Blogging is therapy

sa totoo lang mahirap maghanap nang matinong kausap.

yung hindi lang uupo sa harapan mo at titingnan ka

yung hindi ka lang ihe-hear kundi ili-listen din yung

stories and rants mo. (naks may taglish)

‘di ba nga sabi nila ( doktor, friends and bida sa teleserye)

“ilabas mo yan , ‘wag mong kimkimin”

i-comfort room mo na yan (sabi naman ng 2 leading gamot pampa-LBM).

pero wala e, buti na lang may

Flight

ayon nga kay Zion Campo.

Ikaw, bakit ka nagba-blog?

Join ka na sa Blog Life Contest at  i-discover ang mission mo sa blog world!

Advertisements

Pet Society

Bakit pag nilalambing natin ang isang tao, pagkain ang tinawag sa kanya? Di ba Honey, Sweetie Pie, Hugs and Kisses, Sugar, Crèma de pruta ay wala pala yung huli. Pero hayop naman sa pagka-animal pag nagagalit tayo or naninira tayo.

Kapit-tuko! – sipsip na malaki ang mata chuz!

Para kang linta – sipsip din pero madugo, bloodsucker!

Peste! –  yan yung di lumilipad at hindi na kailangan sa kabukiran kahit sa bahay lang at walang ginagawa.

Para kang aso – ibig sabihin maitim ang nguso este kung makaihi sa kung saan-saan lang

Parang mga aso – tawag sa mga magsyota na kahit saan chumuchurva as in makatakip lang ng payong, matabingan ng talahib ng damo, madiliman lang konti o minsan kahit wala na, go lang go!

May sa pusa – puwedeng ipalaman sa siopao este parang matagal matigok. Manood ka ng action movies sasabihin ‘yan dahil pinagbabaril, pinag-iitak, pinagto-toothpick eh buhay pa rin.

Ahas! – traydor!

Rattle snake!- pag hanggang sea level ang betrayal na naganap

Black mamba! – kapag gusto mo ng revenge ala Kill Bill

Usad Pagong –mabagal kumilos puwede ring lagay ng traffic sa EDSA lalo pag rush hour at umuulan

Hunyango ka! – mapagbalat-kayo! salawahan! balimbing! Tagalog version ng “Karma-Karma Chameleon”

Etchoserang palaka – (no comment na lang hehehe)

Kalapating mababa ang lipad – Natirador na ng mga bata, magdalena, itinuturing na mababang klase ng babae

Unggoy! – Mukha mo! (ewan kong may iba pa, yan ang tawagan ng nag-aasaran sa amin e)

Patabaing baboy – matagal-tagal ng palamunin

Buwaya – politikong corrupt to the sea level. Pag pasosyal puwede ng crocs

Hayop ka! -your are resident asshole

Animal ka! – You are globally asshole

Ikaw may idagdag ka pang hayop na term?

Ikaw, Ikaw, Ikaw

Ikaw, Ikaw, Ikaw

Puwede ba tantanan na ninyo ako. huwag nyo na ako guluhin. Okay fine happy kayo sa buhay ninyo at ganito ako. masaya na ako para sa inyo pero puwede pag nagkita tayo huwag nga kayong nang-aano. Pero mas maganda wag na tayong magkita-kita. Hindi rin kayo ang gusto kong makita.

Puwedeng mukhang wala lang at may halong kaplastikan, pero definitely nabubutihan ako sa sitwasyon ninyo. Wala as in. hindi rin ako naiingiit kasi ganyan nangyari sa inyo kasi honestly kampante naman ako sa buhay ko. nangangarap, may mga frustration at naiisip na rin pero ito ako.

Ikaw – sa tuwing nagkikita tayo ang flirt-flirt mo. actually naging crush naman kita dati kaso dati pa rin alam kong hindi tayo talo. Taas mo kasi ano?! Para akong bobo ‘pag pinagtabi tayo. Akala mo naman mabibilog mo ulo ko. “I want to spend my lifetime loving you” ka pa dyan! Mukha mo! kahit suotin mo pa ang maskara ni Antonio Banderas hindi ka pang-Zorro. Desperado, puwede pa. eh ano naman paki ko sa kalendaryo mo. wala pa ako doon, palibhasa nauna ka. gusto mo naman sundan kita. hayyyy! pero sige, dahil understanding ako. iintindihin kita. Uwi ka na sa inyo, shoooh!

At Ikaw naman – okay fine crush at scholar ka ng bayan. Nasa sayo ang respeto. Parang ‘pag pinag-fair tayo mapapa-ha? Ang lahat. Why ako? Wala rin ako sanang problema sa iyo kundi ka lang sa pagiging ungentle man mo. Uunahan mo pa talaga ako sa upuan at sasakyan. Tingnan mo pag nakabili ako ng sasakyan, papasakayin kita nang malaman mong hindi ako kagaya mo. I’ll melt you with my kindness. Oo guapo ka nga, siguro reluctant akong aminin yun pero sorry ka Dong. Hindi rin kasi tayo talo. Gusto sana kitang kaibiganin dati pa kaso ako- gusto ko  epol ikaw gusto mo, epal. Feeling mo sa akin immature na tao, alaga ng mga nakakatanda. Siya-siya, magtrabaho ka na lang ng mahusay at magpakabuti ka na.

Oo Ikaw din,  wala, wala naman akong reklamo sa iyo. Hindi mo lang ako pinapansin masyado. Parang ang gili-giliw ko naman sa iyo at tinutulungan kita pero wala lang. Mababang uri ako? Kuya! Huwag kang mag-alala hindi kita hahabulin at hindi na ako ang dati mong inabangan. Sorry to disappoint you pero kailanman hindi ako sumusunod sa dikta ng kung ano naayon para sa isang babae, kundi sa kung saan ang tama at saan ako komportable. Pero it doesn’t mean na pag turnoff ka eh may right ka na tratuhin ako ng ganito. Hindi ka kailangang maging sing guapo ni Bae Yong Joon (kasi nag-iisa lang yon) at kasing yaman ni Prince William (kasi ayokong maging buhay prinsesa tamang business Tycoon lang). dahil kahit nasa iyo lahat pero pag hindi kita trip, hindi rin talaga.

Note: hindi lang traffic at hirap sa pagsakay ang problema sa pagko-commute kundi sa makakasabay mo rin.

– pasaherong windang

kung ako’y…

Isip mode

Kung ako’y prutas gusto kong maging suha para tunog so hot!

Kung ako’y gulay gusto kong maging basil. tunog singer na (Basil Valdes) pang Pesto pa

Kung ako’y isang bahagi ng bahay, gusto kong maging CR. Para maglabasan na tayo ng sama ng loob.

Kung ako’y superhero, ako si storm. Lintik lang ang walang ganti

Kung ako’y puno, malamang hindi ako alatris. Dahil hindi ako tumubo kung saan lang.

Asar mode

Kung ako’y alien, malamang wala ako dito sa earth

Kung ako’y pangit, ano ka pa kaya?

Kung ako’y bastos, bastos ka rin kasi nakikipagbastusan ka sa akin

Kung ako’y bagay, ayokong maging gamit mo

Kung ako’y hayop, puwes animal ka. Welcome to safari!

Emo mode

Kung ako’y iiwan mo sana’y dalhin mo rin ang puso ko

Kung ako’y mawawalay sa iyo, babaunin ko ang masasaya nating alaala

Kung ako’y masaya ngayon, iyon ay dahil nandyan ka.

Kung ako’y nagagalit ikaw ang rason. Mahal kita pero di ko mapangatawanan

Kung ako’y baliw, oo nawawala ang  katinuan ko sa iyo.

nakakabinging himutok

sino bang ayaw na makatulong at sino rin ba ang walang dinadalang problema?bksg0016

madalas kahit na may dinadamdam na sa puso at gumugulo sa isipan ay ipinapagamit pa rin natin ang ating tenga sa iba para naman kahit papaano ay makatulong tayo sa pasan-pasan nilang hinanakit.

maganda naman yun. madalas sa isang masinsinang kwentuhan ay mas masarap kausap ay iyong handang maglahad ng tunay na istorya at handa ring makinig sa iba. pwedeng maging inspirasyon o hamon ang mga tinuran ng iyong kaharap kung tutuusin. ang siste, may mga abusado sa tenga ng iba. walang tigil na sa kakatalak, puro negatibong bagay pa ang lumalabas sa bunganga.

ilang ulit bang dapat sabihin ng tao ang kanyang problema para magtigil na siya? Kailangan pa bang balik-balikan ang nakaraan na ang hinatid lang ay pasakit sa iyong hinaharap? kaya bang matugunan ang suliranin sa pamamagitan ng puro salita pero wala namang aksyon?

ang babae o lalake na puro reklamo sa kanyang karelasyon, masarap sabihin na ” hoy, hiwalayan mo na nga kung ayaw mo!”

ang tao na balik ng balik sa kanyang nakaraan, na kahit bagong-bago isyu na ang pinag-uusapan ay talagang nakakahanap ng paraan para mapunta sa kanyang sarili ang atensyon. “sana mag-move on na ‘di ba!? wag mong pahirapan ang iyong sarili!”

sa indibidwal na puro reklamo sa buhay? “doon ka sa baranggay magpaliwanag! don’t spread your negative energy, Utang na loob!”

sa tao na hindi maubus-ubusan ng problema at nakikipagkompetensya sa palungkutan ng istorya… “ah e may issue rin kami, pwedeng pagbigyan mo naman ang iba! WALA KA SA LOLO KO!”

lahat tayo ay may mga pinagdadanan o may krus na pinapasan. mahirap talaga ang laging maging positibo, may ilan pinag-aaralan ‘yan habang ang iba ay likas ng masayahin sa buhay. kung hirap ka, pwes ‘wag kang mangdamay ng iba!”