guro, tas sa season 5 ng DC na-in love din si Joey sa kanyang professor. Naku, huli na pala ang lahat sa akin kasi graduate na ako… saka sa bagay malabo rin kung tutuusin, karamihan ng prof ko bading saka weird hehehe.. choriii chorrii. Basta may kilig factor rin sa akin yung affair nina Joey at nung prof niya… tas in fairness may itsura pati yung actor na gumanap na prof.

Tinanong ko rin sa sarili ko kung may chance ba na parang may tipong Dawson-Joey-Pacey love triangle ako nung high school… (sirit! di ko na sasabihan, akin na lang yun). Sa tanong na sino ang mas gusto ko para kay Joey? Honestly, dati di ko masagot yun. Di ko kasi type ang itsura ni James Van Der Beek (Dawson Leery) at parang ewan naman ang character ni Pacey Witter (Joshua Jackson). But later on, agree ako sa sentiment ng aking isang friend na kapag si Pacey ang kasama ni Joey, wala siyang eklabu sa buhay, totoong totoo siya sa sarili niya. Parang ideal partner sa kanya si Dawson pero si Pacey naman yung … ewan, di ko rin alam ang tawag. Hehehe…

Nung college laman naman ako ng booksale store, kakatingin ng magazine kung saan na-feature ang DC o si Katie Holmes. Yung mga pagmumukha nila ang pambalot ko sa mga books ko at kahit saan na puwede kong isalampak ang mga pictures nila. Ang Dawson’s Creek album din ang first na nabili kong cassette tape (mas tipid kasi nun ang tape saka orig pa..) Yung site din nila ang madalas kong i-surf para updated ako sa episodes at chika sa kani-kanilang buhay. Gulat nga ako nang maging sila Katie at Joshua sa totoong buhay.

Nagkaroon din ng syota si Joey na naging bading in the end… sayang nga eh kasi gwapo si Kerr. Naalala ko yung eksena na dino-drawing ni Joey si Jack (Kerr) nang nakahubad, mala-Titanic… ang cute!

Pero kung ako yun, okay lang na medyo bading ang syota ko. Baka makalibre kasi ako ng make-up at gupit pati na ng foot spa (joke!) Naisip ko na kaya yun, ako yung magwo-work si girlalu ang nasa bahay at sa parlor business namin. hehehe

Nung una akong makabili ng VDC copy ng DC sa Odyssey (siempre original yun no) at na-excite akong panoorin yun… kahit di ko favorite ang mga episodes. Na-realize ko na, okay din pala ang character ni Dawson na nangangarap maging film director. Ako naman gusto ko commercial lang muna. Parang kailangan dumaan ka muna sa maraming hardships and criticisms bago mo mapagtagumpayan ang dream mo.

Nakakatuwa na na-experience ko rin yung gumagawa sila ng short film na about sa love story rin nila ni Joey. Nung college kasi , ako yung assistant director and scriptwriter ng short film namin na pang bading din ang story… (talagang di pa raw ako tapos sa kabadingan. Hehehe). Alam mo yung pagko-conceptualize, yung mismong shooting at hanggang sa huling sandali sa editing studio. Sama nga ng loob ko noon, kasi ang credit ko lang ay ang pagiging assistant director, eh akin kaya ang idea ng story… kaya dapat scriptwriter din. Wuhuhuhu… (yan ang sinasabi ko e, sa mga section 1 and section A mas nakakarami ang mapapel!) Basta na-inspire at maluha-luha ako nung mapanood ko yung episode na yun… siguro kasi iyon din ang time na muli kong napanood yung program after 2003.

Naalala ko rin na gilting-guilty ako noon kapag napapalampas ko ang DC para lang sa Winter Sonata ni Bae Yong Jun ko. Pero ngayon makakabawi na ako, meron na akong buong season 6 (yahoo!!!) Talagang ire-rekomenda ko ang DC kahit sa mga younger generation. Of course, may mga ilang eksena na dapat hindi ginagaya, like yung mga patungkol sa sex.. pero in way kasi nagtuturo din siya ng aral at pang –awareness lang ang mga yun.

Masasabi ko na sobrang na-touch ako ng program na ito and big part siya ng teen/college years ko… Dito nagmula ang mga fashion ko (noon), yung reaction ko, saka inspirasyon ko sa pag-aaral at buhay. Naiyak ako nang magsara na ang programa na para bang tapos na rin ang pagiging bata ko.

Pero okay naman sa akin ang ending at saka yung mga pinuntahan ng characters, although namatay si Jen Lindley (Michelle Williams). Hahaha, si Jack nakatuluyan yung cop na elder bro ni Pacey (ang mga hitad sa dalampasigan pa nag-lambutsingan!)

Siempre, kung ang baby thesis ko ay anime, ang pinaka solo thesis ko naman ay “Youth Oriented Shows: Effects on Teenagers’ Values and Intellectual Development.” Like dun sa una, bawat ginagawa ko sa second thesis ko ay okay… malaki man ang gastos at pagod ko. Di ko nga alam kong paano ko napasagot ang may sobrang isang daan na high school students from three different schools. Saka wala akong tigil sa kaka-research. Bakit ba eh gusto ko naman ang nalalaman ko?! Naging pal ko pa nga yung isang librarian namin dahil nahilig naman siya sa isang youth shows nung 80’s. (Eddie nakatipid nun sa kaka-print at kaka-research Hehehe..)

Sana may ganun ulit na program (kahit hindi ko na siya mapanood)… yung hindi puro kalandian at pagpapapogi lang ang ipinapakita. Wag naman sanang ipamukha sa mga kabataan na pakikipagrelasyon at pagsunod sa uso lang, ang mukha ng teen years. Sana tulungan din sila sa pamamagitan ng mga characters at mga istoryang tumatalakay kung paano nila i-develop ang kanilang personality. Tas bigyan ng mas malalim na focus yung pag-cope nila sa mga problema at kung paano nila abutin ang kanilang mga pangarap, i-inspire sila kung baga.

Sus tantanan na yung “rich boy meets girl,” “sobrang gwapo ko, love triangle tayo,” “Bro and sis, inggit ako.” Saka ang mga geek ngayon, hindi na halos nakasalamin… palalabasin ngang matalino pero kinakawawa naman sa grupo… ano yun eddie bopol rin. Oh eto, bat hindi kaya nila talakayin ang “identity crisis.” Sa DC ko lang napanood yun, sa story and character ni Jack. Taz medyo panabit lang yun kasi support lang naman siya. (naku lumalalim na ako, oi nakakuha ng idea… sorry yung detalye ibibigay ko kapag ako ang director at writer.) Oh hindi ba, yung mga tomboy at bading, ginagawa lang clown sa story, tas matatapos yun kapag na-in love na si tomboy kay boy next door… tantanan!!!

Sa ngayon, enjoy ako sa kapapanood ng DC… anong episode and season na nga ba ako?… hehehe!!!

From Japan to Taiwan and South Korea, arasso!

Naiitindihan ko ang mga taong nahuhumaling sa kung anong bagay. Yung mga fans na naghahabol sa kanilang mga iniidolo, mga taong addict sa paglalaro ng computer at lalong-lalo na ang mga buwakaw sa TV.

Isa akong anime maniac noong ako ay nasa high school hanggang sa mag-college. Kahit papaano grade conscious ako noon sa aming mataas na paaralan at alam ko na mahina ako sa Math kaya kailangang mag-effort. Subalit, dahil sa Zenki hindi ako nag-take ng quiz sa math class namin.

Nakipagsiksikan ako sa mga kalalakihan sa eatery malapit sa school namin para lang makita kung paanong pugpugin nina Zenki (alagad ni Badjola) at Cherry-Nai (ang dakilang manggagaway!) ang hari ng kadiliman na nabuo dahil sa mga pinagsama-samang binhi ng kasamaan (na parang mata na kumakapit sa tao at pinapasama niya).

Zenki, BTX, Saber Marionette, at higit sa lahat Akazukin ChaCha ang ilan sa mga nakahiligang kong panoorin noong high school. Pero noong elementary mga madramang cartoons gaya ng Cedie: ang Munting Prinsipe (na pumalit sa paborito kong Batibot), Princess Sarah, The Trap Family Singer, Remi (yung lalaki ang bida). Terrible yung Remi lagi akong umiiyak doon.

Alam nyo bang may diary pa ako para lang sa all time favorite anime ko na Akazukin ChaCha

Nung mag-college naman nakikipagbangasan ako para sa Samurai X, Magic Girls, Fushigi Yuugi, Ayashi No Ceres at Little Women. Marami pa actually kasi mga 1999-2001 uso talaga ang anime. Yun din ang time na mga anime programs ang primetime ng GMA like Master of Mosquiton, Flame of Recca, Ghost Fighter, Pokemon, Master Rancher, Vision of Escaflowne etc etc.

Nauubos ang ipon ko sa kakapa-print ng mga info about sa mga pinapanood kong anime… especially sa samurai x na may collection na ako ng text, posters, cards etc. etc.

Siempre, dahil mahilig na rin lang ako sa anime, yun din ang pinili kong baby thesis ko. Queber sa gastos pero masaya talaga ako habang ginagawa ko yun. Iba pala talaga pag may passion naks! Yun din ang time na pumapasok ako sa dean’s list. Mas nai-inspire ako noon sa kapapanood ng anime kesa sa tunay na tao. Ay talagang crush na crush ko noon si Kenshin Himura (Samurai X) at Emperor Hotohori (Fushigi Yuugi), well hanggang ngayon. Hehehe

Siguro bumaba ang interes ko sa anime after kong mapanood ang Cardcaptor Sakura at Inuyasha (na lintik talaga hindi matapos-tapos sa ABS). Busy na talaga ako sa school noon saka nagpapaka-active na ako at may special someone (naks!) na walking anime din kasi kamukha niya si Yukito (Cardcaptor Sakura).

Job hunting mode ako ng unang ipalabas sa Pilipinas ang Meteor Garden. Hirap ako mag-hanap noon kasi kailangang bago mag-3.30 nasa bahay na ako (later nalipat siya bago mag–TV Patrol) at namimili ako ng company na makakauwi ako ng maaaga.

Yung una kong work nakakauwi ako bago mag-3 kaya ayos. Nung matapos yung MG 1 lumayas na ako roon. Hehhee

Pinaka-crush ko sa MG si Ximen (Ken Zhu), dahil wala lang type ko yung itsura niya. Yung kala mo henyo pero mokong pala… wahahaha

Maliban sa MG, Yung “It Started With A kiss” lang ang pumasang Taiwanese series sa akin. Na-realize ko kasi hindi maganda ang script ng mga series nila. Kadalasan laylay na ang mga dialogue, paulit-ulit yung effects (alam mo yun eksenang may malaglag kunwari tas slow motion na, tas kukunan ng iba’t ibang anggulo yung paglaglag ng bagay na iyon. Kapag ganun may mabigat na mangyayari.), saka yung acting sos, ang layo nila sa mga local artists natin.

Ang first Korean series sa bansa ay ang Bright Girl,at yun din siempre ang unang Korean series na nakita ko. Tas naging paborito ko na ang My Love Cindy (bida rin dito si Jang Nara ng Bright Girl at The Wedding ), Winter Sonata, My Girl, at Coffee Prince.

Dahil sa Winter Sonata pinapalampas ko ang Dawson’s Creek at Charmed. Nakita ko rin doon ang aking mi koibito san na si Bae Yong Joon-sama. Siya na ang pinakamatagal na artista na naging crush ko. Ewan ko ba. hahahha

Ano naman kayang susunod na mauusong foreign series sa Pinas? Well yung abc 5 nag-attempt noon na magpalabas ng mga Arabian kaso di umubra. Yung mga Mexican nawala na ng tuluyan. At dahil naman sa mga Korean series, nabawasan na ang paggawa ng mga telenobela na umaabot ng 2 years. Naaala mo ba dati, may isang serye na inabot ata ng 5 years kakahanap lang sa isang diary?