The Hope is You

Masarap ang makahugot ng inspirasyon, ang makinig ng payo at gawin ang iyong pasyon. Ano ba ang nagtutulak sa iyo para gawin ang isang bagay? Kahit hindi mo alam kung saan ang tungo at kung ano ang kahihinatnan nito. Madaling madapa at mas madali rin mawalan ng loob. Pero bakit ka bumabangon? Dahil ba sabi ng parents mo? ng relihiyon? o ng iyong iniidolo? Hindi! Maraming prinsipyo sa paligid mo, minsan nabibili pa sa merkado. Pero kaya ka nagpupursige ay dahil naniniwala kang mayroon pa… may darating pa, may bukas pa, at magbabago pa. Iyan ay dahil hindi man sakto o diretsong lalabas sa isipan mo naniniwala ka sa pag-asa. Hindi sa taong taga Pag-asa Kundi ikaw ang gagawa ng pag-asa. at oo ikaw na mismo ang pag-asa and you can be a Hope for other people too

Blogging is disseminating principle

Bawat tao may kwento at paniniwala

may prinsipyo at paninindigan

pero aminin natin may ibang saliwa o baliko

mabuti na lang may mga kaibigan na nasa tamang pag-iisip

magulang na may di matutumbasang pagkalinga

at mga blogger na may paki sa iba.

Gusto mo malaman ang meaning ng prinsipyo?

Puwes may ganyan sa entry na

Kausap ko sila…

ni Daddy Tsinelas

Ikaw, bakit ka nagba-blog?

Join ka na sa Blog Life Contest at  i-discover ang mission mo sa blog world!