fanatic

since naranasan ko ang maging addict sa anime, Dawson’s Creek, Titanic at Meteor Garden noon (pero pinakamatindi talaga sa anime), gusto kong maging malaya ang aking pamangkin sa pagkahilig niya sa high school musical. pero minsan pala, kapag ikaw ang nasa labas ng pagkabilog ng ulo ng iba. unreasonable ang kanilang mga pinaggagawa sa buhay.

unreasonable na sa iyo kung bakit nila nagustuhan iyong artistang’ yon, paulit-ulit na panonood at kailangan pang pagkagastusan kahit hindi naman praktikal.  sinasabi ko na nga sa pamangkin ko akina na si Zac Efron. wag na niyang agawin. pero hanggat maaari tino-tolerate ko siya as long as sinusunod niya ang pinag-usapan namin. strict ako e lalo na sa pagkain.

pero sa bata mas katolerate na tolerate talaga yung iba ang terible. nangkwento sa akin yung isa kong kasama sa campaign. inaway daw siya nung isang ale kasi nagkamali siya ng pagsasabi ng score nung isang politiko. humingi naman siya ng tawad pero daldal pa rin daw nung ale. ang dating e,parang fan na fan siya ng politician na yun at makikipagbakbakan siya.

wala naman masama di ba, basta wag lang over. kung ang isang tao o bagay ang iyong inspirasyon. hindi dapat yun ang pipigil sa iyo na maging malawak ang pag-iisip at tanggapin ang opinyon ng iba. gaya ko, nung tinanggal ng nanay ko ang panonood ko ng cartoons bumaba grades ko pero nung nakakapanood ako taas! hehehe

katwriran ko, alam kong kailangan mapanood ko ito at kakain ng oras sa pag-aaral ko. kaya bago ang oras ng anime ko gawa na assignments. magso-sorry pa ako nyan kay Hotohori at Kenshin pag bumaba grades ko. hehehe.

(pero payo ko better na wala kayong kinaka-adikan, iba ang laya at marami kang magagawang maganda. hehehe)

pinaiyak ako ni Sarah

noong sat naisip ko manood naman ng TV. palipat-lipat, wala akong magustuhan na palabas. hanggang sa napadpad ako sa Studio 23 kung saan ipinapalabas ang Sarah Ang Munting Prinsesa starring Camille Prats (as Sarah), Jean Garcia (Ms. menchin), Rio Locsin (Amella), Angelica Panganiban (Becky), at Mat Ranillo III ( Sarah’s father).

maraming bagay ang nagbalik sa aking ala-ala. noong pinapanood ko pa angversion nito na cartoon. na paborito ko noon si Camille dahil cute siya at magaling sumayaw. na nakasabay ko pa noon si Angelica nang manood ako ng Magic Temple, na ang bata-bata ko pa noong time noon.

aaminin ko medyo naluha ako. kasi noong sarah days pa ay black and white pa lang ang TV namin (kasi yun lang meron), nagmamadali akong umuwi at para maunahan ang mga kapatid ko sa panonood, tas siete ilang taon na ba ang nakakaraan. si Becky ay si Rubi na. hehehe

pero pagkatapos kong medyo maluha, napangiti ako. at bakit? kasi tingnan mo nga naman pinanood ko na siya sa sarili kong TV na de-remote control pa. kahit sabihin nating tinawadtawarn ko sa ate ko ibenta lang sa akin ng mura. hehehe

Kagabi nga wow na wow at proud na proud ako sa jabbawockeez kasi hindi lang sila champion sa first season ng America’s Best Dance Crew kundi sila ang top 1 sa Top performers sa ABDC  sa loob ng 3 seasons. at ang nag-tsika noon ay si Randy Jackson. yeah!

Why I avoid watching local channels?

Kung pamukhaang TV lang naman ang pag-uusapan, hindi patatalo ang batang si Hoshi dati. Puwede niyang sabihin sa iyo ang programs ng Dos at Siyete from 5am to 12 Midnight. Pero paunti-unti haggang totally wala na siyang paki que mapanood niya o hindi ang mga dati niyang pinapanood.  Bakit nga ba?

  • Commercialism –  para sa isang 30-minute program dapat ay may at least 10-15 minutes na allotted time  para sa mga commercial gap. Pero ngayon gaano kahaba ang hinihintay na gap para sa kakapiranggot na airtime ng isang programa. bumaliktad na halos.   Number one na biktima d’yan ay mga drama series, especially ‘yong mga foreign.

Oh sige ibukod na natin ang advertising dahil ‘yan ang lifeblood ng bawat programa at TV channels. Ang nakakadismaya talaga ay ang content ng  shows. Kahit hindi ko masyado trip ang mga bida, basta maganda ang istorya at presentation panonorin ko. Eh ngayon basta may magawang show na pumpatok gayahan na lang ng gayahan. May mga istorya/program na hindi na alam ang patutunguhan. at sorry to tell pero hindi ako fan ng adaptation ng mga foreign shows. Mag-i-stick na lang ako doon sa original.

  • Management and Loyalty – aminin na natin na may kasiraan ang kompanya at talent kapag naglilipatan. Ako kapag nasanay akong makita ang artista sa ganitong network at nagsasabi siya ng pawang magagandang bagay dito then sinisiraan ang kabila. Matatandaan ko s’yang ganoon. Pero ano, karamihan ay lumilipat din.

I don’t blame ‘yong mga lumilipat after all ang artista ay hindi lamang nabubuhay sa kasikatan kundi sa talent fee.  Pero may iba dyan after lang talaga sa MAS malaking talent fee at pagre-reynahan o paghari-harian. Hindi rin masisisi na ang ibang sikat dati ay malaos o mahanapan ng butas dahil sa kanilang attitude problem sa personal.

Para naman sa mga network, ang nakakairita lang ay discover ng discover ng bagong pasisikatin na halos wala namang mga talent. Okay fine kailangan bigyan ng chance ang mga bago. Talaga namang maraming Pinoy na talentado, ang nakakalungkot lang ay madali nilang binibitiwan ang mga taong nag-aakyat sa kanila ng pera at nagseserbsyo naman ng tama.

  • Ratings – I think dito talaga ako unti-unting nawalan ng gana. Sige kayo na ang tunay na number one  pero puwede ba huwag naman ipagduldulan kada commercial break yan. Hindi nanood ang tao para malaman kung sino ang mas magaling kundi sino ang maghahatid sa kanila ng maganda, mapagkakatiwalaang at magpapasayang programa.
  • Erratic schedule – Para sa manonood na gaya ko, wish ko na mapanood ang programa ko sa araw na libre ako. Nakakabanas ‘pag nilipat pero dapat ko pa itong ipagpasalamat  na naabisuhan ako kasi may isang channel na kung makapaglipat-lipat ng programa ay ganun-ganon lang. Walang abi-abiso at biglang titigbakin sa ere. Clue anime tuwing Sabado ang pinapanood ko. at yung anime na iyon ay una kong napanood noong nag-aaral pa ako. Nakapagtrabaho na ako lahat-lahat ay hindi ko pa natapos. Ay naku wala na akong balak abangan pa sa TV yan. Gusto ko ng tapusin ang paghihirap ko, marami ng way ngayon.

And take note wala ng oras-oras ngayon, ang usapan na ay “pagkatapos ng tienes –tienes na programa. Eh madalas yang mga tienes na yan ay nag-e-extend pa ng oras.

  • Nonsense issue – Patulan ba ang hindi dapat patulan? Magpalaki ba ng issue wala namang value sa mga manonood? Utang na loob pati, yang personal hindi ba dapat nasa loob lang ng bahay ninyo. At ang nakalipas ay nakalipas na. Huwag n’yong kulayan ang terminong  public figure.

Nanonood pa rin ako once na while (lalo na sa Net25 At TV5), apparently may time pala ako na walang magawa. Mas gusto ko ang buhay na hindi laging nakatutok sa TV. Ang dami-daming puwede, makabuluhan at nakaka-inspire na gawain.

Naniniwala rin ako na hindi maganda ang mag-stick o  ang magpa-label ka as Kapamilya, Kapuso, Kabarkada o Kapatid. Ang mga ‘yan ay para sa kanilang management at talents dapat at hindi sa ating mga viewers. Doon tayo sa show na pahahalagahan ang oras na inuukol natin sa kanila at magbibigay sa atin ng dekalidad na program content.

Bow!

So, what’s the latest?

NAA-AMAZE ako sa sarili ko dahil hindi na ako gumon (addict) sa TV. Dati kasi from 5 am to 12 midnight ay halos alam na alam ko ang mga programa sa dalawang nag-uunahang TV Station sa bansa.

Naalala ko pa na kahit mga kuya kong maton, napapatiklop ko ‘pag talagang nagagalit na ako dahil hindi ako makapanood. Nung grade 3 naman ako, pinaghahanap ako minsan nina Manang Juling at Bestfriend, hindi pa kasi ako kumakain at umuuwi gayong mga 9pm na noon. Iyon pala ay nakikinood ako ng TV sa kapit-bahay namin. Madali lang naman ako Makita eh meron akong watching position.

Dahil din siguro sa kapapanood ko may alam na akong mga mature topics. Nakakapanood na rin kaya ako ng “Melrose Place” at “Baywatch” noong grade 3 ako. Tas siempre damay pa diyan iyong kailangan ko munang manood ng news bago ‘yong primetime programs. Kaya nga noong mga panahon na ‘yon ang katsika ko na ay iyong kapitbahay naming na Magna Cum Laude (masabi lang no!? hahaha).

Noong high school kung ‘di ko tinatakasan ‘yong service namin, ay nagpapagabi ako ng uwi. Nakikinood pa kasi ako sa mga kaklase ko. Kasi kung uuwi ako kaagad hindi ko maabutan ‘yong pinapanood kong anime. Tas iyon na nga, dahil sa isang palabas nag-cutting ako sa klase, nagbiyahe pa sa Maynila mula QC, humahangos palagi para makauwi at siempre nagpupuyat ng todong-todo. May time pa nga na wala akong social life dahil mas gusto kong kaharap ang TV kaysa tao.

Teka, kailan nga ba ako nawalan ng gana manood ng TV. Sa pagkaka-alala ko, nagsimula iyon nung maging ratings conscious ang dalawang istasyon. Kasi dati kung magpaparinigan sila, minsan lang sa isang araw eh na-addict ata , pataasan na ng ere per gap. Malaking factor din na busy ako sa work.

Siguro in a way naging healthy naman ang naging bunga noon, kaso parang nakakaumay, daig pa ang commercial. Magkagayon man, nagamit ko naman ang pagiging addict ko sa TV sa maraming pagkakataon sa aking karera.

Basta for me, pagdating sa entertainment and acting, mas magaling ang Kapamilya and kung news, special effects (telefantasya), creative gimmicks doon naman mahusay ang Kapuso.

Whether, nag-mature na ba ako o naiiba na ang hilig ko, malaking ginhawa talaga na hindi na ako ganun ka babad sa TV (naku aayon malamang si Manang Juling dito hahaha). Marami pang bagay akong nagagawa na mas nakakaaliw at kapaki-pakinabang.

graceful exit…

Death… one thing na kinatatakutan at nagpapalalim ng isang usapan…kahit dadaanin ka sa biro ng kausap mo. …pihadong tinamaan din ‘yan.

que mahilig tayo sa local films or hindi natin favorite celebrity si Rudy “Da Boy” Fernandez, I think because of the coverages ng mga local tv stations sa lamay, libing, at madalas na pagpi-feature sa mg nagawang movie and personal information niya… in someway na-move din tayo ng kanyang istorya… actually na-meet ko na siya in person at nabati pa niya ako noon ng happy birthday… typical lang ang reaction ko doon (yon yong tumatakbo siyang mayor)… ibang-iba sa ngayon na wala na siya… sad man… I think happy na rin ang kanyang pamilya dahil at least now, rest in peace na siya…

Bago pa man ang mga eksenang ito… weird na laging ang topic na kamatayan ang napag-uusapan o nababalitaan ko… first na nga diyan yong pagyao ng best friend ng daddy ko na si tito Julio. cancer sa tuhod o buto ata ang ikinamatay niya… nasabi ko na… na hindi ko masyadong napagkikita si tito pero madalas sa mga pagkakataon na nagkita kami ay nagiging memorable…masaya ako na nasabi ko sa anak niya na si kuya athan yong special moment ko with tito… yon yong nanood ako mag-isa ng “lion king” sa sinehan at nakaupo ako sa sahig dun sa balcony. Dumating siya at tinabihan ako… feeling ko siya si Daddy… kasi dinamayan niya ako habang umiiyak dahil kay Zimba.

Then nitong buwan … sumabay sa akin ang isa kong kapatid papuntang ortigas…malapit na kami sa highway ng iinda niya ang rayuma niya… na nakakabigla for me kasi 29 lang siya. Kahit parang medyo pasaway itong brother kong ito eh iba yong naramdaman ko nung sinabi niya na “siguro 50 pa lang tigok na ako.” Tas nakita ko na nga siya na paika-ikang maglakad.

Tas noong nakausap namin nina leng-Leng at Avi Liza ang isang negosyante from Marikina… na habang nagkukwento about sa pagkamatay niya ng 5 segundo noon… at narinig raw niya ang dalangin ng mga taong nakakakilala sa kanya at maging ang dasal ng kapatid niya na mamatay siya…. ay namatay naman ang kaibigan ng kuya ko sa edad na 30 dahil sa atake sa puso.

Nakita ko na rin ang sarili kong patay… siempre sa panaginip… maaaring nasa hospital ako habang naghihingalo at nalagutan ng hininga o nasa loob ng kabaong etc. Naramdaman ko doon kung paano maging kaluluwa at tingnan ang katawan ko na iniiyakan ng mga tao…

Tatlong bagay ang pumapasok sa kokote ko ngayon…

Una…maituturing na graceful exit ang pagkamatay dahil sa sakit dahil naihanda mo na ang sarili mo pati na ang mga tao sa paligid mo. Mas masakit naman tanggapin ang mamatay dahil sa aksidente o krimen…parang walang katahimikan iyon…

Pangalawa…yong pag- appreciate sa mga bagay nadama mo habang buhay ka pa… kahit simple basta masaya… kahit mumurahin, astig ang dating…di man mayaman, malaya naman… life is a constant change di ba?… maaaring sikat ka ngayon, laos ka na bukas… maganda ka ngayon, tadtad ka ng tagyawat bukas… feeling high ka, then sa makalawa nasa kalaboso ka o mental…. Tali-talino mo tas nagkaroon ng amnesia… mayaman pero may Parkinson’s disease…

Pangatlo…gumawa ka ng bagay ng maganda hanggat may chance ka pa…yong tipong kahit nasa tumba-tumba ka’t gurang na eh masaya ka kasi wala kang pinagsisihan at wala kang nasaktang tao. Aba alangan namang saka ka magtsa-charity work eh kung multo ka na lang…

Ako lagi kong idinadalangin yong recovery o pag-move on ng mga taong naiiwan kasi alam kong mahirap yon at paggabay naman ng Panginoon sa mga namatay o sa kaluluwa nila. ..