Tatluhan

Dahil three years na ang Hoshilandia Sr. heto ang  pakulong ek ek…

Rules:

i-post mo sa blog mo ang  Q & A na ‘to at palitan ang mga sagot ko ng sagot mo

i-link mo ang iba. siempre ako rin!

Dapat tatlo talaga, di sobra at di kulang pero puwede mag-explain

  1. Tatlong sikat mong crush – Bae yong joon, Robert Downey jr., Harry Potter
  2. Tatlong sikat na gusto mong maka-blog- Lea Salonga, Ariel Lin, Johnny Depp
  3. Tatlong ultimate love songs para sayo? – On My Own, A Very Special Love, Your Love
  4. Tatlong taong kakantahan mo ng mga ito? –Terence, Inspirasyon, si future
  5. Tatlong pinakamahalaga sa’yo? – Pamilya, Kaibigan, Pagkain
  6. Tatlong bagay kung bakit proud kang maging Pinoy? – Masayahin, mapangarap, malikhain
  7. Tatlong bagay na hate na hate mo? – maarte, traydor, hindi marunong magpahalaga
  8. Tatlong bagay na kinahihiligan mo? – blogging, films, restaurant city
  9. Tatlong bagay na gusto mong baguhin sa sarili mo – indecisive, walang focus, bagal kumilos

10.Tatlong favorite Pinoy Artists mo – Aiza Seguerra, Apl de Ap, Lea Salonga

11.Tatlong lugar na ipo-promote mo – Pan de Americana, QC Circle, Pundaquit Beach

12. Tatlong bagay na wish mong mangyari after three years – thriving biz, show, sasakyan o dyowa (Wahahaha!)

13. Tatlong salitang naiisip mo about blog – writing, networking, freedom

14.kung may movie about sa’yo, sino ang tatlong artistang pagpipilian mo – Jang Nara, Ariel lin, Julia Stiles

15.Tatlong bagay na ginagamit mong pampaguapo/pampaganda – panali ng buhok, face powder, at lip balm

16.Tatlong rason para magalit ka – pag sinabihan ako ng ‘di ko trip (puwedeng mura), sinaktan ako (physically) at pinadama sa akin na wala akong kuwenta

17.Tatlong rason para matuwa ka kinaiinisan mo – magbago siya, magpakumbaba at ipakita yung good sides niya

18.Tatlong rason para maniwala ka sa isang tao – may nbi clearance, consistent sa mga statements at may proof

19. Tatlong bibilhin mo na kakasya sa P300 – burger value meal with upsize French fries and extra gravy plus sundae, load 100, mumurahing tsinelas

20. Tatlong tao na bibigyan mo ng lucky charm – May Havoc, Jennyfer Sy, MCL

21.Tatlong tao na gusto mo i-meet in person – Sharon Cuneta, Lea Salonga, Black Eyed Peas

22.Tatlong salita na magde-describe sa’yo (bawal ang asl d2 lol!) – ambivert, casual, boyish

23. Tatlong alaala mo nung tatlong taon ka? – lobo, icecream, Daddy ko

24.Tatlong pagkain na hahanapin mo pag nai-stress ka – ice cream, music, purple nassau

25.Tatlong tao na gusto mong sumaklolo sa’yo pag nalaglag ka sa manhole – Jericho Rosales, CMC, at Eric Bana

26.Tatlong rason bat pumatol ka sa pakulong ito? – natural ako pasimuno, para masaya, para may sagutan ang iba

Bonus Qs

  1. Tatlong  naalala mong favorite mo sa Hoshilandia Sr. – B-day ni Nanay (monologue), Singleness, Pupu Series
  2. Tatlong adjectives mo para sa Hoshilandia Sr.? – kwela, ma-kwento, may kwenta
  3. Tatlong special message mo para kay Hitokirihoshi_kawaii? More power, mabuhay, vaya con Dios!

Mabuhay! Rafter, Katrina, Pong, Salbehe, Jec, Duking, Avi, Tim, Cute, Eloiski,Cuteberl

Pinilakang Tabing (silver screen)

Masasabi kong sinuwerte akong maabutan yung palatuntunan noon sa RPN 9 na nagtatampok ng mga black and white flicks ng LVN, Sampaguita at Premier Productions.

photo by http://3.bp.blogspot.com
photo by http://3.bp.blogspot.com

At least masasabi kong nakita ko ang kabataan nina Eddie Garcia, Eddie Gutierrez, Susan Roces, Gina Pareño, Nida Blanca (RIP), Nestor de Villa (RIP), Luis Gonzales, Gloria Romero, Charito Solis (RIP) , Erap Estrada, Fernando Poe Jr. etc etc. Sa akin, iba talaga ang napupuntang pelikula kay Charito – heavy drama talaga especially yung “Dahil sa Isang Bulaklak.” Gusto ko rin yong nakakaawa niyang “Igorota” at nakakawindang na kwento ng “Karnal.” Itong huli, talagang may pugutan effect sina Philip Salvador at Vic Silayan (RIP) huh!

Enjoy naman yung sayawan at paistaran blues ng mga pelikula nina Nida & Nestor at Gloria & Luis… medyo pabor nga lang ako kina Nida kasi mas type ko talaga ang magaling sa sayaw at comedy. pero kung comedy, talagang para kay Dolphy ‘yan. Gustong-gusto ko ang kanyang “Darna Kuno,” Lucio & “Miguel” (with the late Panchito), John & Marsha and ‘yong “Black Magic.”

photo from http://2.bp.blogspot.com
photo from http://2.bp.blogspot.com

Sa ibang banda, hindi rin matatawaran ang mga makabagbag damdaming mga pelikula na madalas ay ipinapalabas tuwing Semana Santa sa ABS-CBN. Siguro naman napanood na ninyo ang “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon, “Tinimbang Ka Ngunit Kulang,” at higit sa lahat (& my favorite Nora Aunor film) “Minsa’y May isang Gamu-gamo.”

Grade 3 ata ako nung napanood yung Gamu-gamo at talagang tumatak siya sa isipan ko (kaya nga ayokong mag-nurse eh… charot!). Saka si Hilda Koronel, ang ganda talaga nong kabataan niya, actually hanggang ngayon naman e. Well wish ko makapanood pa ulit ng mga ganoong klaseng pelikula (sorry wala kaming cable.)

photo from http://pages.prodigy.net
photo from http://pages.prodigy.net

Oh ito ngayon ko lang ire-reveal ha, Sharonian ako lalo na dati. Naimpluwensyahan ako ng ate ko na avid fan naman ni Megastar. Siempre trip ko rin yung kilig movies nila ni Gabby Concepcion – “PS I Love You,” “Pati Ba Pintig ng Puso,” “Una Kang Naging Akin” etc. Pinaka-favorite ko na Sharon-gabby movie ay “Sa Hirap at Ginhawa” talagang gusto kong kaladkarin si Cherrie Gil noon papalabas ng disco house habang nagsasayaw sila ni Gabby ng de-yugyog -shoulder-dance. Heheh

Ang iba pang Sharon’s films na gusto ko ay “Bituing Walang Ningning,” “Bukas Luluhod din Ang mga Tala,” “Babangon Ako’t Dudurugin Kita,” “Tatlong Mukha ng Pag-ibig,” “Kahit Konting Pagtingin” (with FPJ); “Maging Sino Ka Man” (with Robin Padilla), “Kahit Wala Ka Na” (with Richard Gomez); “Buy One Take One” (Richard), “Pasan Ko ang Daigdig,” at ” Captain Barbell (siya si Darna)” Okay din siempre yung “Madrasta” niya na naging dahilan para maging Grandslam Best Actress siya at “Crying Ladies” na nagbigay sa kanya ng award mula sa Brussels International Independent Film Festival. Iyong “Crying Ladies” dalawang beses kong pinanood sa sine… hehehe pero yung “Caregiver” hindi ko na pinanood, ayokong umiyak e.

Kailan ko lang napagtanto na pinagsabong pala sila ni Maricel Soriano noon. Mabuti na rin yon para hindi nahati yung puso ko, although siguro siempre kampi ako kay Shawie’ pag nagkataon. Hehehe. Like ko ang “Inday Bote,” “Super Inday & Golden Bibe,” “Pinulot Ka lang sa Lupa,” “Kaya Kong Abutin ang langit” etc.

naaliw din naman ako sa mga films ng regal babies pero mas na-hook ako noong bata ako sa mga pelikula ni Roderick Paulate at special mention diyan ang “Petrang Kabayo.” wahh naalala ko pa na sa ACT theatre kami sa cubao nanood noon.

photo from http://upload.wikimedia.org
photo from http://upload.wikimedia.org

noong medyo pwede na akong mamili at manood ng sine… wahh favorite ko ang “Magic Temple,” (patay na patay ako nun kay Junell Hernando), then kaming kuya ko trip na trip yung “Dahil na Mahal na Mahal Kita” na unang major film nina Claudine Barretto at Rico Yan (RIP). medyo naaliw din ako kay Jolina Magdangal – Kung Ika’y Isang panaginip at “Kung ayaw mo ‘wag mo.” dati hate ko si Judy ann at isa pa lang na movie niya ang napanood ko sa sine ang “Kasal, Kasali at Kasalo.” pero trip ko rin yung “Bat ‘di na lang totohanin.” nila ni Piolo

sasabihin ko pa ba na top favorite ko ang “Bata-Bata Paano ka Ginawa,” na susundan naman ng “Nasan Ka Man,” at “Santa-Santita” (galing ni Jericho roon). bukod sa bata-bata siempre may iba pa akong vilma santos films tingnan nyo dito.

santa-santita
photo from http://mimaih15.files.wordpress.com

so far, wala pang dagdag sa mga Tagalog Films na sobrang gusto ko, although meron naman talagang magaganda at may magagaling na acting. basta sa acting bet ko mga artista ngayon sina Jericho Rosales, John Lloyd CRuz, Iza Calzado. nanghihinayang naman ako kina serena dalrymple, carlo aquino, at jiro manio. sana mabigyan sila ng movie pa.

photo from http://media.photobucket.com
photo from http://media.photobucket.com

Bigat ng Linya

Nasabi ko na ba na mahilig ako sa mga old Filipino films?  Yung talagang award winning at  talagang makabagbag damdamin.  Pero alam nyo ba kung ano ang isang rason why yung mga film dati eh talagang tagos sa puso at nagiging classic?…hmmm… Sirit?  Madalas meron silang binibitiwang mabibigat na linya…

Tanda n’yo pa ba ang linyang ito?

Sharon Cuneta:

  • “You are absolutely right. ‘Yan lang ang tingin mo sa akin. Tagahanda ng isusuot mo, ng kakainin mo. Taga-ayos sa bahay mo, tagasalo sa mga problema mo. I was never your partner, I’m just your wife kaya hindi mo ako nirerespeto” – Madrasta
  • Noon matataas sila, ‘di maabot. Nagkikislapan…parang mga tala. Ipinapangako ko Inay, bukas luluhod din ang mga tala.”
  • “Oo ate, Oo ate, puro na lang Oo ate…..” – nakagapos na puso

Maricel Soriano:

  • Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ngmabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain. AYoko ng putik!  – Kaya kong abutin ang langit

Nora Aunor:

  • My brother is not a pig …Ang kapatid ko’y tao hindi baboy damo. – Minsa’y may isang gamu-gamo

Vilma:

marami pa actually… nakalimutan ko na yung iba… pero pwede rin nyong ipaalala daba!

Eh kagabi kainan at kwentuhan kami ng buong pamilya… third honor kasi yung isa kong pamangkin. Congratz!  Tapos napadpad kami sa isang tao na  pinagsabihan ko ng linyang:

“Sige ibukod na natin yung ginawa mo sa kapatid ko,  pero sana kung hindi ka naging mabuting asawa , sana naging mabuti ka man lang na ama.”

Banas na kasi ako roon, tas ikinuwento ko yung sagot niya sa akin:

“masyado ka ng maraming sinasabi-sabi, pakilamera! Dapat sa iyo…’

hahahaha, nag-react sina Manang Juling at ang isa kong Kuya.  Siempre tienes ko na lang yung kunwaring reply sa akin nung lalaking yun.  Hahahaha…  actually lahat sila sa hapag-kainan nagulat… buhehehe! Patola!