…ay parang…

ang pag-ibig ay parang halaman, minsan nagbubunga ng maganda ang iyong tinanim pero may iba rin sira,  hilaw, at baog. depende rin ‘yan kasi sa pagkakabaon ng punla o buto.

ang pulitika ay parang swimming pool, ang mga pulitikong okay kinakaya ang sistema kahit parang  mamumulikat din. Yung mga ganid, sumisisid pa talaga at nilulunok ang lumot, laway at ihi doon. pag-ahon nila its either isa na silang palakang KOkak or bouncing buwaya.

ang showbiz ay parang hagdan, ginagawang tulay sa pagsikat at pagyaman. kapag mali ka ng hakbang sa ilalim ng tulay ang iyong bagsak.

ang pagtatrabaho ay parang pagba-bike, pedal-pedal para kumita, ingat-ingat baka sumemplang.

ang ispirituwalidad ay parang salamin, ipapakita nito kung ano ang eksaktong imahe mo- kung may kulang, kung magulo o kung pleasant naman.

ang pakikipagkaibigan o pakikipagkapwa ay parang plug, kapag hindi mo i-konek sa outlet, walang current.

ang pagkatao ay parang resume, ikaw ang magtatala ng iyong experiences, educational attantaiment, extracurricular activities, skills at references. nasa sa iyo na yan kung available ka upon request. well kung wala kang mailagay, batugan ka, pag punong-puno eh eddie addict ka sa mga kabagayan.

ang hoshilandia ay parang cruise ship, kung saan-saan naglalayag at baka hindi mo alam dadaong na ito saan man sa ibayong dagat.

graceful exit…

Death… one thing na kinatatakutan at nagpapalalim ng isang usapan…kahit dadaanin ka sa biro ng kausap mo. …pihadong tinamaan din ‘yan.

que mahilig tayo sa local films or hindi natin favorite celebrity si Rudy “Da Boy” Fernandez, I think because of the coverages ng mga local tv stations sa lamay, libing, at madalas na pagpi-feature sa mg nagawang movie and personal information niya… in someway na-move din tayo ng kanyang istorya… actually na-meet ko na siya in person at nabati pa niya ako noon ng happy birthday… typical lang ang reaction ko doon (yon yong tumatakbo siyang mayor)… ibang-iba sa ngayon na wala na siya… sad man… I think happy na rin ang kanyang pamilya dahil at least now, rest in peace na siya…

Bago pa man ang mga eksenang ito… weird na laging ang topic na kamatayan ang napag-uusapan o nababalitaan ko… first na nga diyan yong pagyao ng best friend ng daddy ko na si tito Julio. cancer sa tuhod o buto ata ang ikinamatay niya… nasabi ko na… na hindi ko masyadong napagkikita si tito pero madalas sa mga pagkakataon na nagkita kami ay nagiging memorable…masaya ako na nasabi ko sa anak niya na si kuya athan yong special moment ko with tito… yon yong nanood ako mag-isa ng “lion king” sa sinehan at nakaupo ako sa sahig dun sa balcony. Dumating siya at tinabihan ako… feeling ko siya si Daddy… kasi dinamayan niya ako habang umiiyak dahil kay Zimba.

Then nitong buwan … sumabay sa akin ang isa kong kapatid papuntang ortigas…malapit na kami sa highway ng iinda niya ang rayuma niya… na nakakabigla for me kasi 29 lang siya. Kahit parang medyo pasaway itong brother kong ito eh iba yong naramdaman ko nung sinabi niya na “siguro 50 pa lang tigok na ako.” Tas nakita ko na nga siya na paika-ikang maglakad.

Tas noong nakausap namin nina leng-Leng at Avi Liza ang isang negosyante from Marikina… na habang nagkukwento about sa pagkamatay niya ng 5 segundo noon… at narinig raw niya ang dalangin ng mga taong nakakakilala sa kanya at maging ang dasal ng kapatid niya na mamatay siya…. ay namatay naman ang kaibigan ng kuya ko sa edad na 30 dahil sa atake sa puso.

Nakita ko na rin ang sarili kong patay… siempre sa panaginip… maaaring nasa hospital ako habang naghihingalo at nalagutan ng hininga o nasa loob ng kabaong etc. Naramdaman ko doon kung paano maging kaluluwa at tingnan ang katawan ko na iniiyakan ng mga tao…

Tatlong bagay ang pumapasok sa kokote ko ngayon…

Una…maituturing na graceful exit ang pagkamatay dahil sa sakit dahil naihanda mo na ang sarili mo pati na ang mga tao sa paligid mo. Mas masakit naman tanggapin ang mamatay dahil sa aksidente o krimen…parang walang katahimikan iyon…

Pangalawa…yong pag- appreciate sa mga bagay nadama mo habang buhay ka pa… kahit simple basta masaya… kahit mumurahin, astig ang dating…di man mayaman, malaya naman… life is a constant change di ba?… maaaring sikat ka ngayon, laos ka na bukas… maganda ka ngayon, tadtad ka ng tagyawat bukas… feeling high ka, then sa makalawa nasa kalaboso ka o mental…. Tali-talino mo tas nagkaroon ng amnesia… mayaman pero may Parkinson’s disease…

Pangatlo…gumawa ka ng bagay ng maganda hanggat may chance ka pa…yong tipong kahit nasa tumba-tumba ka’t gurang na eh masaya ka kasi wala kang pinagsisihan at wala kang nasaktang tao. Aba alangan namang saka ka magtsa-charity work eh kung multo ka na lang…

Ako lagi kong idinadalangin yong recovery o pag-move on ng mga taong naiiwan kasi alam kong mahirap yon at paggabay naman ng Panginoon sa mga namatay o sa kaluluwa nila. ..

From Japan to Taiwan and South Korea, arasso!

Naiitindihan ko ang mga taong nahuhumaling sa kung anong bagay. Yung mga fans na naghahabol sa kanilang mga iniidolo, mga taong addict sa paglalaro ng computer at lalong-lalo na ang mga buwakaw sa TV.

Isa akong anime maniac noong ako ay nasa high school hanggang sa mag-college. Kahit papaano grade conscious ako noon sa aming mataas na paaralan at alam ko na mahina ako sa Math kaya kailangang mag-effort. Subalit, dahil sa Zenki hindi ako nag-take ng quiz sa math class namin.

Nakipagsiksikan ako sa mga kalalakihan sa eatery malapit sa school namin para lang makita kung paanong pugpugin nina Zenki (alagad ni Badjola) at Cherry-Nai (ang dakilang manggagaway!) ang hari ng kadiliman na nabuo dahil sa mga pinagsama-samang binhi ng kasamaan (na parang mata na kumakapit sa tao at pinapasama niya).

Zenki, BTX, Saber Marionette, at higit sa lahat Akazukin ChaCha ang ilan sa mga nakahiligang kong panoorin noong high school. Pero noong elementary mga madramang cartoons gaya ng Cedie: ang Munting Prinsipe (na pumalit sa paborito kong Batibot), Princess Sarah, The Trap Family Singer, Remi (yung lalaki ang bida). Terrible yung Remi lagi akong umiiyak doon.

Alam nyo bang may diary pa ako para lang sa all time favorite anime ko na Akazukin ChaCha

Nung mag-college naman nakikipagbangasan ako para sa Samurai X, Magic Girls, Fushigi Yuugi, Ayashi No Ceres at Little Women. Marami pa actually kasi mga 1999-2001 uso talaga ang anime. Yun din ang time na mga anime programs ang primetime ng GMA like Master of Mosquiton, Flame of Recca, Ghost Fighter, Pokemon, Master Rancher, Vision of Escaflowne etc etc.

Nauubos ang ipon ko sa kakapa-print ng mga info about sa mga pinapanood kong anime… especially sa samurai x na may collection na ako ng text, posters, cards etc. etc.

Siempre, dahil mahilig na rin lang ako sa anime, yun din ang pinili kong baby thesis ko. Queber sa gastos pero masaya talaga ako habang ginagawa ko yun. Iba pala talaga pag may passion naks! Yun din ang time na pumapasok ako sa dean’s list. Mas nai-inspire ako noon sa kapapanood ng anime kesa sa tunay na tao. Ay talagang crush na crush ko noon si Kenshin Himura (Samurai X) at Emperor Hotohori (Fushigi Yuugi), well hanggang ngayon. Hehehe

Siguro bumaba ang interes ko sa anime after kong mapanood ang Cardcaptor Sakura at Inuyasha (na lintik talaga hindi matapos-tapos sa ABS). Busy na talaga ako sa school noon saka nagpapaka-active na ako at may special someone (naks!) na walking anime din kasi kamukha niya si Yukito (Cardcaptor Sakura).

Job hunting mode ako ng unang ipalabas sa Pilipinas ang Meteor Garden. Hirap ako mag-hanap noon kasi kailangang bago mag-3.30 nasa bahay na ako (later nalipat siya bago mag–TV Patrol) at namimili ako ng company na makakauwi ako ng maaaga.

Yung una kong work nakakauwi ako bago mag-3 kaya ayos. Nung matapos yung MG 1 lumayas na ako roon. Hehhee

Pinaka-crush ko sa MG si Ximen (Ken Zhu), dahil wala lang type ko yung itsura niya. Yung kala mo henyo pero mokong pala… wahahaha

Maliban sa MG, Yung “It Started With A kiss” lang ang pumasang Taiwanese series sa akin. Na-realize ko kasi hindi maganda ang script ng mga series nila. Kadalasan laylay na ang mga dialogue, paulit-ulit yung effects (alam mo yun eksenang may malaglag kunwari tas slow motion na, tas kukunan ng iba’t ibang anggulo yung paglaglag ng bagay na iyon. Kapag ganun may mabigat na mangyayari.), saka yung acting sos, ang layo nila sa mga local artists natin.

Ang first Korean series sa bansa ay ang Bright Girl,at yun din siempre ang unang Korean series na nakita ko. Tas naging paborito ko na ang My Love Cindy (bida rin dito si Jang Nara ng Bright Girl at The Wedding ), Winter Sonata, My Girl, at Coffee Prince.

Dahil sa Winter Sonata pinapalampas ko ang Dawson’s Creek at Charmed. Nakita ko rin doon ang aking mi koibito san na si Bae Yong Joon-sama. Siya na ang pinakamatagal na artista na naging crush ko. Ewan ko ba. hahahha

Ano naman kayang susunod na mauusong foreign series sa Pinas? Well yung abc 5 nag-attempt noon na magpalabas ng mga Arabian kaso di umubra. Yung mga Mexican nawala na ng tuluyan. At dahil naman sa mga Korean series, nabawasan na ang paggawa ng mga telenobela na umaabot ng 2 years. Naaala mo ba dati, may isang serye na inabot ata ng 5 years kakahanap lang sa isang diary?

FPJ

Head to Toe:

Dear Ate Jevz,

Nanonood ako ng “Alay ni Da King” ‘yong special ng ABS-CBN. Siempre expected ko na pupurihin siya sa programa at ipapakita ang mga pelikula niya. Kung baga the usual na tribute. Ang pinagkaiba lang nito ay talaga namang mga betaranong artista ang nagbigay pugay sa kanya.

from wikipediaWalang anu-ano ay nakaramdam ako ng pagkabalisa, lalo na nang ipakita ang video ng lamay niya sa Sto. Domingo Church at ang paghahatid sa kanya sa huling hantungan. Noong nakaburol pa siya sa Sto. Domingo, sinuwerte kami ni Manang Juling na makapasok sa loob ng ‘di pumipila (buti na lang gumana ang kawad ni manang juling) doon ko nakita sina Gary V., Sheryl Cruz, Susan Roces na walang make-up. Siempre tumingin din ako sa kabaong ni FPJ, hindi ko na alam kung ano yung sinabi ko sa kanya o naisip ko nung nakita yung bangkay niya. Basta, di ba? At least nakita ko siya ng personal , yun nga lang nakaburol na.

Sa totoo lang, hindi ko masasabi na idolo ko siya. Hindi ko rin siya binoto noong tumakbo siya sa pagkapresidente. Hindi sa isa siyang artista, pero kaya ayaw ko sa kanya bilang pangulo ay dahil wala siya mi katiting na experience sa pamumuno o alam man lamang sa pulitika. Hindi naman kasi natatapos sa pagtulong sa kapwa ‘yan at ang pamumuno ay hindi dapat inaasa sa mga miyembro ng gabinete.

Kung si Erap nga na dumaan sa proseso (naging mayor, senador, at vice president bago naging presidente) ay sinawaing palad pa eh. Medyo nag-iba nga ang pagtingin ko sa kanya, kung may pagkakataon lang ako na mapayuhan siya nung tumakbo siya.sasabihin ko talaga ‘wag ka ng tumakbo, magulo diyan’. Hindi ba nga, sabi ni Ms. Susan sa “Alay ni Da King” na-disappoint sila after nung election. Kung tumakbo si FPJ sa kahit anung City, kahit Makati pa ‘yan sure ball, panalo. Saka iba kasi ang saklaw ng mayor sa president, di ba naman.

Bilang artista, talagang okay siya sa akin. Hindi ako mahilig sa action films pero pag pelikula niya okay na okay sa akin. Hindi naman yung tipong gumon na gumon gaya ng mga kapatid ko, pero siya lang talaga ang pinapanood ko. Ay teka, gusto ko rin pala yung ibang film ni Ramon Revilla Sr., lalo na yung “Joaquin Bordado.” Pero kay FPJ ako siempre.

Naku yung mga film lang niya ang napagkakasunduan namin ng mga kuya ko. As in yung lahat ng kuya ko ha. Kasi kami nila bangaw parehong nanonood ng “Bioman, “Maskman” at Shaider” Siempre yung isang ate ko maka-Sharon, si Manang Juling bumabalimbing kina Nora at Vilma, depende sa trip niya. Hehe!!!

Hindi ko naman siguro napanood ang lahat ng “Panday” Series niya pero isa sa nagustuhan ko at naaalala ko ay ‘yong leading lady niya si Dang Cecilio. Gusto ko rin yung “Dito sa Pitong Gatang;” “Kahit Konting Pagtingin;” “Wanted: Pamilya Banal” at “Mabuting Kaibigan, Masamang Kaaway.”

Yun lang… naalala ko lang na kung may action star na Pinoy, siya lang ang kinikilala ko.

Gumagalang, Dahlia Jalum-Pihit

Dear Dahlia,

Gnyan tlga naaprciate lng ntn ang 1 tao pag ala n cya. Si FPJ kht nkkta lng ntn s TV or Movie, in a way prng nging prt na rin ng lyf ntn. Hula ne ncra videocam ño kc dnala ni manang juling s burol. Eh d nmn cya knw kung how i-use yun.

Hahahha…

Ate Jevz