asa sa pulitika

hindi lahat ng problema ay actually nasa mga pulitiko.

katunayan may ibang mga umaasa sa pagpasok sa politics ay naloloko rin.

may iba rin kasi na nangangampanya sa ngalan ng pera

at may mga pumupunta ng political rally, sa ngalan din ng kuwarta

II

bagaman may kumikita sa ganitong paraan, ito ay panandalian lamang

walang pulitiko ang mismong bubuhay sa isang pamilya para kumain

sa araw-araw at syang magpapa-aral sa bawat anak sa loob ng tahanan

III

at ang mga politician ay hindi hinahalal para pagkunan ng pera

hindi lahat sa kanila ay marunong sa batas at sad to say may ilan na hindi alam ang talagang

responsibilidad nila. bakit nga ba tayo naghahal ng mga taong, ni magbukas ata ng libro at

mag-basa ng blog ng mga Pinoy ay hindi ginagawa?

IV

May kuwenta pa nga ba ang mga poltical rally? Parang hindi na rin uso ata ang matinong debate

makinig ka, magmatyag, at kilalanin nang husto ang taong napipisil mong iboto

pero ang iasa sa kanya ang kinabukasan mo, malabo yun at hindi n’ya rin responsibilidad

magsikap ka at magtrabaho para maiahon ang iyong pamilya at makatulog sa bansa

V

dahil ang totoo, may ilang dapat nagra-rally ay wala sa kalye at kumakayod pa rin sa

ibang bansa, sa mga pabrika at opisina

huwag mong isisi sa gobyerno ang kahirapan mo

tapos na ang dekadang yon

KAPAYAPAAN, KALAYAAN, KARANASAN…noynoy aquino

May party akong napuntahan na hindi ako ganoon ka kumportable. Hiwalay ang kuwarto kung saan may kainan, doon sa kuwartong may mga program gaya ng sayawan, kantahan at palaro sa parang hotel na ‘yon.

Noong marinig ko na parang may dance contest, nagpasya akong sumali. Pumasok ako sa loob ng kuwarto at doon ko lang naalala na naka-dress pala ako kaya inabot ko ang aking sinturon at sapatos sa aking kaibigan na nanonood lang sa program.

Sa mga kasali, alam ko dalawa doon ay kakilala ko. bigla nag-alala ako na baka stop-dance ang laro. Dyahe naman sa akin ang sumali pa sa ganung laro pero nandoon na rin lang, sumige na ako. Ang nakakaloka lang ay imbes na pasayawin kami ay nagkaroon ng question and answer portion.

Pinakitaan kami ng tatlong que cards na naglalaman ng mga salitang KAPAYAPAAN, KARANASAN at KALAYAAN. Mamimili ka alin sa tatlo o i-enumerate mo ang tatlo ayon sa pagigingg importante nito sa iyo.  Panghuli ako sa sasagot at yong nauna sa akin ay si Tita Cory pala. Ang sagot niya ay KAPAYAPAAN.

Naisip ko ay may punto siya pero ako ang nasa isip ko, kalayaan ang gusto ko na unahin. Pero naisip ko rin nung pagkakataon na ‘yon, mahirap idepensa at may pipili kaya nung cue card na may nakalagay na KARANASAN? Pero noong ako na ang sasagot ay hindi na ako nakapagbigay ng kuro, kasi nagising na ako.

Wala lang sa akin ang panaginip na ‘yon, bagama’t weird at nakasama ko pa talaga si Tita Cory ha.  Pero kanina habang nakikinig ako sa speech at pagdedeklara ni Noynoy Aquino na tatakbo na siya na sa pagkapangulo biglang bumalik sa akin ang panaginip ko.

Marahil pinili ni Tita Cory ang Kapayapaan kasi yun naman talaga ang nagawa niya during her time, gusto ko ng Kalayaan bilang indibidwal at mamamayan at ang KARANASAN ay para kay Noynoy. Sa totoo lang kasi, ‘yon ang tingin kong kulang sa kanya at mas gusto ko siyang tumakbo bilang pangalawang pangulo.

nais ko'y kalayaang,'di papel lamang
nais ko'y kalayaang,'di papel lamang

Siyempre, ayaw ko rin naman sa mga TRAPO (traditional politician) na punong-puno sa karanasan pero wala namang kakuwenta-kuwenta at integridad. Ang sa ganang akin ay kaya nga bang mamumuno, desidido, maaasahan, mapagkakatiwalaan at  may magandang hangarin para sa bayan.

Naniniwala naman ako na mayorya sa mga binanggit kong  katangian ay tinataglay ni Noynoy. At kung titingnan ang mga posibleng kakandidato, namumukod tangi  nga siya sa maraming aspeto.  Pero may bunga kasi ng isang magandang puno na nababalewala ang pagkalinam-naman at sustansya pag piñatas ng hilaw. Nakakatakam man tingnan pero nakaka-frustrate pag hindi naibigay yung hinahanap mong dapat na lasa nito.

Dagdag na tanong lang… kung hindi ba namatay si Tita Cory at iba ang ginawang taktika ni Mar Roxas (lalong-lalo na ang flop niyang padyak ad), papaimbulog kaya ang name ni Noynoy?  May isa lang akong gustong purihin sa kanyang mga sinabi niya iyon ay dapat wag mawalan ng pangarap o pag-asa.

back at one

alarming ang mga pangyayari sa ating bansa ngayon. domino effect ang paggalaw ng presyo ng gasolina, pamasahe, bilihin, bill ng kuryente etc. but we, the working class kahit type man nating humara-hara sa kalsada eh di naman pwede kasi bukod sa bawat araw ay mahalaga…(well siempre yun iba diyan ayaw mainitan at bombahin ng tubig) ay nawawalan na ng gana sa ganung aksyon. i doubt kung kasing lakas pa ng mga naunang people power kung may lilitaw na edsa 5 ngayon… para na lamang kasi itong eksena sa isang political drama hindi ba?

sa ilang nakausap ko nitong mga nakaraang buwan mapa-ordinaryonng mamayan, negosyante, artist etc. nagkakaroon ng hinanakit na bakit nga ba hindi natin buhayin ang mga simpleng bagay na kung saan tayo magaling at tiyak na sagot sa ating mga problema.

agree ako sa nakausap kong negosyante na bakit hindi magtanim ulit ang mga magsasaka at tulungan ng gobyerno na linangin ang agrikultura sa bansa. ani ng businesswoman, ang thailand may economic crisis man ay hindi ganun kabigat kasi mayroon naman silang supply ng pagkain. at bakit ganun? dahil sila tanim sila ng tanim kahit walang kita, eh basta may makakain sila. oo nga naman, mataasan man tayo sa pamasahe eh kung makakatipid naman tayo sa pagkain eh di hindi ganun kabigat ang dagok, parang kunyat lang… boink!

sabi nila nauubos na rin ang supply ng asukal dahil marami sa mga nagtatanim ng bungang kahoy nito sa mga lalawigan ay pumipihit sa paglikha ng biodiesel. bagama’t maganda ang epekto ng nasabing gas, sana wag namang hayaang ng mga kinauukulan na tuluyang bumagsak ito kasi mas malaki rin ang kikitain natin kung patuloy o kung makakapag-export tayo ng asukal sa ibayong dagat. saka maraming negosyo ang maaapektuhan kung darating ang punto na kailangan na nilang mag-angkat pa…hello kumusta naman ang banana-q made in usa na ang sugar…

sino bang may ayaw na lumaban sa tikas ng mga ibang bansa? siempre gusto nating patunayan na astig tayo sa ganito’t ganyang aspeto subalit ang punto rito naayos na ba natin ang basic o step one bago tayo humakbang sa inaakala nating mas mataas na baitang.

kung tutuusin marami pang kailangan na kumpunihin na sira, pagyamaning lupa at linanging pag-asa. ano ang silbi ng globalisasyon kung sisimulan naman ito sa korapsyon, pagtapak sa karapatan at kultura at higit sa lahat paggutom sa matatagal ng kumakalam na sikmura? hindi ba’t bago pumasa sa grade two ang isang bata ay sinisiguro natin na nauto este natuto at handa na siya para rito.

hindi naman siguro kalabisan na bigyan naman ang pagpapahalaga ang mga friendship nating kalabaws out there at sino manong at manang sa kabukiran…they are part of our economy at wala pa ang mga nagtataasang gusali sa city eh sila na ating pangunahing negosyante. hihintayin ba natin na maubos sila at  nag-a-apple picking na lang sa australia, usa, or sa new zealand. naku po!!!

Bara-baranggay, politicahan!

After waiting for three years, Brgy. Election na sa October 29.  As the daughter of tumatakbong kagawad… napi-feel ko ang intense ng kalakaran sa kampanya, knowing din na ma-politika sa lugar namin. 

wala pang campaign period ay “gumagapang” na ang mga kandidato at lider partido ng aking maderaka, ibig sabihin mas matagal at malaki ang magagastos. At the very start, pinigilan ko ang aking maderaka na tumakbo, hindi dahil sa gastos kundi sa sistema. Isa pang malaking concern ko ay ang kanyang health, she’s 61 years old and one na lang ang kidney niya so hindi na ganun kalakas talaga.

Actually, months before na i-declare niya na tatakbo siya ay panay ang punta ng hospital because tumataas ang BP niya at napag-alaman na may vertigo na siya. Because I’m just a daughter, I’ll just shut my self  sa aking blue Nassau.  Hindi talaga ako nakikihalobilo and never akong nag-offer ng help. 

For your information hindi naman na bago sa akin ang ganitong scenario. Since the first SK Election, kung saan tumakbo ang isa kong ate for kagawad ay naging active na sa social and political activities ang aking family.  Kung tutuusin nga mas matagal pa roon because naturally “sosyalera” ang nanay ko. 

So nung elemtary pa lang ako , sumasama na ako sa kampanyahan., namimigay ng polyetos, nagdidikit ng mga ka-posteran sa kapaderan at kung anik-anik pa. then second sk election, tumakbo rin ang isa ko pang ate…so ganun ulit… Ayon kada election na lang nagiging busy ang aming buhay at bahay… sumusuporta sila sa tumatakbong congressman, mayor, city councilor… chinilin china. 

Huthutan ng mga balimbing… 

For me politics is like showbiz, kung san ka sisikat at uusbong dun ka di ba naman? Magkakapartido, nagsisiraan; Magkakamag-anak, nag-aaway; lipatan ng mga lider; at maraming nilalang ang nagiging kawawa kuno para makahuthot ng salapi sa mga kandidato.  

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit hindi pinansin ng mga politikong binigyan ko noon ng solicitation letter. Sa dami nga naman ng lumalapit sa kanila na may ganitong mga problema, kailangan  pala talagang dramatic at outstanding ang iyong rason. Minsan nga to the point na kailangang patayin (ayon sa sulat) para makakuha ka ng pera. 

I know na maaaring may problema nga  ang mga taong lumalapit pero talagang tuwing election ganun… bakit hindi sila lumapit sa  mga nakaupo sa baranggay at hindi sa mga kumakandidato pa lang.  Isa pang kinaiinisan ko ang mga nagpapanggap na tumtulong for the campaign. They arrive early sa headquarter (na sadlly this time ang bahay naming yon), boasting some of they allegedly achievements and “power to the people.” Kakain sila at pag busy na ang lahat sa pagsakay saka sila lalarga sa ibang lungga. 

Ayokong manira pero talagang sasabihin ko na minsan iyong ibang kandidato pati yong hindi dapat pinapakain , dun nila sa pinapakain sa kanilang headquearter para makatipid sa kanilang mga taga-suporta at mga kamag-anak. Ano ba tumakbo ka ng walang pera, eng-eng ba sila? Tumakbo ka kung may ibuburas ka, hindi yong inaasa mo sa iba. 

Black propaganda 

Hindi natatapos sa pagbabaklas ng posters ng kalaban, nariyan pa ang siraan at kahit sukat ng manakit ng kapwa…ang nakakaloko pa niyan kung sino yung  naka-upo siya p[a yong madalas na gagawa nun. Hindi ba sila kumpiyansa sa kanilang mga sarili at llamado na nga sila dahil nakaupo sila, mang-aano pa. hay.. ilanh pamilya at magkakaibigan ang kailangang sirain para makuntento sila. 

Calling, PR Department 

Ang plastikan ay di nawawala, at kailangan talaga ito especially sa politica. Kahit gusto mo nang ngudngurin ang pagmumukha ng kausap mo dahil alam mong ginigoyo ka niya…  kailangan pa ring smile-smile ka lang sa kanya… at kung kaya ibigay ang kanyang hinihingi. Yung tipong kahit mortal mong kaaway, eh magpi-feeling best of friends kayo for the sake of politika. What a fact!!! Para naman makakuha ng dagdag boto, kailangan buhayin ang mga lumang phonebooks para kontakin ang mga kaibigang hindi mo naman naging ka-close at noon ay wala kang interes na kausapin.  Hay… kahit brgy election lang daming isyu.. nakakaloka ….