Pinoy, masuwerteng matalino o masuwerteng madiskarte?

Isang araw tinanong kami ng aming college professor kung ano ang motto, battlecry o islogan namin sa buhay. Marami akong kaklase na nagsabi ng seryosong sagot na puwedeng pamosong quote o inimbento nilang islogan. Pero nung ako ang tinanong ang sabi ko ay “It’s smarter to be lucky than it’s lucky to be smart.” Nagtawanan ang ilan sa mga kaklase ko lalo na nung malaman nila na kinuha ko ‘yon sa anime program na “Samurai X.”

Puwedeng katawa-tawa nga ‘yon pero seryoso talaga ako sa sinabi ko. Buti na lang pinagpaliwanag ako ng aming professor kung bakit ‘yon ang islogan ko.

Nakakalungkot kasi isipin na kapag mahirap ka na nga, minamaliit ka pa.  Hindi ka na nga nakapagtapos ng pag-aaral o hindi katalinuhan, ipamumukha pa sa’yo na hanggang d’yan ka na lang.  Napakatindi nang paghanga ng marami sa matatalino at mayayaman. Wala namang masama doon, ang masaklap ay iyong mawalan ka ng pag-asa kasi ito ka lang.  Hinalimbawa ko ang buhay ni Manang Juling at ang kilala kong mag-asawa na mula sa mayamang pamilya.

Si Manang Juling ay isang probins’yanang namasukan bilang katulong. Sinikap niyang pag-aralin ang kanyang sarili habang nagtatrabaho. Hindi nga lang niya naipagpatuloy ito dahil siya ay nakapag-asawa at naging sunud-sunod ang kanyang panganganak.

Samantala, ang mag-asawang aking kilala ay nagtanan at bumuo ng pamilya. Hindi lang klaro sa akin ba’t sila nagtanan, puwedeng dahil buntis si babae o ayaw ng magulang nila sa kanilang pagsasama. Ang maganda lang ay pareho na silang patapos sa pag-aaral noong panahon na ‘yon.

Sa dalawang halimbawang binanggit ko, madaling sabihin na napakalaki ng tsansa ng mag-asawa na magkaroon ng komportableng buhay. Lalo pa nga’t ‘di naglaon ay tinanggap din ang kanilang relasyon ng kani-kanilang pamilya. Habang si Manang Juling ay nabalo nang walong taon pa lamang ang kanyang bunso at pansampung anak.

Pero ang nangyari, naging pala-asa sa tulong ng kanilang kamag-anak ang mag-asawa kasama na rito ang pagpapa-aral sa kanilang mga anak. Samantalang si Manang Juling ay nagsumikap na buhayin at pag-aaraling mag-isa ang kanyang mga supling sa pamamagitan ng pagpasok sa kahit anong hanap-buhay na marangal.

Napagtapos ni Manang Juling ang kanyang mga anak. May naging lisensiyadong dentista, nurse at Med Tech (medical technician). Mayroong ding nagtapos ng banking and finance, HRM (Hotel and Restaurant Management) at vocational courses na nagawang mangibang bansa dala ang kanilang lakas ng loob at kakayahan.

Maaaring sa simula ay may mga taong parang pinagkaitan ng tadhana at wala silang potensyal na umasenso sa buhay. Subalit, sino nga bang makapagsasasbi kung ano ang mangyayari bukas? Lalo pa nga’t wala namang ginagawa para magkaroon ng magandang kinabukasan.  Para sa akin, sa diskarte, positibong pananaw at determinasyon nating mga Pinoy tayo nagiging suwerte at hindi sa katanyagan, katalinuhan o kayamanan lamang.

Nakumbinse ko naman ang aking professor at mga kaklase sa aking paliwanag. Hindi naman na nila ako pinagtawanan bagkus ay may ilan pa ngang binati ako, lalo na noong sabihin ko na akong kaklase nila ang pansumpung anak ni Manang Juling.

Daig ng pagkaPinoy, ang taong tamad

In-anticipate ko na ang kaguluhan at aberya sa election kaya tinamad akong bomoto.  Doon pa nga lang sa manu-manong pagboto ay hanapan kami ng hanapan kung nasaan ang presinto ko.  Tapos ang nakakainis pa pag nahanap mo ang name mo ay mali pa ang pakaka-type. Pero hindi ako galit, iniisip ko na lang na ganun din ako. (pampakalma)

Pumunta ako sa school kasi

  1. Lahat ng nakaalam na tinatamad akong bomoto ay nagsabi sayang naman.
  2. Inaya ako ng 2 kong kuya na bomoto, yung isa naninirahan na sa Montalban nagpunta lang dito para bomoto.
  3. Minsan lang sa six years na masasabi mo ang choice mo.
  4. para malaman kung nasa listahan pa ako
  5. Dahil isa akong Pinoy na may paki

Sa  school

  1. parang piyesta sa dami ng bandaritas pero ngayon mas konti na yung papel. Tao na lang ang dumadami
  2. kawawa ang mahahaba ang pila, buti na lang wala doon sa presinto ko
  3. tuwing pupunta ako sa school (my alma mater) laging may bago.
  4. may ilan akong nakitang kakilala, wala tiningnan ko lang sila at lumayas na ako. Init kaya!
  5. parang astig iporma yung daliri mo na may ink. Buti na lang hindi nila nilagay yung ink sa hinlalaki ano! Wahahaha

pag-uwi galing sa school

  1. sarap makipamalita sa ibang friends kung ano naging kalagayan nila
  2. okay na makipagtalakayan kasi naranasan mo ang bomoto
  3. sarap lumaklak ng malamig na inumin
  4. mainam na itabi ang yung vote’s stub ( na ang tagal namang maging ID). May silbi pala ito.
  5. sarap i-blog ang iyong sentimiento.

Pinoy ka?

Iba na ang pakiramdam ko, kumpara nung estudyante ako, kapag dumarating na ang Hunyo. Apat na petsa lang naman ang sa tingin ko na kailangan kong paghandaan sa pagpasok ng buwan na ito, lalo na kapag nag-aaral ka pa, Independence Day, Father’s Day, Kaarawan ni Rizal at pasukan sa eskwelahan.

Alin ba ang mas binibigyan ng effort? Siyempre ang pasukan ‘di ba. Momobrolema ka kung kakayanin ba ng budget ang pambili ng mga school supplies at tuition fee. At ito pa, ang matinding daloy ng traffic kasabay ng rumaragasang rain & flood.  Naku ayoko ng ikuwento ‘yong nabura ata ang isang hibla ng intestine ko nang ma-stranded kami. Biruin mo 12 oras akong ‘di nakakain, basang-basa ang ulo at mga paa, at di ko alam kung nasan na ang FX taxi na sinasakyan naman. Ayoko na ikuwento ‘yon kasi alam kong maswerte pa ako. Iyong iba nga naglalakad sa hanggang kili-kiling baha e.

IMG_4249
sa Luneta

Maiba tayo, bilang lehitimong taga- Pilipinas, kailan mo sinserong na-feel na wow Pinoy ako? ‘Yon ba ‘yong panahon na gumawa ka pa national flag na gawa sa pinaggupit-gupit at pinagdikit-dikit na art paper with matching stick?  O nung nag-field trip kayo sa Rizal Shrine, Luneta, at Intramuros nung estudyante ka pa?

Pero kahit naman wala ka sa school, kahit papaano’y may bagay na makakapukaw ng iyong atensyon bilang Pinoy. Sige nga, pinapalampas mo ba  ang mga laban ni Manny? At kahit hindi mo trip ang style ni Martin, dinamdam mo rin ang pagkakanta niya ng ating pambansang awit.  Ako  hindi ako mahilig sa mga beauty pageant pero ‘pag alam kong malakas ang laban ng ating pambato  interesado akon malaman ang update sa kanya.

Lately sari-saring isyu rin ang tila humahamon sa atig diwa bilang mga Pinoy.  Nariyan ‘yang pasaring ni Alec Baldwin, pagbawi sa kaso ni Nicole kontra kay Daniel Smith, ang matalim na comment ng favorite writer ni Raft3r na si Chip Tsao, ang desperadang linya ni Teri Hatcher at isasali ko na d’yan ang hot topic ngayon, sinong mas malakas si Nardong Toothpick or Nardong Putik este ang sex video scandal ni Dr. Hayden Kho.

Saan na nga ba inaabot ang damdamin mo sa bayan o sa iyong pagiging Pinoy? Nagagalit ka ba sa mga foreigners na nagkokomento ng ‘di maganda sa atin/sa Pilipinas o sinisisi mo rin ang ating ilang kababayan na nagpapakita ng ‘di magandang asal sa ibang bansa? at sa palagay mo gaano na ba kalala paglamon sa atin ng pagiging kolonyal at pagyakap sa globalisasyon?

Ako ito lang… sabi ng Nanay ko kinausap daw siya ng teacher ng pamangkin ko na kausapin daw in English ‘yong pamangkin kong si Calabasa. Ito ay para daw masanay at  matututo ang bata na magsalita sa Ingles.  In fairness napaisip ako nang — Pinapasok ng mga kuya ko ‘yong pamangkin ko sa loob ng bahay dahil nag-iinuman sila. Eh makulit…

Kuya ko: Hey you, young pumpkin, go inside before I kick your ass!

Calabasa: I don’t like tito you’re such a loser!

Whaahh I’m confused as in confuse  capital LBC.

musika para sa kapayapaan

kakapakinig ko sa playlist ng isang online buddy ko. napadpad ako sa musika ng Asin na kinalakhan ko dahil sila ang pinakikinggan noon ng mga nakatatanda kong kapatid. pero tila napahinto ako sa song na ito…

ang bayan kong sinilangan by asin

dahil kahit matagal ng nailunsad sa merkado ang awiting ito sakto-sakto pa rin sa mga pangyayari ngayon.

para sa pamahalaan at sa mga kapatid natin sa Mindanao na naiipit sa giyera, nawa’y matamo na ninyo ang Kapayapaan at Pag-unlad.

nakakalungkot lang na kailangan pa na magbuwis ng buhay ang mga sibilyan at naghahangad ng tahimik na pamumuhay para sa ipinaglalaban ng iba na may dalang armas.

%d bloggers like this: