Ang Pinaka Paboritong movies ni Vilma Santos

Kung papipiliin ninyo ako rati kung sino between Vilma Santos at Nora Aunor ang type ko, mas gusto ko si Vilma.  Dahil kasi iyon sa show niya sa GMA 7 na talagang may bonggang-bonga production numbers siya palagi. Eh mas hilig ko ang mga sumasayaw kaysa kumakanta.  Feeling ko kasi,  marami na ang magaling na singers at singer-singeran pero ang magaling at graceful sumayaw, napakabihira niyan.  Sa ngayon, kahit  kanino na  ako. After naman ako sa kabuuan ng pelikula at acting at hindi sa artista.

Nitong nakaraang linggo nakapanood na naman ako ng “Ang Pinaka” and ang kagandahan pa nito  ang mga paboritong movie ni  Star For All Season- Vilma Santos ang tampok.

Vilma Santos old photosIto po ang mga iyon:

10: Alias Baby Tsina (1984)

9.  Dekada ’70 (2002)

8. Lipad Darna Lipad (1973)

7. Tagos ng Dugo (1987)

6. Anak (2000)

5. Bata Bata Paano Ka Ginawa? (1998)

4. Pahiram ng Isang Umaga (1989)

3. Burlesque Queen (1977)

2. Sister Stella L (1984)

1. Relasyon (1982)

Ang pinakapaborito ko naman dito ay ang “Bata-Bata Paano Ka Ginawa.” Astig itong pelikulang ito, kahit sino sa cast wala kang itatapon. Sa lahat pinakagusto kong eksena ay nung tinatanong ni Albert (Ding)  si Vilma (Lea)  kung anong magandang luto para sa itlog- prito ba o laga?  Eh aligaga si mother Vi sa pagpapatahan kay Maya (Serena Dalrymple na wow na wow ako sa performance) kaya ‘di sya makasagot. Sa bandang huli nagalit si Ding… alam nyo sagot ni Lea?

Lea: NANG putang ina gawin mong manok!

Siempre winning moment at classic talaga ang acting nina Carlo Aquino (Ojie) at Vilma sa scene na…

Lea: Wala akong ginagawang masama

Ojie: akala mo lang wala, pero meron-meron

(Sampal ate VI with matching panggigil ng nguso at panlilisik ng mata!)

(Pasampal ka Carlo habang umiiyak then hinga ng malalim!)

I like it grabee.  Naku kung natutukan lang talaga ng kung sino man yang si Carlo A. talo pa niyan sana sina Piolo P, Jericho R, John Lloyd C. sa mga stars ng 2.

Bukod sa mangilid-ngilid din ang luha ko, lalong-lalo na iyong itinulak ni Claudine si Vilma nang ipinapauwi siya nito sa bahay nila noong naglayas siya, memorable talaga sa akin ang “Anak.”  Iyan kasi iyong pelikula na pinanood namin ni Manang Juling sa sinehan na kinain ata ako ng silya.

Ito ang eksena, nakapwesto  sa  medyo gitnang part ng orchestra sina  Manang Juling at Hoshi. Ang nasa screen na ay ang confrontation scene ni Vilma at Claudine kung saan sinabi ni VIlma: “Sa bawat paghithit mo ng sigarilyo mo… kung ayaw mo  sa akin, ayaw ko rin sa ‘yo!”

Manang Juling:  Tingnan mo nga nagagawa ng ina. Kahit anong sama ng mga anak nandiyan pa rin (medyo humahagol-gol habang sinasabi).  Ang anak matitikis ang magulang pero ang magulang….

eh akala ng tao inaaway ko ata siya, nagbulungan tuloy. Tas may narinig ako Grabe naman yang babaeng ‘yan! Hayun kinain na ako ng silya ko. Hahaha!  Akala siguro nila si Claudine katabi nila. (joke)

Yung ibang pelikula sa chart ay ipinalabas ng wala pa ako sa mundo kaya hindi ko masyado na maarok. Ito ay maliban sa “Burlesque Queen” na super renta ako before.. Yung “Dekada ’70” di ko naman pinanood kasi di ko trip, wala siguro ako pera noon. Sa lahat naman ng laman ng survey  naku- curious ako sa “Tagos ng Dugo” mukhang maganda siya e.

Hay miss ko na makapanood ng mga lumang pelikulang Pinoy.

Sana ulitin yung kina Sharon at Nora, maging yung kay Dolphy kahit napanood ko na sa Ang Pinaka.

Advertisements

Dungaw, a Puppy Love fiction (pu-fi)

Warning: mahaba ‘to, e kwento nga e

 

I.

 

Noong una wala ka lang sa akin, suplado ka kasi, minsan lang lumabas ng bahay at magkaiba ang henerasyon natin. Ako naman ay abala pa noon sa pakikipaglaro, lalo na sa mga nakababata mong pinsan. Pero, isang araw bigla mo akong tinitigan at tayo’y nagkausap. 

Dahan-dahan sa pakiwari ko’y nag-iiba ang trato natin sa isa’t isa. Palagi ka nang nakatambay sa harap ng bakuran n’yo, habang ako’y palaging napapadungaw sa bintana namin. Unti-unti nagugustuhan ko ang pagiging tahimik mo, ang ‘di mo paghuhubad ng T-shirt kapag nagba-basketball, ang itsura mo na laging mukhang presko kahit pagod. Maging ang pag-iwas mo sa mga inuman at ‘di paninigarilyo,  pagbabasa ng diyaryo at pagpapatugtog ng radyo. 

Alam mo bang napakasaya ko noong batiin mo ang pagsasayaw ko kahit parang  palpak naman  ang  nagawa ko.

 

II

 

Napangiti ako nang malaman ko na marami pala ang nagkakagusto sa iyo. Akala ko nga may nagustuhan ka sa isa sa mga kabarkada ng ate ko. Bigla-bigla hindi ka na lumalabas sa inyong bahay at nawala na rin ang alingawngaw ng iyong radyo.  Napansin ko na lang din na palagi akong niloloko ng kuya mo noong mga panahon na iyon.  Sila ba ang patalastas ng ating kwento?

Isang okasyon, nagulat ako dahil sumama kang makikain sa amin.  Sa bigla ko nga ay para akong naging istatwa at namula ang aking mukha. Kahit gutom ako nun, mas pinili ko ang maglagi sa kwarto

Naalala ko rin noong gabing ‘yon ay nagmamadali kang umuwi. Akala ko nataranta ka rin dahil bigla akong lumabas, iyon pala nahiwa ang daliri mo ng salamin ng mesa namin. Ang cute, namula ka rin nang magtama ating mga mata.

 

III.

 

Minsan umangkas ako sa tricycle ng kaklase kong lalake para maihatid malapit sa bahay namin.  Kung ano ang saya ko sa biyahe, iyon naman ang simangot ko noong makita mo akong bumaba ng tricycle. Nanginig ata tuhod ko noong tumayo ka at umalis. Tama nga ang song mo sa akin, “Isang Tanong, Isang Sagot” type ba natin ang isa’t isa?  

Pero mas nalungkot ako nang malaman ko na maninirahan ka sa ibang bansa.

 

IV.    

 

Ilang taon ang nakalipas, wala ng balita sa iyo at abala na rin ako sa ibang bagay. Isa sa inaayawan ko noon ay ang mamalagi sa tindahan namin, pero minsang abala ako sa pagnguya ng chichirya ay narinig ko na lang boses mo.

“Hi Hoshi!” bati mo sa akin. Noong araw na iyon, parang lalo kang gumawapo at hindi ako nakaimik. Sabi mo “hindi mo na ako kilala?” Kunwari, kinikilala kita pero sa totoo lang alam kong ikaw na ‘yon. Pero, ang mahirap sa iyo puro ka pagbati  at hindi ka marunong magpaaalam, lalo na nung muli kang umalis.

 

V.

 

Nitong Marso nabalitaan ko na darating ka at dahil may teresa na ang bahay ninyo hindi ko maiwasang tumingala rito. Subalit ilang linggo na ang nagdaan nun ay hindi pa rin kita nakikita.

Isang araw, naisipan ko na magsimba sa paborito kong simbahan sa Manila. Dahil inabot ako nang tanghaling tapat at nakita kong may mga basura sa tapat ng aming bakuran, medyo uminit ang ulo ko. Subalit, maya-maya  ay may narinig akong tumawag sa aking pangalan.

Nang tumingala ako, nakadungaw ka na sa inyong teresa. Binati mo ako at dalawang beses  naman kitang nasabihan ng “Hi!” Binati kita at sinagot mo naman ako sa wikang Tagalog kaya namangha ako sa iyo.  Iba ka kasi sa  nakatatanda mong kapatid.  

Maya-maya napadako ang tingin ko sa batang naglalaro sa tabi mo  Tinanong kita kong kaano-ano mo ang bata. Sinagot mo ang tanong ko at dahil doon gusto ko nang tumalikod kahit nararamdaman ko na gusto mo pa akong kausapin.  Pero tingin ko ‘di mo narinig ang tanong ko dahil saliwa rin ang sagot mo nang sabihin ko na kausapin mo ang kuya ko.

Hindi ko mapigil ang mapatanga sa tuwing naalala ko ang eksenang iyon, lalo na’t nalaman ko na hindi mo naman  nakausap sino man sa miyembro  ng pamilya ko o sa mga kapit-bahay natin. Salamat! Dahil nitong huling alis mo, isinigaw mo ang pangalan ko.