Self-doubt: Paano balansehin ang pagiging humble at confident?

May mga  punto sa buhay ko na tinatanong ko rin  ang aking sarili kung  tama pa ba ang pagiging humble ko .  Iyon din kasi  ang  mga  panahon  na  ang pakiramdam ko ay  inaabuso ang  kabaitan ko. Kakaparaya ko ata ay parang may opportunity na para sa akin na napupunta sa iba.  Sa ibang banda, may time din na nag-aalinlangan ako kung  tama  pa ba  ang pagiging confident ko. Baka mukha naman akong mayabang na o nagyayabang na ba ako? So paano nga ba balansehin? Kailan mo masasabing tama na maging humble at confident?

Kailan ba ‘di okay ang  maging humble

It takes maturity, acceptance, maraming payo, mahabang pagbabasa, at art of deadma (ignore) para kahit papaano ay  mapagtanto ko ang bagay-bagay.

Naniniwala pa rin ako na malaking bagay kapag humble ka sa iyong ginagawa. Ang humility o pagpapakumbaba ay pagiging bukas sa kritisismo at payo, na nakakatulong para sa aking sariling pag-unlad.  Doon ko madalas in-associate ito pero kasama sa alam kong pagiging humble ay pakikisama sa kahit kanino. Hindi mo dapat tinitingnan ang isang tao dahil sa kanyang estado, edukasyon, anyo, at yaman.

Kaya naman kapag pina-practice ko ang pagiging humble ko, tapos hindi ibinabalik sa akin at bagkus parang masama pa ang dating ay apektado ako.  Buti na lang ay may  malupit na payo sa akin ang kuya ko na  tumatak sa kokote ko…

“Huwag mong ispikin (expect) na kung ano ang ginawa mo sa ibang tao ay ganun din ang gagawin nila sa iyo.

Sa bagay,  ang kabutihan ay hindi  palaging black and white sa lahat ng tao. Mayroon nagduda sa kabaitan ng iba, dahil sa  sarili nilang mga  karanasan at nakalakhang pananaw.  So kung ganun, puwedeng ang pagiging humble ko ay maaaring sign para sa iba na ako ay weak, balewala lang sa akin ang isang bagay kasi nag-give way ako, at oo, hindi kasi ako palaban.    May wrong signal din kung baga. Ayon sa  nabasa ko sa sinulat ni Mike MChargue sa  Relevant Magazine   minsan ay mali na rin ang  definition natin sa humility.

“Our quest for humility makes us pretend we don’t have strengths—to be ashamed of what we do well. Pretending you don’t have strengths leads to low self-worth, and it doesn’t actually help us be humble.”

So kapag binati ka na ang “galing- galing mo naman” o ang “guapo/ ganda mo,” sa halip na sabihin mo na  “hindi naman?!,” sabihin mo  radyo “maraming salamat.”  Hindi mo iyon hiningi, kusang ibinigay at pagrespeto sa  pagkilala nila sa iyong magandang katangian.

parish-of-the-holy-sacrifice-via-crucis.jpg
to be humble and confident is … (photo: a part of Via Crucis o Way of the Cross Parish of the Holy Sacrifice UP Diliman

Kailan ‘di cool ang maging confident?

Inalala ko ngayon kung nasabihan na ba akong mayabang (yung seryoso) kaso wala pa eh ( kinalimutan ko na siguro). Pero feeling ko imposible rin naman walang nag-isip noon, lalo na  “pasikat” o “akala mo kung sino.” Noong high school pa naman ay bibong  bata ako sa  mga  extracurricular activities. Pero alam mo mas kabado o naaawa ako ngayon sa mga taong  (esp. kabataan) tumatayo  para sa  kanilang pangarap.   Hindi  pa man buong-buo ang kanilang self-confident ay naba-bash na sa online world.  So kailangan  kapag sasali ka sa reality show,  maging youtuber, or whatever ay dapat may matindi kang wall.

Pero hindi naman ibig sabihin na kapag confident ka ay mayabang ka na agad. Nagkakatalo iyan sa kung talagang mayroon ka ng something o nagpapanggap ka lang. Kung ginagawa mo ang isang  bagay para sa tamang dahilan at hindi para angat ka lang sa karamihan.  Ayon nga sa Galatians 6: 3 -5 :

“If anyone thinks they are something when they are not, they deceive themselves.  Each one should test their own actions. Then they can take pride in themselves alone, without comparing themselves to someone else, for each one should carry their own load.  

Para sa akin,  ang hirap abutin ng isang pangarap,  bagay man ito o tao, kung wala  kang lakas ng  loob.   At para  magkaroon  ka  ng lakas ng  loob  kailangan mo ng sapat na kumpiyansa sa  sarili. Ang magandang isipin siguro  tungkol sa  confidence ay ito ay “faith in yourself.” Binigyan ka ng  Diyos ng gifts  at pagkakataon na gawin ang isang bagay, bakit  mo  hihindian dahil  lang sa  sinasabi  ng  iba? Ayon nga sa Romans 12:6-8:

“In his grace, God has given us different gifts for doing certain things well. So if God has given you the ability to prophesy, speak out with as much faith as God has given you. If your gift is serving others, serve them well. If you are a teacher, teach well. If your gift is to encourage others, be encouraging. If it is giving, give generously. If God has given you leadership ability, take the responsibility seriously. And if you have a gift for showing kindness to others, do it gladly.”

Mabuhay!

Why it’s better to clean your own mess?

Dear Ate Jevs,

Greetings!

Isa po akong abalang tao na maraming ginagawa sa buhay. However, when it comes to organization and frequency of cleaning especially in my own room are not my thing. Let’s say na that I clean when I feel like I can’t take it anymore.

And then my mother, na napakalinis sa bahay, ay pinasok ang rain forest ko. Nagalit si Mother at sa kanyang galit ay nilinis ng sobra sa igi ang aking kuwarto. Nagpapasalamat ako na nilinis n’ya iyon pero tinapon naman n’ya ‘yong mga bagay na mahalaga para sa akin. Akala n’ya kasi basura na.

Gusto po n’ya na ayusin pa ang kuwarto ko kaso ayoko na po pagalaw kasi baka may matapon na naman siyang gamit ko. What I’m going to do?  Please help ASAP!

Love-Love

Hideaki  Platon

Dear Hideaki,

          What you’re going to do? Linisan mo kaya palagi ang kuwarto mo. Kahit na nakakatamad ang maglinis at mag-ayos ng gamit o sabihin nating nakakabawas sa mga pinagkakaabalahan mo e gawin mo. Baka nga mas lalong nakakaabala sa mga pinagkakaabalahan mo ‘yang mga kalat mo kaya lalo kang tumatagal. ‘Wag mong sabihin na ‘yang frequency mong maglinis ay mataas ang megahertz?

            And I believe that the only person who understands the way you view things, ay ikaw rin. Eh kung ako nanay mo at makita ko ang picture mo nasa sahig at inaamag na, itatabi ko pa ba?  Kung ikaw nga na nasa picture ay hindi maatim na itabi ‘yon, ako pa kaya lalo na kung hindi ka pa kagandahan o kaguwapuhan (ano ba ang gender mo?) roon. Kaya maganda na ‘yong taong nagdudumi ay siya rin ang naglilinis ng kanyang kalat, kasi kung ano ang importante sa iyo ay maaaring basura sa iba.  Gets?

take care, mwah mhwah

Ate Jevz

nakakabinging himutok

sino bang ayaw na makatulong at sino rin ba ang walang dinadalang problema?bksg0016

madalas kahit na may dinadamdam na sa puso at gumugulo sa isipan ay ipinapagamit pa rin natin ang ating tenga sa iba para naman kahit papaano ay makatulong tayo sa pasan-pasan nilang hinanakit.

maganda naman yun. madalas sa isang masinsinang kwentuhan ay mas masarap kausap ay iyong handang maglahad ng tunay na istorya at handa ring makinig sa iba. pwedeng maging inspirasyon o hamon ang mga tinuran ng iyong kaharap kung tutuusin. ang siste, may mga abusado sa tenga ng iba. walang tigil na sa kakatalak, puro negatibong bagay pa ang lumalabas sa bunganga.

ilang ulit bang dapat sabihin ng tao ang kanyang problema para magtigil na siya? Kailangan pa bang balik-balikan ang nakaraan na ang hinatid lang ay pasakit sa iyong hinaharap? kaya bang matugunan ang suliranin sa pamamagitan ng puro salita pero wala namang aksyon?

ang babae o lalake na puro reklamo sa kanyang karelasyon, masarap sabihin na ” hoy, hiwalayan mo na nga kung ayaw mo!”

ang tao na balik ng balik sa kanyang nakaraan, na kahit bagong-bago isyu na ang pinag-uusapan ay talagang nakakahanap ng paraan para mapunta sa kanyang sarili ang atensyon. “sana mag-move on na ‘di ba!? wag mong pahirapan ang iyong sarili!”

sa indibidwal na puro reklamo sa buhay? “doon ka sa baranggay magpaliwanag! don’t spread your negative energy, Utang na loob!”

sa tao na hindi maubus-ubusan ng problema at nakikipagkompetensya sa palungkutan ng istorya… “ah e may issue rin kami, pwedeng pagbigyan mo naman ang iba! WALA KA SA LOLO KO!”

lahat tayo ay may mga pinagdadanan o may krus na pinapasan. mahirap talaga ang laging maging positibo, may ilan pinag-aaralan ‘yan habang ang iba ay likas ng masayahin sa buhay. kung hirap ka, pwes ‘wag kang mangdamay ng iba!”