The Two Doors

Ngayon papatapos na ang taon, nasaan punto ka ngayon?

Ikaw ba ay abala, masaya, malungkot o puno ng takot?

Buksan ang pintuan ng kahapon…

Ano ang iyong nakikita?

Makukulay na pangyayari?

Lugar kung saan ka naglagi?

O mga taong ang iyong nakatagpo’t nakatabi?

Subali’t may mga masasayang sandali na hanggang alaala na lamang…

May mga pangit na tagpo na sadyang mahirap kalimutan

Sa bagong kabanata

Sa kinabuksan

At sa bagong pintuan ng iyong buhay

Dito muli kang dadanas ng makukulay at naiibang

Mga karanasan, pakikipagsapalaran

Nakabubulagang surpresa, bagong makikilala

Sisimulang plano, panghahawakang kasiyahan

At mga hamon na laging laman ng iyong isipan.

Pero  hindi ba?

Kahit anuman ang magsara at magbukas

Mananatili at magbago

Umalis o bumalik

Ikaw ang magdedesisyon kung gusto mo ng

Kabuluhan, kasiyahan at Tagumpay sa iyong buhay

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon

If you could turn back time…

Matagal-tagal na rin pala akong ‘di napadpad dito. Bukod sa abala sa totoong buhay at maraming inaasikaso ay aminado akong mas nabibigyan ko ng atensyon ang hoshilandia.com ko. Pero hindi pa ako bibitiw sa kwentotpaniniwalanihitokirihoshi, dito ako nagsimula at dito ako totoo. Dito ako loka-loka at dito rin ako emotera. Dito ko kayo nakilala at dito ko n’yo rin ako unang nakilala.

Kung iba late, ako uunahan ko na at puwede n’yo akong batiin. Apat na taon na ang blog kong ito sa October 3 na kung saan nabuo ang aking Pupu series at nakasama si Ate Jevs.  pero hindi mo na ako e-emote gusto ko muna bigyan ng highlight ang title. Ang inspirasyon nito ay mga nakakasalamuha kong mga bata at ang naitago kong ginupit na artikulo noon na ngayon ay baka ipamigay ko na, hehehe!

Napansin ko sa aking sarili na ako ay mabilis na mag-mature hindi sa pisikal (walang aminan siempre) kundi sa pananaw ko sa buhay (maniwala ka promise). Subalit, hindi ibig sabihin na ang taong mabilis mag-mature ang pag-iisip puro benefits. Pag masyado ka kasi nakatingin sa future may nahahakbangan ka na ‘di mo pala dapat na kinaliligtaan. Pero kung tatanungin na nga ako ng tanong na if you could turn back time…(that means pakilamera ako sa oras) what would you tell to your younger self? Hmmm.

“Huwag kang maging mahiyain, huwag kang matakot at tama ka!” Hindi naman sa pang-aano pero wala naman akong gaanong pinagsisihan o kahit gusto pang balikan. Naglalaro ako, nahilig sa anime, nagkaroon ng mga kaibigan, at nag-aral nang tamang mabuti. Naniniwala ako na kung inayawan ko ang isang bagay o isang tao noon, kahit tila ito sana ang naging dahilan ng pagkakaiba ng pamumuhay ko ngayon, ay hindi ko dapat panghinayangan. Kung iyon ba ang naabot ng utak ko noong panahon na iyon e, eddie ganoon. Kung iyon ba ang tingin kong dikta ng puso ko, eddie iyon. Ang aral naman sa buhay ay hindi isang click, heto na. Nasa paglalakbay yan at panahon na iyong ginugugol.

Siyempre wala namang perfect at may mga wishes ka na gustong manyari. Pero bawat bagay o tadhana na ipinagkaloob sa akin ng Diyos ay malamang na malamang ay may purpose kahit parang stressing and hurtful initially. Hindi ko makikita ang magandang bagay, kung hindi ako nakakita ng pangit. Hindi ko hahangarin na magtagumpay kung hindi ko naranasan na maging loser! Pero bawat stage ng buhay ay dapat naaayon dahil may oras ang mga ito. Sana ma-realize ito ng mga kabataan na ang aaga-aga ay puro pang-matanda na ang inaatupag. Hindi porke ginagawa ng matatanda ay “in” at ‘yon talaga ang gusto ninyo sa buhay.

random tots!

-bakit ba napakatagal maghintay pero napakadaling umayaw?

-may nagsabi na  kapag matanda na ang dapat ay i-enjoy na lang ang life niya. eh paano naman yung batang hindi o  hindi pa ma-enjoy ang life?

-minsan kahit kilala mo na yung tao ng matagal pero ilang buwan pa lang kayo hindi nagkikita e parang iba na siya sa paningin mo. malaki talaga ang nagagawa ng time and space/ distance ano?

-hangad ko lang ay buong pamilya – coco martin (kung tay’oy magkakalayo)

-may pagkakaiba yung nag-iisa ka at wala kang kasama doon sa nag-iisa ka na marami kang kasama na hindi mo mga kilala.

-napakasarap magplano pero napakahirap gumawa ng aksyon.

-madalas kahit alam mo na ang sagot, gusto mo pang idikdik sa iyo ng iba yun.

-at panghuli, bakit yung iba de tabo pero nakakapagbuhos naman pero yung mga pam-flush di pa magawang mag-shoot ng tama. bow!

Superwhatword: Focus

superwhatword of gamehouse
superwhatword of gamehouse

“Concentration is the ability to think about absolutely nothing when it is absolutely necessary.” – Ray Knight

Isang araw sa aking buhay, matapos ma-reformat ang aming computer na tadtad ng virus, naatat akong gamitin ito. Bunsod sa ninais ko lang naman na subukan kung maiigi na ang kalagayan nito ay minabuti kong maglaro ng SuperWhatWord.  Maiba lang ba sa TextTwist, Solitaire, at FowlWords na madalas kung ipangpatalastas kapag nagtitipa ako sa computer.

Banayad naman ang daloy ng aking paglalaro. Wala akong iniintindi na may sinumang at anumang aagaw ng aking atensyon kapag nakita akong naglalaro sa computer namin.

Maya-maya napapansin ko na lang na nadagdagan na ang mga wikang kailangan kong buuin . Sa larong ito kasi hindi lamang pagbuo ng hinihinging salita ang dapat na isaalang-alang kundi maging ang oras at aksidenteng pagkakabuo ng wika sa pagdudugtong o pagpapalit-palit ng mga letra. Kapag nangyari iyon mawawala at maghihintay ka ulit ng paglabas ng letra na pwedeng makabuo sa hinahanap na salita. (Ipagpaumanhin, bukod sa mga binanggit ko, BattleCity at Need4Speed Underground hindi ko na kaya ang iba. Napapa@$# na talaga ako sa kaba.)

Ang pinagkaiba lang sa laro ko noon ay ‘di ko napapansin na mataas na iyong antas ko, na noon ko pa lang naabot. Kung hindi nga lang dumaan iyong kaibigan ng kuya ko na sinita kong ‘wag manood ay baka hindi pa ako natalo.

Ano ang kahalagahan ng nasabing partikular na laro?

Napagtanto ko na kaya mataas ang aking puntos ay dahil wala akong iniisip na iba.  Sa laro na lang mismo, hindi ako nakatuon sa kung ano kaagad ang mabubuo kong wika sa mga hinihingi.  Basta ang nasa isip ko kailangan mabuo ko muna ang wikang gusto ko mula sa mga letrang nasa screen.  Kahit kailangan kong mabuo ang pitong wika sa loob lamang ng ganitong segundo, wala akong pakialam basta kailangan matapos ko muna ang isa bago ako tumalon sa isa pa.

Hinuha:

Matagal ko nang napapansin sa aking sarili ang pagiging abala ko sa maraming bagay. Kung kayang makuha ang ilan sa isang pagkakataon, ginagawa ko. Hindi rin mapirmi ang aking isipan at mata sa iisang bagay, kailangan makita ko muna ang iba pa bago ako magdesisyon kaya naman hindi ko namamalayan na tumatagal ang aking ginagawa. Gusto mo ng isang mas malinaw na halimbawa?

Kapag nag-aaral ako, kahit anong linis ng lamesa, kailangan ikalat ko muna  roon ang lahat ng laman ng bag ko bago ako makuntento na pwede na akong mag-aral.  Hindi uso sa akin na kailangang maayos at nakasalansan ang mga gamit.

Kung tutuusin, napakadaling alamin kung saan ka mahina at kung ano ang pagkukulang mo. Pero bakit sa pamamagitan pa ng isang bagay o karanasan  mo mapagtanto ang isang simpleng ideya? Kaya ang leksyon sa akin ng laro ay sumentro o magkaroon ng focus.

Ano ang focus?

“Our thoughts create our reality — where we put our focus is the direction we tend to go.” – Peter McWilliams