I Don’t Like you… maybe!

Hindi tayo talo, yan ang sabi ng kokote ko____jukebox

puwede kitang kaibiganin pero malayong ibigin

rakista ako, country ka

computer ang hawak ko,  lupa ang sa iyo

mahilig ako sa tisoy at may salamin

ikaw ay…never mind na lang

II

Layo talaga, hindi kita magugustuhan *

lagi mo akong pina-iistaran

hindi binabati, pero tinitingnan

hindi kinakausap pero pinariringgan

hindi pinapansin pero daan ka naman ng daan

III

Hindi ko trip ang madaldal, ang antipatiko

lalo na ang  mukhang mahina at pakitang babaero

kala mo papasa ka sa akin

 

aba…

oo naman

Ligawan mo muna ako noh!

(pakipot lang)

legend:

__noon

*dati

Kailangan Kita

Kailangan Kita sa Buhay kong itoSculpture in N Seoul Tower

Sa mga oras na walang kasuyo

sa puntong ako’y nawawala sa sarili

pagod at walang kahalili

nais kong ikaw at ako ay maging isa

II

dalangin kong wag kang mawala

gusto kitang makilala pa

mapag-yaman ang iyong  kariktan

sa puso’t  isipan kong tuliro man madalas

hindi naman basta kumakalas

III

Kung di mo napapansin ang aking pagtangi

pagkat sa lilim ako’y palaging nagkukubli

nais kong malaman mo,  itinuturing kitang

kabahagi ng aking pagkatao

dumadaloy mula sa sakong hanggang  ulo

IV

Wag ka lang mawawala

Mr. Me

Monologo para Que Inglesia

I. Nakilala sa Naruto costume

Hindi man ako maka-Naruto

Bentang-benta ang costume nya sa iyo

Parang itlog na sinasaw sa  harinang kahel

Patok na kwek-kwek lang ang level

II. Naging malapit sa Robinsons Galleria

Tumatambay sa Rob

Kasama ni Armea at ni Baylon

Kakain, tatawa, maba-bad trip at maya-maya’y

Tutuhog sa styro

Hahaba ang nguso

Saka mag-e-emo

III. Arte-artehan

Kaartehan sa katawan ‘di nawawala

Nanalaytay mula palad hanggang baga

Scrapbook, pananahi, at abubot

Kayang-kaya mong buwiset ka

Ikaw na ang masining na makultura pa

IV. Lover to the bones

Sa kwetuhan panalo na

Maaaksyon na hiwalayan

Nakakatakot na mga salitaan

Nakakatawang tagpo at yugto

At umaatikabong romansahan

MMK episode: Kabog!

V. Astig na palaban

Katahimikan ko’y nawawala

Pag umariba na ang iyong ngala-ngala

Mata’y umiirap, noo’y namumula at pag

HUY!

Si Pao may bagong special

Special getaway

Special incident report

At  special…

you know who you are.

VI. Hoshi’s wishes

Wala man ako sa iyong tabi

Panalangin ko’y sa iyo palagi

Kasiyahan at pag-ibig na wagas

Bulsa’y  hindi mabutas

talento’y patuloy na maipamalas

mukha’t binti’y ‘di magmanas

Mabuhay at Maligayang Kaarawan

Kaibigang Pao Iglesia

Hangganan

nakakapagtaka na may taong akala mo naiitindihan mo pero yun pala ay ikaw pala ang hindi niya iniintindi. para bagang, kahapon lamang nagkakatuwaan kayo at tinutulungan mo siya pero dahil sa isang tao ay iiwan ka n’ya. pagkatapos, mararamdaman mo na lamang na handa ka n’yang isakripisyo alang-alang sa iba.

masakit pero sadyang ganyan ang buhay. kung tama ang wikang paraya, ‘yan ang dapat gamitin na linya. kung sa simula ay iniitindi mo siya, ngayon kailangan mo na rin siyang unawain. Pero hindi rin naman ibig sabihin na naiintindihan mo ay umaayon ka na sa hindi mo gustong ipinapakitungo niya. Pinapalaya mo lang ang sarili mo sa ideya na magkatulad kayo dahil ang totoo ay hindi.

Isa lamang siya sa mga taong kailangan mong makasalubong pero hindi mo makakasabay sa iyong patutunguhan. May hangganan ang inyong pagkikita at pagsasama. Mahirap siyang akayin dahil mahirap magsama ng taong, ayaw sumama at pahihirapan ka lamang sa iyong paglalakbay.

ganun din naman siya, kailangan niyang maglakbay sa direksyon na nais niyang tahakin. wag lang sana siyang madapa at magsisi sa bandang huli.  Dahil ang pagkakataon, minsan lang dumarating. at ang taong tulad mo ay hindi na babalik kagaya ng dati.

 

 

 

Morning Rush

Nagmamadali ako sa paglalakad

sa kalyeng papunta sa aking pinasukan

Nagmamadali ako sa paglalakad

sa kalyeng papunta sa aking pinasukan

Salamat na kahit kinakabahan

At baka ako atrasado  na sa oras

Maganda ang panahon

Tama ang sikat at init ng araw

Iilan pa lamang ang aking nakakasalubong

At nakikinig pa ako sa aking paboritong tugtugin

Pakiwari ko na sana ay ay nagdya-jogging lang ako

Kung hindi lang sa nakasalubong kong naninigarilyo

Walang nag-e-ehersisyo na sumisinghot ng usok.