digital blessings

Madalas ngayong pumapasok sa kokote ko yung dialogue ng mama ni Bella (Kristen Stewart) of Twilight na si Renee “I literally repel technology.”  Nagsimula kasi noong May 6 ay nagkasunod-sunod naman atang nasira ang aking blog/site, DVD Player, at broadband connection/ land line phone. Ngayong araw nga rin, nagloloko ang pagtsa-charge ng aking mobile phone.

Kung mapapansin mo ang mga bagay na nabanggit ko ay may kinalaman sa teknilohiya. Mga bagay na nagbibigay ng comfort pero hindi naman sukat na ikamamatay ko. Kaya ko naman bumili ng bago pero may something sa akin na ayoko. I want to challenge myself kung kaya kong tiisin na wala ang mga ‘to at baka naman way din ito para turuan ako ng lesson.

Pero yung mga answers ay dumating at sa iba’t ibang paraan. Nag-offer ako ng pabuya para may tumulong sa akin. Thank you hindi ko na kailangan magpa-load (hehehe) kasi yung taga-forum na mismo ang tumulong sa akin. Yung sa broadband ang sabi sa Monday pa baka magawa pero kinabukasan ay dumating din. At ang nakakatuwa ay may inayos lang akong part sa likod ng DVD player kahapon kasi napansin ko tanggal na yung spring doon sa speaker, pagsaksak ko gumana na. wahahahaha! Pero yung sa audio pa lang ang nata-try ko pero at least nagre-read na siya sana gumana rin sa video.

Naalala ko lang, noong bata ako mahilig akong magsulat sa notebook ko ng aking mga hiling at saka ko itatatago kung saan (madalas sa isang butas ng dingding namin). Halos lahat ng sinusulat ko natutupad at one time nakita iyon ng ate ko. Tanong niya, gaano ka-effective yung letter ko. sabi ko hindi mabilis pero nasasagot. Tas ginaya nya rin ako. eh minsan kinalkal ko yung dingding, aba iyong isa kong ate nanggaganun din at mukang nauna pa sa akin. hehehe

Wordcamp 2008: for healthy & wealthy blogging

Socialization and information, ang pinaka-point ko kung bakit sumama ako kina Avi at Sherma na magpunta sa wordcamp ng wordpress kahapon, September 6.

Kung tutuusin past time ko lamang ang pagbaba-blog at outlet para maipahayag ang aking mga sentimiento. Masaya ako na marami ang nagbabasa ng blog ko at kapag may nagko-comment, lalo na’t hindi naman ako gaanong nag-e-effort na i-promote ito o sumulat ng paksa na hindi ko naman type. So bat pa ako pumunta sa gathering na gaya ng wordcamp?

In fairness, worth it and ibang experience ang event kahapon. Sa rami ng pwedeng pasukang silid para makinig sa mga lectures, ay nakatatlo lang kami . Iyon ay bukod sa pinaka-highlight na kung saan ibinalita ni Mr. WordPress Matt Mullenweg ang latest at study nila sa mga bloggers ng wordpress.

May isa lang akong pinaghihinayangan na ‘di nabutan ‘yon iyong sinundan na lecture ni Mr. Danilo Arao. Subalit, ang makinig sa “Blogging and Journalism in the Philippines” ni Mr. Arao ay isang malaking bagay para sa akin. Nabigyan niya ako ng overview sa pagitan ng pagba-blog at journalism. Ano nga ba ang lakas na magagawa ng simpleng pagbibigay ng impormasyon sa internet, partikular na kung haka-haka lamang ang naisusulat? Kung ang mga journalists ay may sinusunod na code of ethics, aniya, dapat ganon din ang gawin ng mga bloggers.

Subalit, napaisip ako na teka karamihan pala ng mga posts ko ay may pagka-personal at medyo kalokohan. Magkagayon man, alam ko na naka-stick ako sa aking principles. Hindi ako nagba-blog para mag-report ng balita at basta-basta magbigay ng opinion. Nasa side ako ng journalism na to entertain and to persuade public opinion. May paksa na gusto kong talakayin na maaaring makapukaw ng kamalayan at interes ng mga mambabasa, sa paraang nasa-satisfy ako. I love Psychology and sociology!

Pero definitely, tama si Mr. Arao sa kanyang mga tinuran. Type ko ‘yong Barong na suot niya (proud Filipino talaga!), ang paraan niya ng pananalita (“your favorite justice secretary!) at ang pagtalon-talon niya sa harapan… hehehe! (iyon talaga!)

Okay din ‘yong kay Mr. Oliver “Blogie” Robillo, “Building a Blogging Community.” Sa kanyang part napagtanto ko na pwede talagang maging channel ang pagba-blog para magkaroon ng boses at palitan ng impormasyon ang grupo ng mga tao na may iisang adhikain. Plus point pa rito iyong kanyang pagbabahagi sa tunay na kalagayan at persepsiyon ng media at ng mga tao tungkol sa Mindanao.

Sayang rin iyong unang lecture na pinuntahan namin, na di namin nasimulan, kasi maganda yung pinatutungkulan niya na may kinalaman sa paglalagay ng goal at pagtupad sa pangarap sa pamamagitan ng blog. Actually, may kinalaman dito ang iba pang speakers sa auditorium. Anila, may pera rin sa pagba-blog at malayo ang mararating ng isang blogger kung kanyang seseryosohin ang kanyang ginagawa. Hindi nga ba’t marami ngayong job opening para sa mga web designer at web content writer.

Bagaman, pinalaking bata sa label ng Alaska ang tingin ko kay Mr. WordPress Matt Mullenweg, tuwang-tuwa ang mga tao sa kanyang mga balita. Hindi ako tech-savvy eh pero thanks sa kanya dahil may wordpress at may blog ako.

Sa kabuuan tatlong bagay ang iniwan sa akin ng wordcamp

  1. maging responsableng blogger
  2. gamitin sa tama ang mga bentahe na naibibigay ng blog
  3. may kita sa pagba-blog

sana next year maka-attend ako ulit at manalo ulit ako, yong mas malaking premyo naman. Hehehe!

note: yung pix dito na lang.