The monologue of Sick

I

Madalas akong magkasakit lately

Nawawala na ang aking pagka-healthy

Katawan ko’y ‘di tugma sa face kong chubby

Nababawasan tuloy ang aking pagiging pretty

II

Minsan naiisip ko kung what if

May matisod akong handsome

He loves me for what I am

Iyon nga lang ay I’m gonna die

III

Dramang A Walk to Remember pero mas intense

Iiwan ko siya na ako’y hindi na babalik pa

Pagkatapos ng aming beautiful love story

Mauuwi lang pala sa sad ending

IV

Puwede ring walang leading man

Ako lang ang lead star

Ay ‘Day mag-i-speech ako

Thank you my family, my friends and so on so forth

V

Kahit may mga frustrations ako, stress at patay na buhok

Naging makulay ang pamumuhay ng katawang lupa ko

Wala akong naiisip na dapat kong pagsisihan

Dahil sa inyo and all, alam kong wala akong sariling mundo

VI

Pero don’t worry folks gumagaling na ata ako

Kaya kapag nakatisod ako ng guwapo at simpatico

Story namin ay iba ang twists and turns

Hindi ko siya iiwan, pugpugin ko lang siya ng hugs & kisses

VII

At sa my family, my friends and so on so forth

Thank you pa rin, mauutangan ko pa rin kayo

Makakabili pa ako ng ice cream, puwede ring pang-rebond

At siempre tuloy-tuloy ang bloglife ni hitokirihoshi

Advertisements

Pinoy, masuwerteng matalino o masuwerteng madiskarte?

Isang araw tinanong kami ng aming college professor kung ano ang motto, battlecry o islogan namin sa buhay. Marami akong kaklase na nagsabi ng seryosong sagot na puwedeng pamosong quote o inimbento nilang islogan. Pero nung ako ang tinanong ang sabi ko ay “It’s smarter to be lucky than it’s lucky to be smart.” Nagtawanan ang ilan sa mga kaklase ko lalo na nung malaman nila na kinuha ko ‘yon sa anime program na “Samurai X.”

Puwedeng katawa-tawa nga ‘yon pero seryoso talaga ako sa sinabi ko. Buti na lang pinagpaliwanag ako ng aming professor kung bakit ‘yon ang islogan ko.

Nakakalungkot kasi isipin na kapag mahirap ka na nga, minamaliit ka pa.  Hindi ka na nga nakapagtapos ng pag-aaral o hindi katalinuhan, ipamumukha pa sa’yo na hanggang d’yan ka na lang.  Napakatindi nang paghanga ng marami sa matatalino at mayayaman. Wala namang masama doon, ang masaklap ay iyong mawalan ka ng pag-asa kasi ito ka lang.  Hinalimbawa ko ang buhay ni Manang Juling at ang kilala kong mag-asawa na mula sa mayamang pamilya.

Si Manang Juling ay isang probins’yanang namasukan bilang katulong. Sinikap niyang pag-aralin ang kanyang sarili habang nagtatrabaho. Hindi nga lang niya naipagpatuloy ito dahil siya ay nakapag-asawa at naging sunud-sunod ang kanyang panganganak.

Samantala, ang mag-asawang aking kilala ay nagtanan at bumuo ng pamilya. Hindi lang klaro sa akin ba’t sila nagtanan, puwedeng dahil buntis si babae o ayaw ng magulang nila sa kanilang pagsasama. Ang maganda lang ay pareho na silang patapos sa pag-aaral noong panahon na ‘yon.

Sa dalawang halimbawang binanggit ko, madaling sabihin na napakalaki ng tsansa ng mag-asawa na magkaroon ng komportableng buhay. Lalo pa nga’t ‘di naglaon ay tinanggap din ang kanilang relasyon ng kani-kanilang pamilya. Habang si Manang Juling ay nabalo nang walong taon pa lamang ang kanyang bunso at pansampung anak.

Pero ang nangyari, naging pala-asa sa tulong ng kanilang kamag-anak ang mag-asawa kasama na rito ang pagpapa-aral sa kanilang mga anak. Samantalang si Manang Juling ay nagsumikap na buhayin at pag-aaraling mag-isa ang kanyang mga supling sa pamamagitan ng pagpasok sa kahit anong hanap-buhay na marangal.

Napagtapos ni Manang Juling ang kanyang mga anak. May naging lisensiyadong dentista, nurse at Med Tech (medical technician). Mayroong ding nagtapos ng banking and finance, HRM (Hotel and Restaurant Management) at vocational courses na nagawang mangibang bansa dala ang kanilang lakas ng loob at kakayahan.

Maaaring sa simula ay may mga taong parang pinagkaitan ng tadhana at wala silang potensyal na umasenso sa buhay. Subalit, sino nga bang makapagsasasbi kung ano ang mangyayari bukas? Lalo pa nga’t wala namang ginagawa para magkaroon ng magandang kinabukasan.  Para sa akin, sa diskarte, positibong pananaw at determinasyon nating mga Pinoy tayo nagiging suwerte at hindi sa katanyagan, katalinuhan o kayamanan lamang.

Nakumbinse ko naman ang aking professor at mga kaklase sa aking paliwanag. Hindi naman na nila ako pinagtawanan bagkus ay may ilan pa ngang binati ako, lalo na noong sabihin ko na akong kaklase nila ang pansumpung anak ni Manang Juling.

Retired Major killer Tibor

Napadpad ang tsekot ni Romeo sa malayong kakahuyan kung saan may nakatayong bahay na bato. Dito nakatira si Mang Tibor, isang retiradong killer. Pinatuloy siya nito sa kanyang tahanan.

“So, dati po pala kayong killer?” tanong ni Romeo na kunwari ay hindi takot pero nagpapawis na ang kilikili. “Hindi po halata sa itsura ninyo.”

“Matagal naman na ‘yon at ayoko na gawin,” malumanay na sambit ni Mang Tibor sabay hithit sa sigarilyo niyang Champion. “Pero noong kabataan ko, kahit sino ipatumba sa akin kawawa. Katunayan n’yan ay forte ko ay mamugot ng ulo.”

“Tttalaga po?” garalgal na tugon ni Romeo na ikinakalma ang sarili. Nakisindi pa kunwari ng sigarilyo niyang Hope. Nang makahithit pa ay nag-isip siya ng maitatanong.

“Ano naman ang nagpatigil sa inyong gawain?”

“Noong dumating ang puntong parang wala nang saysay sa akin ang pera. Sa totoo lang Romeo, itong tirahan ko ngayon, baka CR ko lang dati,” saad pa ni Mang Tibor sabay pausok ng kanyang sigarilyo na tila mabilis na nauupos  “Pero wala, wala naman akong misis o anak. Saka kung iisipin, pwede kong palitan ‘yong mga slogan d’yan sa mga jeep na “Katas ng Saudi,” ang sa akin naman ay “Katas ng Dugo,” tatawa-tawa pa nitong pahayag.

“Ay oo nga po,” ngingising-ngising sabi ni Romeo. “buti hindi po kayo minumulto ng mga pinatay  ninyo?

“Siguro, pero ang multo kasi sa akin ‘yong konsenya ko. Mas mahirap takasan at mas nakakatakot. Ba, ilang taon din akong binabangungot na sukat na gusto ko na lang magpakamatay para matapos na,” saad pa ni Mang Tibor at nilagay sa ashtray ang upos nyang Champion.

Sa paglinga-linga ni Romeo sa bahay ni Tibor napansin niyang, malaki siguro ang pinagbago ng pamumuhay nito. Payak ang mga kagamitan nito sa bahay. Napanatag ang kanyang loob na ang kaharap niya ay hindi nakakasindak na hitman kundi kaawa-awang tao dahil binabagabag ng konsensya.

“Magkano po ang singil ninyo sa mga taong nagpapapatay sa inyo? Tanong ni Romeo na nilagay na rin sa ashtray ang kanyang Hope.

“Depende pero usually per head,” saad ni Mang Tibor na inalok naman ang kabubukas pa lang na isa niyang kahang More kay Romeo. Tinanggap ng binata ang sigarilyo at siya naman ang nag-alok na sindihan ang sigarilyo ni Mang Tibor ng kanyang lighter. “Ito na lang meron ako, wala na ‘yong fortune este Champion e.”

“Pero may pinatay na ako ng walang bayad. For personal reason lang kung baga,” alok na kuwento ni Mang Tibor. “Kapit-bahay ko dati na lagi kong kainuman.”

“Bat n’yo naman pinatay?” na- curious si Romeo.

“Masyado kasing matanong, kaya itinumba ko. Ayoko ko kasi ‘yong masyadong matanong, naririndi ako,” saad ni Mang Tibor na humithit pa rin ng sigarilyo habang nagkukuwento.

Bigla ay natakot si Romeo, kanina pa nga naman siya tanong ng tanong. Nang mapansin niyang nagtatagal siya ng husto ay nagpaalam na siya.

“Sige po Mang Tibor, aalis na po ako. Kailangan ko na ring makabalik kaagad sa Maynila baka ma-traffic ako,” ani Romeo na kung pwedeng kumaripas ng takbo ay gagawin na.

“Ikaw naman, masyado pang malalim ang gabi para umalis. Bat hindi ka na lang dito matulog?”

“Hindi na po siguro. Ang totoo n’yan ay nagmamadali talaga ako. Ehehehe, napatagal lang ako kasi napasarap ang usapan natin,” kakamot-kamot pa ng ulo na palusot ni Romeo.

“DUMITO KA, DUMITO KA!” bulyaw ni Mang Tibor na ikinatakot ni Romeo. “ANG HULING TUMANGGI SA AKIN NI HINDI NA PINAGLAMAYAN, IDINIRETSO NA SA HUKAY.”

…At muli may isa namang ulo…. ang natagpas ng palakol ni Mang Tibor.

(After one year…)

“Isang lalake, natagpuang patay sa isang abandonadong bahay sa kakakahuyan ng Bungkay Province,” saad sa isang News program. “Ang Lalake ay hinihinilang namatay sa bangungot.”

Hindi na hinintay ni Romeo na matapos ang balita at isinara na niya ang TV. Kahit hindi pa sabihin ang pangalan ni Mang Tibor ay alam niyang ito ang natagpuang bangkay na mahigit isang linggo nang walang buhay.

“Mabuti naman at nakapagpahinga na siya,” maluha-luha pang anas ni Romeo na nakaratay sa hospital dahil sa sakit na Lung Cancer. Naalala pa niya nang iligtas siya nito mula sa isang ulupong na pumasok bahay nito noong gabing ‘yon. Marahil kung hindi dahil dito, wala rin siya sa hospital ngayon. tigok na siya kaagad. 

Scary stories

Scary stories (Hoshi’s Halloween treat)

Sa Kubo

Sa dalampasigan ay masayang pinagmamasdan ni Lowella ang kanyang mga kaibigan na nagsu-swimming sa dagat. Habang ini-enjoy ang view ay napukaw naman ang kanyang atensyon ng isang halinghing.

Sinundan niya ang tunog na nagmumula sa isang kubo. Kung hindi siya nagkakamali ay parang halinghing ‘yon ng isang babae.

“Napaka-wild naman nito?! Dito pa talaga sa kubo gumawa ng lagim,” bulong ni Lowella. Pero napaigtad siya ng magsalita ang babae.

“Pare-pareho kayong lahat!” sigaw nito.

“Ikaw si Guada ang Bampira?!” nahihintakutan pang pagkabigla ng lalake.

“Oo ako nga,” sagot nito sabay sa tila pagkagat niya sa lalake. Nanlaki ang mata ni Lowella na hindi alam kung aalis sa pinagtataguan niya. Tanaw niya ang kanyang mga kaibigan pero malayo ang mga ito para marinig siya.

Tumutulo na ang pawis niya pero lakas loob siyang sumilay sa kubo. Doon ay nahintakutan siya sa isang matandang babae na nakamasid na pala sa kanya. malaki ang mata nito na nakaputing Baro’t saya at mahaba ang puting kulot na buhok na nakalugay. Kapansin-pansin ang pula na parang dugo sa bibig nito.

“Narinig mo ang usapan kanina no?” tanong nito sa Lowella na hindi na makasagot sa kaba.

“Gusto mo sumama?” dagdag na tanong pa nito sa kanya. Nang hindi pa rin siya makasagot ay hinila siya nito at pinaupo.

“Diyan ka lang,” utos nito.

“Ikaw na ang susunod, chismosang babae ka!” sigaw ni Guada bampira na muli ay nilamutak ang bago niyang biktima.

“Nakakatakot ano?Paborito ko ‘yang radio program na ‘yan,” sabi pa nito kay Lowella na inalok niya ng French fries at ketchup. “Sa iyo na ‘yang ketchup gusto ko naman gravy ang sawsawan.”

Bangungot

Galing sa magdamagang inuman si Milano kasama ang kanyang mga kaibigan. Napagdesisyunan niyang tumuloy muna sa isang motel.

Pagpatak ng alas-tres ng madaling araw ay nawiwe siya at nagpunta sa CR. Napansin niya ang isang babae na nakatayo sa may pintuan nito.

“Miss tabi ka nga, dyi-jinggle ako,” utos niya sa babae na tumabi naman.

Pagtapos niyang umihi ay nakatayo pa rin ang babae kung saan niya ito naiwan.

“Bah? Hinihintay mo ba ako lumabashhh, mishh hindi ito CR ng babae,” singhal niya rito.

Pagbalik niya sa kanyang hinihigaan, napadilat ng husto si Milano. Nakapanaginip siya ng isang babae sa may CR. Hindi man lang niya natanong ang pangalan. Tumayo siya at nagpunta ng CR, paglabas niya ay may nakatayo ulit babae sa may pintuan.

“Alam mo kamukha mo ‘yong napanaginipan ko?” sabi niya sa babae na makintab ang mahabang itim na buhok at may mapungay na mata. “Anong pangalan mo?” tanong niya ng maalala ang gusto niya sanang itanong sa panaginip.

Bago pa makasagot ang babae ay nagising ulit si Milano. Biruin mo napanaginipan niya na nanaginip siya ng isang babae. At ang eng-eng niya hindi man lang siya nag-isip na may pagka-wierd ‘’yong babae.

Punta ulit siya ng CR, tinampal ang mukha. Siniguro niyang nasa real world na siya. Hindi pa niya naisi-zipper ng husto ang pantalon niya nang may kumatok sa pintuan. Kinabahan si Milano.

“Shinoooh ‘Yan?” sabi niya pero katok pa rin ng katok ang nasa pintuan, palakas ng palakas at pabilis ng pabilis. Dahan-dahan ay binuksan ni Milano ang pintuan at bumuluga sa kanya ang babaeng nasa panaginip niya. Nanlilisik ang mata nito at sinakal siya.

“wahhh binabangungot ako, tulong!” sigaw ni Milano nang makilala niyang ang asawa niya ang babae sa CR, ang dahilan ba’t siya nag-iinom.

A (terrible) short story (telenovela style nga lang)

Lumaki ang mag-best friend na sina Georgie at Dente sa village ng Sanaka, isang lugar na sakop ng emperyo ng Halarka. Mga anak-anakan sila ng magkaibigang Chiong na isang magsasaka at Talima na isang mangingisda. Ang negosyo nila ay magtinda sa talipapa.

Isang araw napagtanto nina Georgie at Dente na nagmamahalan sila ng higit sa magkaibigan at ‘di nagtagal, sila’y naging magkasintahan. The end…

 

Joke!

Ang back story …

 

Parehong napulot ng magkabigang Chiong at Talima ang kanilang mga anak sa talon ng Magcua. Kapwa nakalagay sa isang basket ang dalawang sanggol na nakabalot sa mga naiiba at kumikinang na damit nang makita nila ang mga ito pagkatapos nilang lumangoy.

“Hindi kaya magkapatid itong dalawa?” tanong ni Chiong kay Talima habang tinitingnan kong girl or boy si Dente.

“Baka magkaibigan lang, ‘di naman magkamukha eh. Gusto mo paghatian natin. Sa iyo ito at akin ‘yang lalake,” saad ni Talima na kumpleto pa ang ngipin at balbas sarado.

“Ayoko! Gusto ko babae para mayroon akong prinsesa sa bahay,” tanggi ni Chiong sabay kuha kay Georgie.

Ang Happy moment

 

Namasyal sina Georgie at Dente malayo sa talipapa ng Halarka at napadpad sila sa isang batis (malapit-lapit sa talon ng Magcua). Sa tagpong naglapat ang kanilang mga labi ay may nag-spark sa kalangitan at tila may nahulog sa batis.

Paputok po iyon sa palasyo, birthday kasi ng kambal na prinsipe na sina Errol and Dan.

Natuwa naman sina Georgie at Dente dahil may fireworks pa ang kanilang date. At para malubos ang kanilang kasiyahan, nagpunta pa silang palasyo para makakain din ng libre.  Hindi naman sila nabigo, dahil buti na lang costume party ang handaan kaya nagpanggap na lang silang kunwari na mga tindero ng isda at tindera ng gulay.

Habang kumukuha ng makakain sina Georgie at Dente, nasagi ni Georgie si Prinsipe Errol na nakatayo sa isang tabi ng mesa. Nang kokotongan na sana  ni Prinsipe Errol si Georgie, agad naman siyang nabighani sa  ganda nito.

“Ganda naman ng costume mo, parang totoong-totoo,” puri ni Prinsipe Errol.

“Hindi naman. Ikaw nga rin parang Prinsipe ka talaga,” sagot naman ni Georgie habang nangingiti.

Sundan ang susunod na kabanata…