short poems about self-debate…

I. hobby

Sa tuwing naiisip ko na parang wala naman dating ang ginagawa ko

Pero masaya ako at maging ang ibang tao

Kahit walang katumbas na pera

at pag-uwi’y butas pa ang bulsa

Ayos lang, walang kasing halaga ang kasiyahan

Kahit sandali lang.

compare lang ng itsu at ugali

 II crush

Sa tuwing nakikita ko na dumadaan siya

Sinusundan ko ng tingin ang lakad n’ya.

Puwede namang sulyapan, ‘di ba?

Lalo na kung hanggang dun lang.

Kung kanyang mapapansin,

Salamat!

Kung hindi, okay lang naman

Walang problema

 

III. exam

Sa tuwing ako’y may pagsusulit isang hamon

ang magkaroon ng panahon at gana

Lalo na’t nakakabato ang magpabalik-balik

Sa alam mong alam mo na.

Aanhin ko ang pagiging senti

I

Natatandaan ko pa ang eksena noong una kitang makita

Simple pero tingin ko’y komportableng kasama

Sa isipan ko, malaki ang magiging pakinabang ko sa’yo.

II

Sinipat ko ang iyong kabuuan, taas at baba, kaliwa at kanan

Pati na maging iyong panlabas at maging kaloob-looban

Puwede na! Kahit siguro may mahahanap pa akong iba

III

Limang taon din tayong nagsama sa hirap at ginhawa

Sa mga panahong iyon, nagtatanong din ako kung…

Masuwerte ba ako sa panggagamit ko sa katawan mo?

IV

Oo posibleng ‘di nga talaga kita gusto pero kailangan kita

Kapag ‘di kita nakikita, hindi  na ako mapakali talaga

At hindi ako nakakapayag na makita na hawak ka ng iba

V

Akin ka! Alam mo ang aking hilig, kahinaan at sikreto

At hindi kita puwedeng kalimutan sa bawat araw

Unti-unti ka mang pumangit, kaya kitang pagt’yagaan

VI

Eh kaso nasira ka, kahit pa sabihing kasalanan ko

Aanhin ko ang pagiging sentimental kung wala…

wala ka ng pakinabang, hindi na kita kailangan!

VII

Pero ‘wag kag mag-alala ang kapalit mo naman ay maganda

Kahit nireto lang sa akin at mukhang gusgusin pa

Bagay na bagay siya sa aking panlasa, konting hagod pa

Note: ang tula-tulaan na ito ay tungkol sa nasira kong… W

mahirap makasanayan, mahirap matanggal

I

Maraming bagay ang may-umpisa, may rurok at mayroong hangganan.

Gaya ng isang mausisang bata na nagnanais mapunan ang wala sa kanya

Maaaring matutuwa o mabigla sa pagkakataong ipinagkaloob pero kapag

Masabi niyang ‘ah maganda ito,” dadamhin niya iyon ng buong puso

II

Mahirap makasanayan ang isang bagay dahil mahirap ding iyong maalis

Lalo na’t kung ito ang dahilan kung bakit magaan ang iyong pakiramdam

Pero hindi mo napapansin nagiging bahagi  na ito iyong sistema,

Nang iyong pagkakakilanlan at ng pang-araw araw mong  buhay

III

Subalit dumarating ang punto na iyong susuriin ang iyong sarili

ano na ba ang nangyari?  Kailan ba ang huling… ? Paaano kaya?

Tulad ko, napagtanto ko na marami na pala akong pantalon

At ang tagal, tagal ko ng hindi nagpapalda as in taon na.

Komportable kasi e.

Ayoko na Blue!

I

Sa mahigit limang taon ng ating pagsasama

Naging totoo tayo sa bawat isa

Walang kinubli , wala ring itinago

Ikaw ang nakaalam ng aking kasiyahan

Nang aking mga kalungkutan, tagumpay,

Kasawian at maging kabaliwan

Kung tutuusin ay napakaordinaryo mo

Pwedeng bastang palitan, pwede ring iwanan

Pero dahil akin ka, ‘yon ang pinagkaiba

II

Madalas sumusuong ako sa iba’t ibang laban

Napapagod sa aking pakikipagsapalaran

At kung minsa’y umuuwing luhaan

Ngunit dahil alam kong nariyan ka,

Handa akong umiyak at muling umasa

Ako’y sundalo at ikaw ang aking kuta

III

Patawad kong ako’y naging palalo

Palagi kitang pinipilit na magbago

Sa iyong kabuuan ay ‘di ako makuntento

Marahil kung susumbatan mo ako

Sasabihin mong “magulo kang tao!

“Kulang pa ba ang kabutihan ko sa’yo?

“Umalis ka’t bumalik, wala kang narinig

“Pinapansin kung kailan gustong gawin

“Hahanapin ‘pag walang ibang kapiling”

IV

Blue ‘di ko malilimutan ating pinagsamahan

Larawan nati’y itatago ng mainam

Tala ko sa iyo’y mahirap ng maparam

Subalit, hanggang doon na lamang

Iba na ang aking tinatangi

Pagbabago sa puso’y ‘di na maitatanggi

V

Masakit man sabihin pero ayoko na!

Gusto ko mang magpatuloy

Hindi na mapipigilan pa

Pati ang tao sa paligid ko’y humusga

Wala na tayong patutunguhan

Mabuti nang tanggapin ang katotohanan

Paalam na Blue Nassau

Alam kong sa hulihan nito

Ugnayan nati’y mag-iiba lamang ng anyo

Note:

Ang tula-tulaang ito ay para sa dating kulay ng aking kuwarto.

Ngayon kulay purple na siya with matching orange pa.

Wahhhhh!