So after all I have art in my body

Let’s say na through the years, I gain confidence when it comes to blogging.  So in the art of writing pwedeng pasado na ako but when it comes sa ibang art especially sa mga  handicrafts sobrang below sea level ang aking self esteem. Babalikan ko pa ba ‘yong ipinahiya ako sa klase ng aking elementary teacher? Pero nagbago ang lahat, when I made something because of concern or let’s say Love.

Remember my Kopikey Kurtain ,which I published in Hoshilandia.com (if I’m not here, i’m there- so please visit this site too)?

Nanalo ako sa contest na kung saan ko ito isinali. Sobra itong nagpataas ng aking trust rate -sa art -ayon sa aking sariling survey. Dito ko na-realize ‘yong sinasabi ng Iba na they don’t actually care about the prize ( pero siempre impossible naman na hindi) kundi dun sa something na ma-prove sa iyong sarili. At ito na ‘yong isang dagdag na kwento sa Iba na masaya ka na makakain na sulit meal tas bigla may nagbigay na ng extra rice at may dessert pa.

Thank you very much sa Craft Time Magazine sa pagpili nila sa aking entry. I’m looking forward na makita ang aking pa-cute na pagmumukha at medyo  generic at nakaka-addict na real name kasama ng aking pinaghirapanng curtain sa special feature section sa kanilang next issue.

Sana lang suportahan ako  mga ka-blog ko. Grab your copy now! Damayan n’yo ako sa aking art journey. hohohoh!

Solitaire

Wala pang ibang games si Hugh Will (pangalan ng notebook ko) kaya sa ngayon kapag nababato ako, naglalaban muna kami ng chess at naglalaro ako ng Solitaire.

Kahit gaano ko ito katagal na laruin at ulit-ulitin ang Solitaire, hindi ko pa rin makuha ang right na technique para manalo. Kapag sinasabi ni Hugh na wala na akong magandang maimo-move magbibigay siya sa akin ng 3 choices (play again, restart this game and exit). Sa determinasyon ko na ma-solve ang pagkakasunod-sunod ng mga baraha, pinipili ko ang ikalawa. Kaya naman same na baraha ang sisimulan kong ayusin pero kailangan maalala ko ‘yong mga posibleng magandang move at baguhin ang mga pagkakamali ko.

The life you live is the result of the many choices you make in life.” – Dean Pax Lapid & Ping Sotto (Go Negosyo: 21 Steps on How to Start Your Own Business by Joey Concepcion).

Napagtanto ko na kahit gaya ng Solitaire na may tsamba-tsamba ang manalo,  hindi lamang sa kung ano ang ibinigay sa iyo ng kapalaran ang magiging depenisyon ng iyong buhay. Sa bawat desisyon na iyong pinipili dun mag-uugat ang mga susunod pang magiging takbo ng iyong laban sa buhay. Subalit, ang pinagkaiba lang ng Solitaire sa ating mga sarili ay hindi na tayo na puwedeng mag- play again o mag-restart ng game. Ang magagawa mo na lang ay magsimula ulit ng bago o kaya um-exit kapag talagang loser ka.

birthday wishes

(note: sa apat na taon ng hoshilandia Sr. ni hindi pa pala ako nakapag-post about sa kaarawan ko. Hahaha!)

Yes, nag-birthday kami ni Piolo Pascual (kailangan isama talaga), pero dahil inisip ko para hindi mahirapan ang mga magbibigay ng regalo sa akin, ako na ang nag-post sa FB account ko ng mga gusto ko.

Eto yun…

  • malaking kaserola (para hindi na kami nagta-tiaga sa walang hawakan)
  • logo para sa aking hoshilandia.com
  • caricature ko bilang si hitokirihoshi
  • AAA energizer rechargeable battery ( okay lang din kung yung silver na disposable) o apat na black na Eveready (para hindi lang pang-display ang wall clock namin)
  • yung ubod ng tibay na can opener (yung pang sardines)
  • bag na maraming bulsa (itim/brown)
  • cover ng PC (monitor,keyboard, CPU)
  • cover ng 21 inches na TV
  • 3 makapal na shorts na pambahay (utang na loob ayoko ng pink, maiksi, manipis at bulaklakin)
  • isang malaking bote ng biogenic alcohol
  • earphones ng motorolo L72 (kahit class A lang)
  • cellphone cover ng motorola l72 at cherrymobile
  • headset na may mahabaaaang cords (3 inches or more)
  • whiteboard/bulletin board kasing laki ng (isang spread ng broadsheet newspaper)
  • copy ng photoshop (yung naka-cd na ha)/ pwede ring libro o photocopy nun)
  • dvd copy ng akazukin cha-cha/ inuyasha
  • dvd copy ng charmed/ summer of bubbles/autumn concerto
  • black ink para sa HP deskjet d1600 series
  • set ng pantahi (oo yung may sinulid at karayom)
  • totoong small guitar (yung sunod sa malaki) eh sa gusto kong magitara e, di lang abot ng fingers ko yung standard size)
  • 3 nail cutters (sumasama ata sa kuko nung mga pinahiram ko yung mga nawala) at 2 tiani (yung nakakabunot ng uban)
  • mamahaling ice cream kahit isang baso lang (hindi ako kumakain ng halo-halo flavor) – pero sige okay na ang mcflurry (mcdo) at frosty(wendys)
  • green salad na P45 sa tropical hut or 100 plus sa Wendys
  • flashdrive 8gb (orange/purple/ silver/ blue)
  • sandals na may strap (black)
  • black socks na hanggang  ankle lang
  • limang immodium, tatlong biogesic, tatlong neozep, at tatlong claritin
  • creative cookbook  (yung naglalaman ng simpleng instruction gaya paano maghiwa ng kamatis, maggisa at huwag matilamsikan ng mantika)

hahaha, natawa lang ako na may nagsabi nab aka raw mangkukulam ako dahil sa ibang hiniling ko. May nagsabi rin na lokohan daw. At may ang pinakagusto ko yung mga nag-pledge talaga. Siyempre yung iba dyan natanggap ko na at may mga hahabol pa raw.

Ngayon may nag-text, sabi bakit daw di kasama ang _ _? Sabi ko hindi kayang iregalo ng tao yun at hindi pang wishlist. Birthday prayer ko na yun. hehehe!