Liter Star

mr. donut
star donut (mr. donut)

‘Pag tinanong mo ako na i-define ang love and crush… hindi kita masasagot ng ura-urada. ‘Pag tinanong mo ako kung ano number ko at hindi kita kilala… malamang ay iibahin ko ang topic… at malamang ‘pag sinagot kitang “It’s smarter to be lucky than lucky to be smart” ang aking motto in life ay baka hindi ka rin maniwala dahil nakuha ko ‘yon sa paborito kong anime na Samurai X.

avi dcor8s my pc
stress star

Subalit kong may isa akong sure na maisasagot ay kapag tinanong mo ako kung ano ang paborito kong hugis, obviously, star ang aking nagniningning na sagot. Bakit? Wala para maiba naman sa heart at diamond. Simbolo rin ‘yan na

dreamer ako at kaya Hoshi ang aking cybername (o

painting dati sa shangri-la EDSA
painting sa edsa shangri-la dati

‘di ba may cybername ako?! Hahaha!)

Kapag may nakikita ako na painting, larawan at iba pang bagay na may anyo o kaugnayan sa bituin papansinin ko talaga yun. Pero siempre yung twinkle-twinkle little star hinahayaan ko na yun sa mga pamangkin ko. Ang kaso pinakanta ko kahapon yung isa kong

pamangkin ng awiting yun para ikako maihele niya ako kasi maysakit ako. Alam n’yo ang lyrics niya?

“Twinkle-twinkle Liter Star, how I wonder what’s your height…

number, letter, what’s your height?

like a number, what’s your height

twinkle-twinkle liter star…”

01-02-08_2313
my flashlight

wahhh “sa liter star, bumangon ako sa flu.”

star kumot
star kumot