digital blessings

Madalas ngayong pumapasok sa kokote ko yung dialogue ng mama ni Bella (Kristen Stewart) of Twilight na si Renee “I literally repel technology.”  Nagsimula kasi noong May 6 ay nagkasunod-sunod naman atang nasira ang aking blog/site, DVD Player, at broadband connection/ land line phone. Ngayong araw nga rin, nagloloko ang pagtsa-charge ng aking mobile phone.

Kung mapapansin mo ang mga bagay na nabanggit ko ay may kinalaman sa teknilohiya. Mga bagay na nagbibigay ng comfort pero hindi naman sukat na ikamamatay ko. Kaya ko naman bumili ng bago pero may something sa akin na ayoko. I want to challenge myself kung kaya kong tiisin na wala ang mga ‘to at baka naman way din ito para turuan ako ng lesson.

Pero yung mga answers ay dumating at sa iba’t ibang paraan. Nag-offer ako ng pabuya para may tumulong sa akin. Thank you hindi ko na kailangan magpa-load (hehehe) kasi yung taga-forum na mismo ang tumulong sa akin. Yung sa broadband ang sabi sa Monday pa baka magawa pero kinabukasan ay dumating din. At ang nakakatuwa ay may inayos lang akong part sa likod ng DVD player kahapon kasi napansin ko tanggal na yung spring doon sa speaker, pagsaksak ko gumana na. wahahahaha! Pero yung sa audio pa lang ang nata-try ko pero at least nagre-read na siya sana gumana rin sa video.

Naalala ko lang, noong bata ako mahilig akong magsulat sa notebook ko ng aking mga hiling at saka ko itatatago kung saan (madalas sa isang butas ng dingding namin). Halos lahat ng sinusulat ko natutupad at one time nakita iyon ng ate ko. Tanong niya, gaano ka-effective yung letter ko. sabi ko hindi mabilis pero nasasagot. Tas ginaya nya rin ako. eh minsan kinalkal ko yung dingding, aba iyong isa kong ate nanggaganun din at mukang nauna pa sa akin. hehehe

Superwhatword: Focus

superwhatword of gamehouse
superwhatword of gamehouse

“Concentration is the ability to think about absolutely nothing when it is absolutely necessary.” – Ray Knight

Isang araw sa aking buhay, matapos ma-reformat ang aming computer na tadtad ng virus, naatat akong gamitin ito. Bunsod sa ninais ko lang naman na subukan kung maiigi na ang kalagayan nito ay minabuti kong maglaro ng SuperWhatWord.  Maiba lang ba sa TextTwist, Solitaire, at FowlWords na madalas kung ipangpatalastas kapag nagtitipa ako sa computer.

Banayad naman ang daloy ng aking paglalaro. Wala akong iniintindi na may sinumang at anumang aagaw ng aking atensyon kapag nakita akong naglalaro sa computer namin.

Maya-maya napapansin ko na lang na nadagdagan na ang mga wikang kailangan kong buuin . Sa larong ito kasi hindi lamang pagbuo ng hinihinging salita ang dapat na isaalang-alang kundi maging ang oras at aksidenteng pagkakabuo ng wika sa pagdudugtong o pagpapalit-palit ng mga letra. Kapag nangyari iyon mawawala at maghihintay ka ulit ng paglabas ng letra na pwedeng makabuo sa hinahanap na salita. (Ipagpaumanhin, bukod sa mga binanggit ko, BattleCity at Need4Speed Underground hindi ko na kaya ang iba. Napapa@$# na talaga ako sa kaba.)

Ang pinagkaiba lang sa laro ko noon ay ‘di ko napapansin na mataas na iyong antas ko, na noon ko pa lang naabot. Kung hindi nga lang dumaan iyong kaibigan ng kuya ko na sinita kong ‘wag manood ay baka hindi pa ako natalo.

Ano ang kahalagahan ng nasabing partikular na laro?

Napagtanto ko na kaya mataas ang aking puntos ay dahil wala akong iniisip na iba.  Sa laro na lang mismo, hindi ako nakatuon sa kung ano kaagad ang mabubuo kong wika sa mga hinihingi.  Basta ang nasa isip ko kailangan mabuo ko muna ang wikang gusto ko mula sa mga letrang nasa screen.  Kahit kailangan kong mabuo ang pitong wika sa loob lamang ng ganitong segundo, wala akong pakialam basta kailangan matapos ko muna ang isa bago ako tumalon sa isa pa.

Hinuha:

Matagal ko nang napapansin sa aking sarili ang pagiging abala ko sa maraming bagay. Kung kayang makuha ang ilan sa isang pagkakataon, ginagawa ko. Hindi rin mapirmi ang aking isipan at mata sa iisang bagay, kailangan makita ko muna ang iba pa bago ako magdesisyon kaya naman hindi ko namamalayan na tumatagal ang aking ginagawa. Gusto mo ng isang mas malinaw na halimbawa?

Kapag nag-aaral ako, kahit anong linis ng lamesa, kailangan ikalat ko muna  roon ang lahat ng laman ng bag ko bago ako makuntento na pwede na akong mag-aral.  Hindi uso sa akin na kailangang maayos at nakasalansan ang mga gamit.

Kung tutuusin, napakadaling alamin kung saan ka mahina at kung ano ang pagkukulang mo. Pero bakit sa pamamagitan pa ng isang bagay o karanasan  mo mapagtanto ang isang simpleng ideya? Kaya ang leksyon sa akin ng laro ay sumentro o magkaroon ng focus.

Ano ang focus?

“Our thoughts create our reality — where we put our focus is the direction we tend to go.” – Peter McWilliams

Neneng Tantrum

Dear Ate Jevz

Kuripot man akong tao, hindi ko mapigilan ang sarili ko na bumili ng 2 ½ dosena ng Mister donut dahil sa aking katuwaan. Natuwa ako sa mga tao na naapektuhan ng aking pagiging emosyunal at aking pagta-tantrum hehehe…

Sa totoo lang, iniingatan ko na magpakita ng emosyon at isang pribadong bagay sa akin ang pagluha. Eh sa hindi ko na nga maampat dahil sumasabog na ako sa galit eh. Sari-saring kuning na rin ang nagrarambol sa jutak ko simula pa noong imbiernang Viernes.

Naki-jamming na nga ako sa trip ni manang juling tuwing weekend at kahit malayo ay dinayo ko pa ang aking paboritong simbahan, somewhere in San Miguel, Manila para lang mahimasmasan ang anumang nagrarambol sa jutak ko at nagpupumpiyang sa pupuhso kong ewan.

Pinipilit ko na pasukan ng positibong eklabu ang aking pananaw kahit papaano. Kaya naman bukod sa pag-a-eavesdrop kay Don Moen, Kelly Clarkson, Whitney Houston, Leann Rimes, Christina Aguilera at maging kay Mr. Pure energy Gary V eh tumira rin ako ng mga pamatay nina Celine Dion, Corrs, Carpenters, Gary V, Aegis at kung sinong anik-anik pa.

Subalit, datapuwat hindi ko akalaing lalabas si Neneng tantrum at muntik ng pumalahaw ng jiyak. Hindi ko akalaing na talagang tatambad sa akin ang pinakaayaw kong setup sa 2 taon na aking pago-Ortigas. Pastilan!

Mabuti na lang, kahit na may mga panalong dialogue akong narinig maraming tao sa aking paligid ang naantig sa aking pag-e-emote. As in halos lahat gumalaw, maging ang ibang personalidad (naka naman ) eh may I join sa kuning-kuning pero japortant na eklabu sa aking Carerina at sa entire group namin.

Jumundag talaga sa joy ang aking heart kasi wa akong narinig na reklamo kahit alam kong malaking abala rin sa aming mga big brothers ang mga kaganapan. Sa inyong lahat muchos gracias!!!!

Neneng Tantrum

Dear Neneng Tantrum,

Hindi masama ang maglabas ng sama ng loob basta alam mong nasa katwiran ka at wala kang jinajapakan na tao.

Masuwerte ka rin dahil naging positibo ang reaksyon ng mga personalidad sa paligid mo. Hindi ba, kanya-kanyang interpretasyon ang mga tao depende kung gaaano kalakas ang sagap nila?

More power Neneng tantrum sana ay maging mahinahon ka next time at go for gold!

Ate Jevz

Head to Toe presents “Bad Trip”

Head To Toe by Ate Jevz Ikling-Jaba

  Dear Ate Jevz

Hello po Ate Jevs, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan kapag nabasa ninyo ang aking liham. Hindi ko po akalain na pati ako ay susulat sa inyo dahil sa aking karanasan at problema.

Kahapon lamang ay talagang literal na bad trip ang aking biyahe, papunta’t pabalik sa aming bahay. Kapag papasok po ako sa opisina, sumasakay ako sa FX para kumportable at hindi na ako lalakad.  Dumadaan po kasi mismo sa harapan ng aming building yung mga FX na sinasakyan ko.

Kahapon ng umaga, nagkataon na sa unahan ako napaupo. Kung tutuusin isa yun sa magandang puwesto pero hindi ko yun naramdaman. Ganito po kasi, ugali ko ang matulog na lang sa biyahe kaysa tumingin sa mga kapwa ko pasahero. Minsan kahit hindi naman ako inaantok, pinipikit ko na lang mata ko.

Itong babaeng nakatabi ko ay payat naman di hamak sa akin kaya ako na ang nag-adjust dahil nakakahiya naman sa kanya at baka ukupado ng rich behind ko ang aming inupuan. Feeling jackpot naman ako dahil naabot ng aking ulo iyong sandalan.  so feeling ko ulit okay na ang lahat, medyo naiidlip na nga ako, aba itong katabi ko, panay ang kislot. As in hindi mo siya pwedeng ipagwalang bahala.

So ako although, nakapikit  pa rin ang eyes I tried my best na umusog pa, although feel ko na rin yung cambio nung fx. Aba, etong babaeng ito wala pa ring tigil, so dumilat na ako  malapit sa medical city.

Tiningnan ko yung babae, walang hiya! Natutulog din pala, malikot lang. sumasandal-sandal pa sa akin.

Nung uwian naman po ay sumakay ako sa bus, kasama ang bago kong ka-opisina.  Dahil wala ng maupuan dun na kami sa  pinakadulo naupo. Sa totoo lang, may phobia na ako sa pag-upo sa  parteng yun dahil may masilumuot na akong karanasan dun pero dahil may kasama naman ako kaya carry lang.

Maya-maya may nakitang kakilala ang ka-opisina ko at doon niya pinaupo sa tabi niya. Tas maya-maya pa ulit may umupo naman na  Mama sa tabi ko. Napansin ko na lang panay ang kampay ng binti niya sa binti ko. Siempre deadma muna ako sa umpisa nakikiramdam. Baka naman kasi nangangati yung binti niya o ‘di kaya ay nasisikipan siya at naiipit yung “twit twit” niya.

Nung as in panay na, pumadyak ako. hindi pa rin siya tumigil, nagsabi naman ako na “ nasisikipan po ba kayo?”  ang kaso ang umusog e, yung ka-opisina ko.

 

The whole time madaldal naman kami, kung matino yung mama alam niyang pinag-uusapan naming nung ka-opisina ko pati na yung kaibigan niya na kung saan kami nagwo-work, hindi pa siya ninikawan ng ulirat nun. 

 

Gusto ko ng patulan, kung baga kukuha lang sana ako ng back up sa kasama ko, kaso ayaw ata ng gulo. So nung nakakita ako nung bumaba sa may unahan, kumaripas ako ng   lakad papunta doon.

Siempre feel ko harassment yun pero pumasok din sa kokote ko baka style niya lang yun para lumayas ako sa tabi niya dahil nasisikipan siya. Pero tingin ko pang waluhan yun eh anim lang kami nandoon, kahit na ba may dalawang mataba dun, imposibleng  kasikipan at naiipit lang yung twit twit niya kaya panay ang kampay ng binti niya.

 

Nakakainis po talaga, dahil gusto ko lang ay matiwasay na viaje taz gaganunin ka. Yung sa babae nakakapika pero  mapapagpasensyahan ko pa  yung sa lalaki talaga ang nakaka-bad trip.

Actually, hindi ito ang first time na feeling ko na na-harass ako, may ilang beses na rin.

Siguro mula ng mag-work ako ditto sa ortigas, may tatlong beses na rin at lahat sa bus.

 

Una yung, lalaki kunwari tulog pero yung kamay lumalakbay  malapit sa hita ko.  Nilabasan  ko nga ng pamatay kong patalim .14 o katorse (yung sa nail cutter), pinagsabihan at ito ang matindi pag baba ko pinasabugan (pohhhhh) ko siya hahaha!!!

 

Pangalawa yung matindi, as in yun ang dahilan bat ayaw ko ng pumuwesto sa likod.  In your face naglalakbay yung kamay ng lalaki sa bandang tiyan ko. Timang, ata eh, ako hindi ko ma-appreciate yung  bel-belly ko siya natatakam.   Tinignan ko siya ng matalim, eh iba yung reaction niya kakaiba. Binelatan ako, “pusang ina!!!”  baliw ang “tostado.”

 

Nakakaasar po talaga ate Jevz, nakakabastos na talaga. Bad trip!!!

 

Banas na banas,

Conchita Macaspac

  Reply: 

Dear Cochi,

Tnx sa pgsulat u sa column me!

 

Azar tlga ang mga eksenang ganyan,  but if I wer u kung grl lang eh, patient k n lng. E kung sa mrt n nga lng siksikan dun pero w care ang mga babes.

 

Sa guys ka mag-churva… pg my chnce cla 2 attack all out ang mga hitad. Jst b brave and ipaglbn ang ung ryt. Wag k n lng umupo sa pinaka-bck ng bus ksi mrami ngang mga toasted (Tustado) dun at motherly cat(pusang ina)!

 

Tc and Gbu!

 Ate Jevs