Confession of a slayer

Dear Ate Jevs,

Sisimulan ko ang aking kwento noong 1995 kung kailan ako naospital. Sa loob ng ilang araw na naburo at nakakadama ako ng sakit, unti-unting nabuo sa aking isipan ang masidhi kung pagnanasang pumatay.

Pagsapit ng dilim o kahit sa tanghaling tapat, kapag may nararamdaman ako sa aking binti… naroon ang bugso ng aking damdamin. Napopoot ako at gumagawa ako ng paraan para pumaslang.  Gusto ko ang makakita ng dugo, gusto ko madami at mas matinding paraan ang nagamit ko, mas ikakasiya ko.

Nag-umpisa ako sa paggawa ng bitag sa aking mga biktima. Isa sa mga una kong ginamit ay ang pagpapaamoy ko muna sila ng 1isang bagay na kung saan unti-unti silang mahihilo at kalaunan ay mamatay. Ginamit ko rin ang technique na itinuro ng aking tiyahin, ang pagpahid ng gamit na gamit na mantika sa ‘di na ginagamit na plato. Sa pamamagitan noon, madali akong nakakadale at hindi na sila nakakawala sa aking maitim na balak.

Pero nagkaroon din ng pagkakataon na kusang lumalapit na sa akin ang aking mga biktima at napapatay ko sila ng ‘di sinasadya.  Naisip ko na rin na kailangan kong pigilan ang aking sarili at iwasan sila. Bumibili ako ng 2 gamot, matama ko ‘yong pinapahid sa aking binti at hita, oras na umaatake ang aking topak.

Ngayon nate-tempt na naman ako na pumatay, lalo na’t kakunstaba ko na ang aking buong pamilya. Mayroong kaming pinakabagong kinahuhumalingan na pampatay.16-06-09_0604

Oh ‘di ba para lang kaming naglalaro pag pumapatay ng lamok… ganda pa niyang spark lang ng spark habang tintetepok ang mga lamok.

June Antonio

——–

Dear June,

Ewan ko sa iyo June, tinakot mo ako, iyon lang pala. Hahaha! Pero mabuti ngang puksain ‘yang mga yan dahil mahirap magka-dengue lalo na’t tag-ulan ngayon.  Alam mo bang ang dengue ay pwede kang patayin in one week kung hindi maagapan?

Kaya po mga ka-Hoshilandia, ingat po palagi at panatilihin ang kalinisan sa inyong kabayahan. Lahat ng iniimbak na tubig ay takpan at linisan ang mga kanal. Isang sintomas na ng dengue ay pananakit ng tiyan at tuloy-tuloy na lagnat.

16-06-09_0606Ayon sa aking pagkakatanda, ‘yong mga nagkakaroon ng red rushes or spots (maliit masyado) ay third stage na at kapag nilabasan na ng dugo ang ilong o bibig, 4th stage na ‘yon. Kapag ganun malala na ang dengue at maaari ng mabingit sa kamatayan.

Paalala ng inyong abang lingkod,

Ate Jevs

Note

1 katol

2 off lotion

graceful exit…

Death… one thing na kinatatakutan at nagpapalalim ng isang usapan…kahit dadaanin ka sa biro ng kausap mo. …pihadong tinamaan din ‘yan.

que mahilig tayo sa local films or hindi natin favorite celebrity si Rudy “Da Boy” Fernandez, I think because of the coverages ng mga local tv stations sa lamay, libing, at madalas na pagpi-feature sa mg nagawang movie and personal information niya… in someway na-move din tayo ng kanyang istorya… actually na-meet ko na siya in person at nabati pa niya ako noon ng happy birthday… typical lang ang reaction ko doon (yon yong tumatakbo siyang mayor)… ibang-iba sa ngayon na wala na siya… sad man… I think happy na rin ang kanyang pamilya dahil at least now, rest in peace na siya…

Bago pa man ang mga eksenang ito… weird na laging ang topic na kamatayan ang napag-uusapan o nababalitaan ko… first na nga diyan yong pagyao ng best friend ng daddy ko na si tito Julio. cancer sa tuhod o buto ata ang ikinamatay niya… nasabi ko na… na hindi ko masyadong napagkikita si tito pero madalas sa mga pagkakataon na nagkita kami ay nagiging memorable…masaya ako na nasabi ko sa anak niya na si kuya athan yong special moment ko with tito… yon yong nanood ako mag-isa ng “lion king” sa sinehan at nakaupo ako sa sahig dun sa balcony. Dumating siya at tinabihan ako… feeling ko siya si Daddy… kasi dinamayan niya ako habang umiiyak dahil kay Zimba.

Then nitong buwan … sumabay sa akin ang isa kong kapatid papuntang ortigas…malapit na kami sa highway ng iinda niya ang rayuma niya… na nakakabigla for me kasi 29 lang siya. Kahit parang medyo pasaway itong brother kong ito eh iba yong naramdaman ko nung sinabi niya na “siguro 50 pa lang tigok na ako.” Tas nakita ko na nga siya na paika-ikang maglakad.

Tas noong nakausap namin nina leng-Leng at Avi Liza ang isang negosyante from Marikina… na habang nagkukwento about sa pagkamatay niya ng 5 segundo noon… at narinig raw niya ang dalangin ng mga taong nakakakilala sa kanya at maging ang dasal ng kapatid niya na mamatay siya…. ay namatay naman ang kaibigan ng kuya ko sa edad na 30 dahil sa atake sa puso.

Nakita ko na rin ang sarili kong patay… siempre sa panaginip… maaaring nasa hospital ako habang naghihingalo at nalagutan ng hininga o nasa loob ng kabaong etc. Naramdaman ko doon kung paano maging kaluluwa at tingnan ang katawan ko na iniiyakan ng mga tao…

Tatlong bagay ang pumapasok sa kokote ko ngayon…

Una…maituturing na graceful exit ang pagkamatay dahil sa sakit dahil naihanda mo na ang sarili mo pati na ang mga tao sa paligid mo. Mas masakit naman tanggapin ang mamatay dahil sa aksidente o krimen…parang walang katahimikan iyon…

Pangalawa…yong pag- appreciate sa mga bagay nadama mo habang buhay ka pa… kahit simple basta masaya… kahit mumurahin, astig ang dating…di man mayaman, malaya naman… life is a constant change di ba?… maaaring sikat ka ngayon, laos ka na bukas… maganda ka ngayon, tadtad ka ng tagyawat bukas… feeling high ka, then sa makalawa nasa kalaboso ka o mental…. Tali-talino mo tas nagkaroon ng amnesia… mayaman pero may Parkinson’s disease…

Pangatlo…gumawa ka ng bagay ng maganda hanggat may chance ka pa…yong tipong kahit nasa tumba-tumba ka’t gurang na eh masaya ka kasi wala kang pinagsisihan at wala kang nasaktang tao. Aba alangan namang saka ka magtsa-charity work eh kung multo ka na lang…

Ako lagi kong idinadalangin yong recovery o pag-move on ng mga taong naiiwan kasi alam kong mahirap yon at paggabay naman ng Panginoon sa mga namatay o sa kaluluwa nila. ..